Chapter 45

13.1K 202 42
                                    

Surprise, binch. Charot.

Vote, comment, and follow!

----------
Chapter 45

Cassandra's Point of View:
Nakatulala pa din ako hanggang ngayon. Like literally. Tulala.

James? Buhay? Twin? Teka. Bakit parang ang gulo. Scratch that---magulo talaga.

Incoming call from: Kuya Chris

"H-Hello?"

Hinawakan ko nang mahigpit yung phone ko kasi feeling ko anytime pwedeng dumulas ito sa kamay ko.

(Cass? Ayos ka lang? Asan ka?)

"K-kuya... p-puntahan mo ako dito sa may bookstore.."

(Ha? Bakit?!)

"Basta.."

*call ended.

Binalik ko ang tingin ko sa James na nasa harap ko. Kung siya nga ba si James.

Nakatulala pa din ako sa mukha niya hanggang ngayon.

"Cass!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin galing sa likod ko.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Si Kuya.

"James." Sabi ni Kuya pagkakita niya sa taong nasa harap ko.

Hindi ko na muna siya tatawaging James kasi hindi ko alam kung si James ba talaga ito. Kung siya ba to. Kasi para sa akin, matagal nang wala si James. Matagal na siyang patay.

"Kuya Jaz." Sabi rin niya.

Unti unti akong napalingon kay Kuya Chris. "T-teka... ano t-to? K-kuya? A-alam mo?" Naluluha kong tanong kay kuya.

Napayuko siya. "Ako? Hindi lang ako. Namin." Sabi niya.

Nanghihina ako. All this time, alam nila. Tapos wala man lang silang balak sabihin sa akin? Tinago lang nila? Kung sino pa amn ang ibang nakakaalam.

Napalingon ako dun sa nakabangga ko. Tapos kay kuya. Tapos dun uli sa nakabangga ko. Tapos kay Kuya.

"A-ano to?" Hanggang ngayon, hindi pa din ako naniniwala sa mga nakikita ko.

Bakit? Of all times, bakit ngayon pa? Kung kelang nakamove on na ako tyaka babalik lahat?

Lumapit sa akin yung kamukha ni James. Oo. Tama. Hindi ito si James. Kamukha niya lang. Diba?!

"Op. Wag kang lalapit. Lumayo ka sa akin." Sabi ko habang naglalakad palayo.

Ngayon naman, hinarap ko ang magaling kong kuya. Kung kuya ko nga ba ito. Kasi kung kuya ko talaga ito, di naman to maglilihim eh.

"Magpapaliwanag ako. Kami." Sabi nung hinayupak na nakabangga ko.

Kung sino man siyang nagpapanggap bilang James, di sana siya makatulog mamayang gabi.

Pumasok sila sa Starbucks. Wala akong choice kung hindi pumasok na lang rin. Alangang magpapakachoosy pa ako eh Starbucks na yan.

Magkatabi silang dalawa at ako sa harap nung hinayupak.

Uminom muna ako ng tubig. Hindi ako makapagsalita.

"Ehem... so...??"

Napalingon naman silang dalawa sa akin.

"May magsasalita ba? Kasi kung wala, uuwi na ako." Banas kong sabi.

Huminga nang malalim yung kamukha ni James, kung sino man siya.

"Una sa lahat, nice to meet you, I'm Ethan James Go."

Tuluyan nang nalaglag ang panga ko. Ano bang pinagsasabi nito.

"Buhay ako. At ang namatay, was my older twin brother, si Kuya Zeke. Ezekhiel Johnson Go."

Teka...

A-ano raw? Z-zeke?

Twin? Older twin brother?

"T-teka... ano?"

Naguguluhan na ako. Ano bang pinagsasabi nito. Habang ako'y naguguluhan, si Kuya naman, tahimik lang.

Mamaya kami sa bahay magtutuos.

"To make the long story short, may kakambal ako. At siya, si Kuya Zeke ang namatay. Hindi ako. Siya ang nabaril, hindi ako. Pero everytime na mapapahamak siya, ako ang nagliligtas sa kanya. Ako ang tagapagligtas niya. Bakit? Kasi mahina lang siya." Tuloy tuloy niyang sabi.

Ako naman, naguguluhan. K-kung sino yung taong minahal ko. Kung yung kambal ba niya o siya.

"Teka ano? Nalilito pa din ako." Sabi ko sabay punas ng mukha ko.

"Nung mga bata kami, lagi kaming napapagbaligtad ng mga kamag-anak namin. Lalo na si kuya Sherwin at si Tito Alex. Si Kuya Sherwin at ang family niya, family friend lang namin. Hindi kami blood related. Pero since family friend nga sila, naging sobrang close kaming tatlo. Pero yun nga, lagi kaming napapagbaliktad ni Kuya Zeke." Sabi niya at ako naman, nakikinig lang.

I have a feeling na parang kilala ko na yung pumatay sa kuya niya.

"Nung 4 years old kami, pumunta si Kuya Zeke sa bahay nina Tito Alex. Ihahatid na sana pauwi ni tito si kuya pero may biglang pumasok na mga tao sa bahay nila at pinagbabaril si tito. Nakita ni Kuya Zeke lahat ng nangyari. Nagalit sa kanya si Kuya Sherwin at sinabing maghihiganti siya. Pero buong akala niya, ako si Kuya."

Unti unti nang nagsisink in sa utak ko ang mga nangyayari.

"Kinakailangan kong magtago kasi ang buong akala at alam ni Kuya Sherwin, ako ang nandun sa bahay nila nung panahong nabaril si Tito."

Nagegets ko na ang mga nangyayari.

"Ang sinasabi mo ba eh yung kuya Sherwin niyo ang pumatay sa kuya mo?" Naguguluhan kong sabi.

Tumango siya.

"By any chance... n-nahuli na b-ba yung pumatay s-sa kuya mo?"

Silence.

Tumango siya.

"Kaya ako bumalik." Sabi niya.

"P-pero... sino sa inyo yung m-m-minahal ko?" Naguguluhang tanong ko.

Bakit kung kailang nakamove on na ako tyaka ka pa babalik? Bakit pa? Para saan pa?

"Ako yung naging kaklase mo sa math club. Ako yung nakita mo na kasama ni Kenneth. Ako yung nasa banda. Hindi si kuya. At higit sa lahat, ako ang nagpabigay kay Kenneth nung mga binigay niya sayo." Sabi niya.

Napatakip na lang ako ng bibig habang naiiyak.

"Sino pa ang nakakaalam nito?" Tanong ko.

"Halos lahat. Ako lang ang tinag nila sa pics nung namatay si kuya kasi wala siyang facebook account. Akala ko nga dahil nagpost ka eh alam mo. Kinontsaba ko rin sila na james ang itawag kay kuya." Sabi niya.

So nagsasalitan sila sa pagpasok ng school. At alam ng mga kaibigan ko ito. All this time nagtatago sila ng mga mahahalagang impormasyon sa akin.

Kaibigan ko ba sila? Akala ko ba hindi kami magtatago ng kahit ano? Aish! Nakakagago!

"Bakit ka bumalik?"

"Nahuli na si Kuya Sherwin. Akala niya patay na si Tito Alex. Pero ang hindi niya alam, buhay pa siya. Tinatago lang namin." Sabi niya.

"Bibisitahin ko din si kuya. Ang rason kung bakit hindi nabubuksan ng kahit na sino yung gate eh aside sa nakalock at walang susi, kasi hindi Ethan James Go ang nakalagay dun. Kung hindi Ezekhiel Johnson Go." Pagpapatuloy niya.

Ngayon, alam ko na ang lahat.

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon