"arshane iha handa na ba ang lahat? " tanong sa akin ni tita, ang mommy ni prince. Andito kasi kami sa mansyon nila nag aayos para sa party mamaya. Ngayon kasi ang first birthday ni gavin at syempre dahil sa anak siya at apo siya ng isa sa mayayamang tao dito sa lugar bongga ang handaan. ngayon din daw kasi ipapakilala si gavin sa kanilang angkan kaya talagang bongga ang kainan.
"yes tita, handa na po ang lahat!" sagot ko sa kaniya nang matapos kong ikabit ang pang huling lobo na hawak ko.
"o siya! maiwan na muna kita, mag aayos na ako honey, maya maya ay mag start na ang party, ikaw din mag handa ka na ha" paalam niya.
"sige po tita puntahan ko lang si gavin sa kuwarto baka gising na siya ng maayosan ko narin po. " naka ngiting sabi ko sabay kaming umakyat sa second floor ng bahay tumungo ako sa kuwarto ni prince para tignan si gavin kung saan siya natulog.
Na abutan ko siyang gising naka upo na sa kama halatang nag hahanap ng kasama.
"happy first birthday again baby pogi" masayang bati ko muli sa kaniya at saka nilapita siya sa kama para kargahin. "ito ang gift ko sa'yo baby" pinahawak ko sa kaniya iyong box kung saan naka lagay iyong regalo ko. Simple lang naman iyon isang album lang kung saan may mga picture kaming tatlo. Pero mas madami ang kuhang picture niya simula ng dinala siya saamin ni Elizabeth. "tara na mag bihis ka na angelo, malapit na mag start ang birthday party mo baby kaya kailagan pogi ka. hehe! " sabi ko sa kaniya na para bang na iintindihan niya rin ako tska tumayo para kunin ang damit na susuotin niya. Naging pahirapan pa ang pag bihis ko sa kaniya dahil likot siya ng likot.
Mga ilang minuto ng pumasok sa kuwarto si prince kaya napatingin ako sa kaniya.
"saan ka galing mahal? " tanong ko sa kaniya, ilang oras ko kasi siyang hindi nakita hindi ko narin inabalang hanapin kasi busy din kami ni tita mag ayos para sa party ni gavin!
"sinamahan ko lang si lolo mag golf" matabang na sagot niya tska mabilis na pumasok sa Cr ng hindi man lang kami tinatapunan ng tingin ni gavin. Ni halik nga sa akin ay hindi niya ginawa.
Anyare sa mokong na'yon? May topak nanaman? Napa iling nalang ako dahil sa naisip. Wala narin naman plang bago sa pagiging moody niya!
*******
"hi ate myiel" naka ngiting kaway ako kay ate myeil nang makita ko siyang nag lalakad patungo sa gawi ko.
Ang ganda niya sa suot niyang red long gown. Huhuhu mas lalong tumambad ang kaputian niya dahil sa pagka pula ng kaniyang gown.
hindi na ako mag tataka kong bakit inlababo si kuya zustine sa kaniya.Mabait na maganda pa.
"omg! Arshane, you look like one of those princesses in Disney because of your gown, huhu so dyosa!" papuri niya sa akin kaya ngumiti ako.
Naka suot ako ngayon ng white off shoulder na long sleeves gown with silver belt, ang simple niya lang pero eleganting tignan, para siyang wedding gown pero puwede siyang gamitin sa mga ganitong klase ng event, kaya ito narin ang napili kong isuot. Tska Ito din kasi ang pinili ni Prince na gown para saakin kaya hindi narin ako nag dalawang isip na ito ang piliin.
"thank you ate, ikaw din naman ang dyosa dyosa mo ngayon huhu, ay sabagay kahit pala ordenaryong araw ang ganda mo parin" puna ko din sa kaniya. Kasi sobra para siyang artista sa sobrang ganda! Nakaka tomboy siya.
"hihihi ano ba, pag magaganda talaga ganyan!" natatawa niya ring sagot saka bumaling kay gavin na karga ko"hello baby gavin happy birthday, here is your gift" bati niya tska ipinakita iyong dala nilang gift kay gavin.
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
Storie d'amorePaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...