"baby pogi, come to tita arshane! " utos ko kay baby pogi na ngayon ay gumagapang habang nag lalaro. Pero hindi niya ako pinansin, binigya niya lang ako ng napaka cute na ngiti. Busy kasi siya mag habol noong laruan niyang bola na ibinili namin ni prince sakaniya kahapon.
Ilang araw na ang lumipas pero hindi parin bumabalik ang nanay niya dito. Tuloy nag aalala na kami ni prince kung ano na ang nangyari sa ginang, baka mamaya hindi namin alam na pinatay na pala siya noong asawa niya tapos wala kaming alam. Paano na ang bata diba? Kawawa naman, masama na nga ang tatay niya mawawala pa ng nanay na tanging pamilya niya lang. Hayy!!
Umaga palang ngayon, katatapos ko lang mag linis dito sa condo pati yung mga labahan ay nilabhan ko na rin,
Habang tulog kasi si baby ay ginawa ko na ang lahat ng gawaing bahay para pag gising niya ay aalagaan ko nalang siya.Ganito pala ang feeling maging nanay noh? Ang hirap hehehe.
"baby pogi" tawag ko sa kaniya, lumapit naman siya saakin kaya kinarga ko nalang siya. hangang ngayon ay hindi namin alam ang pangalan niya pati nga ang kaniyang edad ay hindi namin alam pero sa tansa ko ay baka nasa 1 year old na siya kasi nakakapag hakbang habang na siya pero hindi pa gaanong nakakapag salita ng tuwid puro baby talk lang siya.
"gagala tayo sa labas baby, gusto mo ba iyon? "tanong ko.
"kruuuuuu" yan lang ang sagot niya saakin. Kaya natawa ako.
"baby pogi say, ma---ma" pag papagaya ko sa kaniya habang nag lalakad kami papunta sa elevator. Balak ko kasing igala si baby sa baba ng condo doon sa may swimming pool kasi ang ganda ng tanawin doon, may garden din kasi dito na ang gandang tamabayan, lalo na kapag umaga kasi ang ganda ng tirik ng araw.
"mmmm" yan lang ang sabi niya.
"wag ganyan baby, ganito. MA-MA" inulit ko pang sabi. hinawakan ko ang baba niya para igalaw galaw at ginawa kung paano bigkasin ang salitang mama.
"mmmmm---mmmm" napanguso nalang ako. Paulit ulit ko siyang tinuruan mag salita ng mama hangang sa maka baba kami sa may pool area ng condo.
Madaming ring tao ang andito, yung iba ay kumakain ng breakfast nila, may mga na liligong bata pati mga dalaga at binata, may mga nag susugal ring mga foreign. Busy sila sa kanilang mga ginagawa, kami ni baby ito naka tayo lang sa may gilid ng pool habang busy kamamasaid sa mga tao.
"hi" napabaling ako sa gilid ko para makita kong sino ang nag salita. Isang lalaki na tanging short lang ang suot. Halatang naliligo siya kasi basa pa iyong buhok niya pati tumutulo pa ang mga tubig pababa sa kanyang legs.
Ammp! Mga bes may abs siya hehehe.
Tumingin ulit ako sa kaniyang mukha, mmh! Gwapo naman siya mga bes, pero mas guwapo yung boyfriend ko. Hihihi
"is he your baby? " turo niya kay baby pogi na ngyon ay naka kunot lang ang noo habang nakatingin sa kaniya.
"ah-- o--y-es" alinlangan kong sagot. Hindi ko kasi alam kong tagalog ba to o spokening dollars. Hindi naman kasi siya mukhang foriegn. Guwapo siya pero hindi mo halata kung may lahi.
"ang cute niya, but he doesn't looks like you" puna niya pa. Psh marunong naman pala siyang mag tagalog pina hirapan pa akong mag English. >_____<
"kasi sa tatay niya siya nag mana" walang ganang sagot ko sa kaniya. Tska tumalikod. Amp! Na iinis nanaman tuloy ako, dahil sumagi nanaman sa isip ko ang tungkol sa pagiging kahawig ni prince sa bata.
Nag lakad ako papunta sa may garden doon ko nalang papalaruin si baby pogi masyadong madaming naliligo sa pool para makisali pa kami.
"hey, wait ang sungit mo maman" rinig kong sigaw nung lalaki saakin pero hindi ko na siya nilingon,
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
Roman d'amourPaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...