*Arshane's POV*
"dad--dy"
"dad--dy, c'mon gavin say it!"
Napa mulat ako dahil sa ingay ng boses ni prince. Hindi ko na malayan na andito na pala siya sa bahay, anong oras na ba? Dali dali akong napatingin sa Orasan na nakasabit sa digding ng kuwarto ko, alas sais na pala ng gabi, jusmeh! Ganito ba kasarap iyong tulog ko kaya hindi ko na napansin na gabi na pala? Tsk!!
Muli akong tumingin sa naka higang si prince na abalang nilalaro si gavin. naka talikod siya sa akin kaya likod niya lang ang kaharap ko! Malamang ay hindi niya rin alam na gising na ako.
"gavin, say it again! Dad-dy, dad-dy! " ulit niya pa. Halatang nawawalan na siya ng pag asang suaunod sa kaniya ang bata. Natawa nalang ako dahil sa pinipilit niya itong mag salita.
"mahal, hindi pa yan mag sasalita ng ganiyan si gavin dahil ilang buwan palang ang bata, sa susunod na araw pa siya mag iisang taon! 'wag pilitin ang ayaw" sabi ko kay prince na ngayon ay gulat na bumaling sa akin.
"na gising kaba namin?" alanganing tanong niya sa akin, bahagya siyang umupo para makaharap ako.
"medyo, pero okey lang kasi gabi na pala" natatawang sagot ko. "kanina ka pa ba dumating? " gumaya ako sa pagkaka upo niya, pinasadahan ko ng tingin si gavin na busy ka kakalampag ng kaniyang paa sa kama. Ang cute talaga ng batang 'to.
"kaninang kunti mahal, ang himbing nga ng tulog niyo ni gavin noong dumating ako, kaya hindi na kita inabalang gisingin" lumapit ako sa kaniya at niyakap silang dalawa ni gavin.
"ang sweet talaga ng boyfriend ko ammh" kinikilig na sabi ko pa sa kaniya habang yakap ko silang dalawa, binigyan ko pa ng tig isang halik sa labi.
ma swerte talaga ako dahil nakilala ko ang isang prince dustine na guwapo hohoho.
"i'm so lucky to have you and to be your mine, mahal! " hinalikan niya muli ako sa labi.
"sab,tim, sync, uuwi na kami ng kuya niyo" tawag ko sa mga kapatid ko na hindi ko alam kong nasaang lupalop ng bahay.
"ate" napadako ang tingin ko sa kusina mukhang andoon nga ang mga kapatid ko, nag lakad ako palapit sa kusina para nakomperma hindi naman ako nag kamali---andito nga sila busy kumain ng
"burger, fries, spaghetti at coke float? san galing ang mga yan? "kunot noong tanong ko tatlo na ngayon ay hindi na makapag salita ng maayos dahil pare parehong puno ang kanilang bibig ng pagkain.
Hay! Basta pagkain, tumitiklop sila.
" pasalubong 'to ni kuya prince ate aki, ang sarap nga eh gusto mo" sagot ni sync sabay alok ng price sa akin. Sumubo ako ng kaunti kasi medyo dinapuan ako ng gutom. after naming makisalo ni Prince ay nag paalam na uli ako sa tatlo inihatid pa nila kami sa labas kong saan naka park ang kotse ni prince.
"teeeeng! Wait lang----- wait mo akisssss! " patakbong pumasok si sab sa loob ng bahay naka kunot noo pa kaming nag katinginan nila sync at tim.
"anong problema nun? " taning ko sa dalawa. Nag kibit balikat lang sila.
"mag iingat kayo lagi ha, ma mimiss ko kayo" niyakap ko sila ng mahigpit.
"ikaw din ate, sana ay lagi kayong dumalaw dito para lagi makita namin lagi si gavin" saad ni sync na tumingin pa kay gavin, karga karga ni prince.
Napangiti nalang ako, hindi rin naging mahirap ng sabihin ko sakanila na si gavin ay anak ni prince sa ibang babae, katulad ko ay agad din naman nila itong tinangap. Oo Nagulat noong una, pero agad naman nilang na intindihan!
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
RomancePaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...