Chapter 67
Cassandra's Point of View:
Kanina pa ako paikot-ikot ng lakad dito sa sala. Hindi ako mapakali.Tinignan ko ang oras sa phone ko.
6:14 pm.
16 minutes na lang, magsisimula na ang prom. Kanina pa umalis si Kuya Cris dahil nga date siya ni Nicole at kailangan niyang sunduin si Nicole sa bahay nila.
At ako, ako na lang ang mag-isa ngayon dito sa bahay. (Day off kasi ng mga yaya namin dahil nga may kanya-kanyang lakad naman kaming magkapatid, at wala naman na silang gagawin.)
Wala pa si James. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag at mga texts ko. Hindi ko alam kung bakit. I'm starting to worry.
Nabalik ako sa mundo nang mairnig ko ang ringtone ko.
Incoming call from: Jeon Nicole💘
Aaminin ko, nadisappoint ako nang makita ko ang caller id. Yes, I was expecring it to be James. Pero sabi nga nila, huwag umasa. Baka mapaasa.
At yun nga ang nangyari sa akin.
Without any hesitations, sinagot ko ang tawag.
(CASSANDRA!!!)
Nilayo ko agad ang phone ko sa tenga ko.
"kailangan sumigaw?!" Banas na tanong ko.
(AY HEHE SORRY. DI KASI KITA MARINIG. ANG INGAY DITO HEHEHE.)
Pasigaw pa ring sabi niya. Alam kong nandun na sila. Rinig na rinig ko ang lakas ng music nila.
"Bakit ka ba tumawag?!" Inis kong anong.
(ASAN KA NA?! BAKIT WALA KA PA DITO?? IKAW NA LANG WALA DITO OY!)
napabusangot na lang ako sa tanong niya.
"Wala pa si James!"
And with that, I ended the call.
6:25 pm.
Wala na akong pag-asa para makaabot pa sa linchak na prom na yan. I mean, pwede pa. Pero wala na akong pag-asa para manominate para sa Prom Queen. I mean, wala naman akong balak na manalo dun pero... why not diba?
Umakyat ako pabalik sa kwarto ko. Hindi na lang ako aattend.
Tinignan ko ang mga messages ko sa kanya through text at through messenger.
Sa messenger, ni isa, wala siyang sineen.
Sa messages, hindi ko alam kung nababasa ba niya to o hindi eh.
To: 宝贝❤
James, asan ka na?To:宝贝❤
James, magsisimula na!! Asan ka na?!?To:宝贝❤
Ethan James Go!Natawa ako nang mabasa ko ang mga messages ko sa kanya.
Nangako siya. Kailangan niyang panghawakan ang pangako niya. Hindi pwede. Hindi niya pwedeng pakuin yung mga pangako niya.
Shaking my head, bumaba ulit ako para maghintay ulit.
James, kahit gano katagal, maghihintay ako.
Hindi nagtagal, narinig ko na ang tunog ng doorbell.
SA WAKAS. DUMATING NA SIYA.
Napaayos ako ng upo at biglang napatayo at napatakbo sa pinto.
"K-kenneth?" naguguluhan kong. tanong.
"Hi kambal. Nagtataka ka siguro kung bakit ako ang nandito at hindi yung walang kwenta mong date noh? Ay joke. Di siya walang kwenta. Wag mo kong patayin." Sabi niya sabay peace sign at kamot ng batok.
Tignan mo to. Ang daldal kasi.
"Bakit ka nandito? A-asan si James?" tanong ko pero hinatak niya lang ako papasok sa kotse niya.
Kinabit niya ang seatbelt ko at pinaharurot niya na ang kotse niya.
***
Katahimikan.
As usual, yan ang bumalot samin.
Awkwardness.
Isa pa yan.
"Kambal, mag-eexplain ako." Sabi niya at napatingin na lang ako sa kanya.
To whatever he will be saying, I hope it will be something useful.
Wala ako sa mood para makipag-away.
"Una sa lahat, kaya ako ang sumundo sayo, kasi wala ang kinakapatid kong magaling na boyfriend mo."
Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero pinigilan niya ako ka agad, "Hep! Huwag kang magsalita! Ako muna!"
"Oo, wala si James. Ngayon ang flight nila pabalik ng Canada."
Pagkasabi niya nun, feeling ko, nabingi ako. Wala akong marinig. Pinapakiramdaman ko lang kung anong nangyayari.
Nagsimula na ring bumuhos ang mga luha ko.
"He didn't have the chance to bid goodbye. Biglaan rin kasi. Nung araw na nag prompose siya sayo, yun din yung araw na sinabi ni ninang sa kanya na ngayon din ang araw ng flight nila. Ayaw niyang sabihin yun sayo kasi ayaw niyang ito pa ang problemahin mo. You were already stressed dahil sa pag-dedecorate ng halls. Ayaw na niyang dagdagan pa ito."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
"Pangalawa, sa akin ka niya ipibagkatiwala. Una, dapat kay Nico. Kaso may date na siya, si Ynna. That time, wala pa akong date. I wasn't actually planning na umattend dito sa pesteng prom na to. Pero ibinilin ka niya sa akin. At bilang bestfriend mo at kinakapatid niya, pumayag ako."
Pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit na ngumiti. Kaso kahit anong ngiti ko, may lumalabas talagang nga luha, eh.
"Cass? B-bakit ka umiiyak?!" Sinubukan niyang punasan ang mga luha ko.
"Magdrive ka na lang." sabi ko at ako na lang ang gumawa nito.
"All this time, alam mo, Kenneth? Pero bakit ni minsan... h-hindi mo nabanggit s-sakin?" Umiiyak kong sabi.
Hindi siya umimik. Tahimik lang siyang nagdadrive.
"Pakisabi na lang sa k-kanya... masakit..." muli kong sabi habang humihikbi.
Hirap na akong huminga dahil sa pag-iyak ko. And I'm 100% sure na sirang sira na ang make up ko. Wala na akong pake kung pagbulungan man nila ako. It's my life. I do ehatever I want. Haters be damned.
Tahimik lang ang biyahe hanggang makarating kami sa school.
Nang bababa na sana ako, bigla siyang nagsalita.
"Nagpaalam siya, Cass. Hindi mo ba alam?" Gulat na tanong niya.
"Tanga ka ba taga Kenneth? Iiyak ba ako kung nagpaalam siya?!? Mag-isip ka nga!" Bwisit kong sabi sa kanya.
"Buksan mo twitter dm mo." Sabi niya at ako naman tong si tanga na binuksan.
james go
@jamesethan_17Baobei, first of all, I'm so sorry that I can't go to prom with you. There's a sudden change of plans. Kailangan naming bumalik sa Canada sa mismong prom day. Hindi ko sinabi sayo kasi ayokong problemahin mo pa. Ibinilin kita kay Kenneth. Sabihin mo pag may ginawa siyang kalokohan ah!
Cass, Baobei, C, I'm really really really really sorry. But, I'm not breaking up with you. Nagsasabi lang.
Hindi ko alam kung kailan ang balik namin. Basta ang alam ko lang, babalik rin kami.
I hope you forgive me.
Happy Birthday, Baobei. Mahal na mahal kita.
~Your J.
(Convo on the multimedia. :))
BINABASA MO ANG
Consequences
Romance-EDITING- what happens if the crazy, suicidal, and the one and only Cassandra Alvarez, falls in love? will she be able to escape the consequences of love? Language/s: Tagalog, English, Korean, Chinese (no kidding) Date Started: February 14, 2017 Da...