"manong para po! " sabi ko sa driver ng jeep ng makita ko ang malaking building na pupuntahan namin ni gavin. Nang huminto ang jeep ay agad din akong bumaba at nag lakad patungo sa entrance door ng building kong saan may dalawang guard na naka bantay!
Ang tayog ng companya nila prince jusko! Ilang palapag kaya ito? Halatang halata mo talaga na sakanila itong building kasi iyong apelyido nila ay naka ukit sa gitna ng building.
"Agaquille's wine company Inc. " basa ko sa pangalan ng companya, may naka lagay pang isang malaking bote ng wine sa gilid ng pangalan.
Hindi kataka takang wine talaga ang kanilang produkto. Engot mo nalang siguro kong hindi mo malaman agad kong ano ang produkto ng kanilang negosyo!
Maski nga sa mansyon nila ay hindi ma iaalis ang mga iba't ibang klase ng alak, ipinakita pa sa akin ni prince iyong bodega nila kung saan naka imbak ang mga ginagawang wines.
"good morning ma'am, ano pong sadya nyo? " tanong saakin ni kuya guard nang maka lapit ako sa entrance kong asan sila naka tayo.
Amp! Papapasukin kaya kami dito? Baka mahigpit ang companya nila prince sa mga bisita.
"mmhp! K-uya andiyan po ba si prince? " alinlangan na tanong ko.
"ah! Si ser po? Andiyan ma'am nasa office niya po siguro bakit ho anong sadya nyo? May appointment po ba kayo sa kaniya?"
Mabilis akong umiling, "ah, wala naman po! Ibibigay ko sana sakaniya itong lunch niya" pinakita ko pa sakinya ang paper bag na hawak ko.
"ka ano ano ka ho ba ni ser? "
Intriga niya saakin! Kaloka ha mauubusan ako ng sagot dito kay manong guard ang daming tanong. Amp!"a--no kasi, girlfriend niya ako kuya, ito ang baby niya"turo ko pa kay gavin na naka masid lang sa paligid.
Umimpit ang tawa sa dalawang guard na umiintriga saakin! Tapos tinignan niya ako mula sa ulo hangang sa paa na para bang hindi sila na niniwala dahil sa itsura ko!
Mga letche 'to! Lalamig na ang pagkain ni prince juskooo....
"alam mo ma'am! maganda ka naman maputi at mukhang sexy " ay napangiti ako sa sinabi ni kuya, taray talagang hindi nag sisinungaling si koyang guard! That is the truth mga bes! Hahahaha "pero hindi ikaw ang tipo ni ser! Mga mukhang model ang mga nakikita kong madalas na bumibista dito! " natatawa niya pang dagdag.
Hayup! Ang sarap mong letchunin kuya!!! Okey na eh! Ang ganda na ng nauna niyang sinabi tapos bumagsak lang sa hindi ako ang mga type ni prince? Like OMG!!
Aisshhh! Ang sarap mong bigwasan kuya guard! Letchugas ka!!
Grrrrrrr!! Arff arff!
"salamat ha! Na appreciate ko yang mga sinabi mo! " inis na sabi ko sa kaniya! "pa papasukin mo ba ako dito kuya? Kahit sa lounge lang, hihintayin ko nalang siyang bumaba!" parang siga na sabi ko. Nakaka inis kasi 'tong dalawang guard ang sarap pag umpogin ang ulo!
"sige ma'an pasok na kayo" tatawa tawa parin siyang binuksan ang glass door. Inirapan ko nalang iyong dalawa.
Akala ng mga 'to ang gwagwapo!!
"good morning ma'am jes" sabay pa ng dalawang guard kaya napatingin ako sa likod ko kung saan naka tingin ang dalawa.
Nakita ko ang isang matangkad at magandang babae na naka suot ng sobrang hapit na black dress tapos masyadong naka expose ang hinaharap at niya, pati ang kaniyang makinis at mahabang legs ay malayang naka tambad din, ang ganda ganda ng mukha niya kaso masyadong ma make up!
Maarte siyang nag lalakad sa ilang palapag ng hagyan patungo dito sa amin! Napa irap nalang ako sa dalawang guard na nasa tabi ko na halos lumuwa na ang mga mata dahil sa mga nakikita.
Mga lalaki talaga tsk!
"paki tawagan si prince, sabihin nyo andito ako" utos niya kay kuya guard ng maka lapit siya sa amin.
Napa taas nanaman ulit ang kilay ko dahil sa narinig!
Bakit anong kelangan niya kay prince? At kaylangan pa talagang tawagan siya para ipaalam na andito siya?
Sino ba siya??
"opo ma'am jes!" agad na sumunod ang guard patakbo pa siyang tumungo sa telepono at nag dial.
Grabe! Sa mantalang nung ako ang nag sabing girlfriend ako ni prince hindi man lang nagawang tawagan ang mokong para puntahan ako dito.
Samantalang itong babae na kakarating lang agad sinunod?
Letche! Na iinis na ako!!Nang pumasok ang babae sa loob saka ako nag tanong dun sa isang guard na naka tayo sa gulid ko.
"kuya sino siya?" turo ko dun sa babaeng kapapasok lang
"ah! Siya si ma'am jesebel" napa taas ang kilay ko! Jesebel? Pang sirena ang pangalan. Tsk! Pina sosyal lang. "siya iyong gilprend ni sir prince. ang ganda niya noh ma'am? Grabe bagay na bagay sila ni ser" Biglang na nikip ang dibdib ko nang marining ang sinabi ng guard.
"Girlfriend ni prince ang babaeng iyon? Imposible naman kuya" bahagya pa akong natawa dahil sa hindi makapaniwala.
"oo ma'am! Kalat na nga iyan dito sa buong companya! Ang sweet nga ni ma'am jesebel kasi araw araw niyang dinadalaw si ser!" animoy kinikilig pa siya habang chinichika sakin iyon.
"prince, honey!" napa baling ang tingin ko sa babaeng si sirena este jesebel noong sumigaw siya nang tawagin niya ang pangalan ni Prince.
Nakita kong lumabas si prince at ang mga kaibigan niya mula sa elevator.
Dali daling nag lakad iyong jesebel sa kinaruroonan nila prince at nang mga kaibigan niya!*BLAAAG*
"shit!" pag mumura ko nang biglang nahulog iyong pagkain na dala ko dahil sa nakita! Halos Naka tingin lahat saakin ang mga tao na andito sa loob ng Lobby!
Pero wala akong pakialam dahil mas na intriga ako dahil sa nakita ko.
Hinalikan noong jesebel si prince sa labi at hindi lang iyon ah! Naka pulupot pa ang mga braso nong linta sa leeg ni prince! At ang loko hindi man lang nag abalang tangalin iyong mga braso ng bruha.Mukhang tuwang tuwa pa! Letchugas! Ang landi talaga!!
"ma'am bakit ho kayo na iiyak?" hindi ko na malayan na tuloy tuloy na pala ang pag tulo ng mga luha ko! " kinikilig din ba kayo sa kanilng dalawa? " sinamaan ko lang siya ng tingin saka dali daling lumabas sa building para umalis kahit nahihirapam akong tumakbo kasi karga ko si gavin, mahirap na baka madapa kaming dalawa.
Paksyet! Ang sakit sakit ng puso ko, parang na bibiyak gamit ang bato.
Huhuhu!araw araw ba nila iyong ginagawa kapag andito si prince sa kompanya nila?
Akala ko mahal ako ng gagong iyon, ano yun sawa na ba siya sa akin kaya nag hahanap na siya ng iba?
O baka ang tingin niya parin saakin baby maker niya?? Punyemas!!
"a-rshane!!" rinig kong sigaw ni prince sa pangalan ko, hindi ko parin siya nilingon at nag patuloy nag lakad patungo sa kabilang daan.
Kaylangan kong maka alis dito! Letche na sasaktan talaga ako.
" arshane, it's not what you think. let's talk please!" naramdaman ko ang mahigpit na pag hawak niya sa braso ko at pinaharap sa kaniya.
Mas lalo nalang akong na iyak nang makita ko ang buong mukha niya!
" T*ngina may lipstick kapa sa labi g*go! "
*******
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
RomantizmPaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...