Pagka labas ko ng Cr ay agad kong nabungaran si prince na nakaupo sa kama habang mapungay na naka tingin ng diretso sa akin. Hindi ko pinansin ang mga mata niyang naka sunod ng tingin sa akin dahil ipinag patuloy ko lang ang pag lakad patungo sa walk in closet para kumuha ng damit pang bihis.
Gusto ko man siyang sumbatan pero hindi ko magawa. hindi ko alam kong bakit ganito ako sa kaniya parang lahat ng problema niya ay agad kong na iintindihan, yung para bang alam na alam ko kung gano kahirap ang dinadanas niya sa bawat problemang kinakaharap niya!
Nakaka loka lang. May sakit ba ako? Abnormal kaya ako? Kasi parang manhid akong tao dahil feeling ko hindi ko man lang magawang magalit ng todo sakaniya ngayon dahil sa natuklasan ko.
"m-mahal can we talk? " bungad niya saakin nang maka labas ako sa walk in closet. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan niya na ngayon ay halatang bagong ligo narin siya dahil naka suot narin siya ng pangtulog at basa pa ang kaniyang buhok.
Masyado ba akong natagalan sa pag bihis? O mabilis lang siyang naligo?
"anong pag uusapan natin??" malamig na tanong ko sa kaniya. Hindi ako galit pero hindi ko kayang hindi maging malamig sa kaniya. Pero alam kong hindi ako galit. Alam kong magulo pero iyan kasi ang nararamdman ko. =(( Hindi pa kasi tuluyang nag register sa utak ko na may anak na siya!Feeling ko joke lang ang lahat!
"about us" malamyang sagot niya. Tumango nalang ako.
"tinignan mo na ba ang ang anak mo? " halos hindi ko malunok ang laway ko dahil sa huli kong sinabi, tumango siya ng bahagya.
Hindi talaga ako makapaniwalang may anak na siya. Huhu
"yeah, still sleeping" sagot niya na ganun parin ang tingin sa akin.
Ang layo layo namin sa isat isa, ako nasa may walk in closet at siya ay nasa may sofa. Ayokong lumapit sa kaniya kasi baka masapak ko lang siya ng mabilis. Pero inuulit ko hindi talaga ako galit sa kaniya. Pero gusto ko siyang sapakin ng isang besis lang.
Amp! >______< isang besis lang naman, hindi naman siguro iyon masakit diba?Nag lakad ako palabas ng kuwarto, at tumungo sa balcony para mag pahangin. Malamig na simoy ng hangin ang bumulaga saakin pagka labas ko palang. Madaling araw na kasi kaya ganito nalang kasariwa at kalamig ang ihip ng hangin ngayon.
Umupo ako sa wooden chair na andito sa labas, itinaas ko ang dalawang paa ko sa upuan at ipinatong ang baba ko sa tuhod.
Sa ganito kasing posisyon ako komportable, gusto kong maka pag isip ng tama.
Ayokong pangunahan ako ng inis dahil sa nangyayari gusto kong mas nanalaytay ang pag iintindi kaysa sa galit. Kasi alam kong hindi iyon makaka tulong para masulusyonan ang problema.
Masyado ba akong open minded na tao? Hindi ko rin alam kong bakit ganito ako. Feeling ko tuloy ay abnormal ako dahil wala akong pakiramdam. Huhuhu
"i can't believe that until now you are still here" napa baling ako ng tingin kay prince na prenting naka tayo sa pintuan ng balcony.
Tumaas ang kilay ko dahil sa kaniyang sinabi. "bakit, gusto mo na ba akong palayasin?" na iinis na sagot ko.
Porke ba may anak na siya ayaw niya na sa akin? Ganito nalang ba ako kawalang kwentang girlfriend niya??
Hindi ko mapigilang hindi mapa hikbi dahil sa mga naiisip ko.Oo nga pala, baby lang naman pala ang kailangan niya kaya andito ako.
"a-rshane! "mabigat na sambit niya sa pangalan ko. "hindi naman yan ang ibig kong sabihin, hindi lang kasi ako makapaniwala na andito ka parin sa bahay ko kahit na may nalaman ka tungkol sa pagka tao ko. Akala ko kasi tatakbuhan mo nanaman ako" pag papaliwanag niya saakin, Nag lakad siya papalapit sa akin at tumabi sa kina uupuan ko.
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
RomansaPaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...