Chapter 50

13.9K 191 10
                                    

Thank you for 11k reads!
--------
Chapter 50

1 week later. . .

Nicole's Point of View:
Isang linggo.

Isang linggo na siyang tulog at hindi gumagalaw.

Kung hindi lang dahil sa nakakabit na aparato sa kanya, iisipin na naming patay na siya.

Pero hindi. Hindi kami nawawalan ng pag-asa. Alam naming mabubuhay pa siya. Magigising pa siya.

Kilala ko si Cass. Kilala namin si Cass. Hindi siya sumusuko ka agad. Matapang yan eh.

Napalingon kaming lahat sa pinto nang marinig namin itong bumukas.

Iniluwa nito ang parents ni Cass na halos pagsakluban ng langit at lupa nang makitang tulog pa din si Cass.

"Hindi pa rin siya nagigising?" naluluhang tanong ni Tita Christine sa amin.

Lahat kami ay umiling.

May dala sina titang pagkain. Magsstay kami dito hanggang kaya namin. In-excuse mismo kami nina Tita Christine sa AAU. Siya, ang may-ari, na mismo.

Ipinagpaalam na rin niya sa mga magulang namin. Tapos magmemake up classes kaming lahat pag nagising na siya.

"Kain muna kayo oh," nilapag ni tita ang mga dala nilang pagkain sa table.

Pero ako, dumiretso ako sa sofa kung saan nandun yung phone ni Cass. I can't believe na walang nakakaalam ng passcode niya.

Maliban sa akin. Nakita ko kasi noon habang ineenter niya eh. Pero hindi niya alam na nakita ko. Hahaha.

021307. Unlocked. Yun pa rin. Hindi niya pinapalitan.

Hindi sinasadtang mapindot ko ang gallery. Pero wala na akong nagagawa kundi tignan na lang yung mga pics dito hindi ba? Baka may makita ako.

Pero as expected, konti lang ang pictures dito. Walang kahit ano na screenshot dahil ang folder lang na nasa gallery niya ay iisa at ang laman nun ay puro pictures ng exo. Iba talaga.

Pero ang pumukaw sa atensyon ko ay isang black na picture na may white colored-font.

Isang... letter? Para kay... James?

"Hoy Go," pagtawag ko na ikinalingon niya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. Aba hayop to ah.

Pinabasa ko yung mga nakasulat dun. Scratch that---binigay ko yung phone ni Cass sa kanya at siya na ang nagbasa.

✖✖✖
James' Point of View: (ayan na mahal niyo.)
Hands shaking, I slowly reached for Cassandra's phone.

'Hi James!'

Pagkabasa ko palang nun, parang ayoko nang ituloy.

'Alam mo naman na diba? Na crush kita? Pero hindi na lang ata crush eh. Mahal na. Pano ako naging sigurado? Kasi nararamdaman ko. I never doubted my feelings. Lalo na kung love ang pag-uusapan.'

Pagkabasa ko nun, kusa na lang tumulo ang mga luha ko.

Ako rin Cass. Ako rin.

Kahit gusto kong sabihin ang mga yun, pero pano? Kahit naman sabihin ko, hindi niya ako maririnig at parang magsasayang lang ako ng laway nun. Mababalewala lang. Masasayang labg.

'Nung araw na umalis ka, yun na ata ang pinakamasakit na araw para sa akin. Kasi umalis yung taong mahal ko. Pero may magagawa ba ako? Diba wala naman. Wala akong magagawa kung hindi umiyak.'

Consequences Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon