*Arshane's POV *
Dalawang araw na ang na kakalipas simula noong huli naming pag uusap ni prince tungkol sa desisyon niyang isasama niya ang dalawang bata pag uwi nila ng manila.
Sinusubukan kong kumuha ng pag-kakataon na makausap siyang muli pero isang sambit ko palang ng kahit isang salita ay umaalis na siya agad. Ayaw niya akong makausap. Iyon ang totoo. Siguro nga ay kaya lang siya bumibisita dito sa ospital para kay garth at siguro ay inaayos niya na rin ang pag discharge ni garth dito.
Galit na galit parin siya sa akin.
Hindi parin naman ako sangayon sa desisyon niya kasi ayoko talagang mawalay sa akin ang dalawa kong anak. Pero wala talaga ata akong magawa.
"Mahirap man tangapin ateng pero mas mabuti na siguro na hayaan nalang natin si koyang na kunin ang mga anak niyo. Mas mapapagamot niya doon si garth. Mas magiging maayos ang buhay nila doon." Iyan ang sagot sa akin ng kapatid ko nang sabihin ko sa kanila ang tungkol sa desisyon ni prince.
Ang hirap! Hindi ko kayang sumangayon sa bagay na gusto niya pero tama si sab. Mas ma-papagamot at mas madaling gagaling si arth sa manila dahil mas magagaling ang mga doctor na aalaga sa kaniya doon. Iyon naman dapat ang tamang mangyari diba? Ang gumaling si garth mula sa sakit niya.
"Ate hindi ba tayo pwedeng sumama sa kanila sa manila?" Napatingin ako sa kapatid kong bunso nang sabihin niya iyon. Bumuntong hininga ako at maslalong niyakap ng mahigpit si gaby. Ito na kasi ang huli ko siyang mayayakap bago sila tumungo sa manila.
"H-hindi ko alam sync, galit na galit siya sa akin. Hindi ko siya makausap kasi iniiwasan niya ako. kahit nga tignan ako ay hindi niya magawa kausapin pa kaya? Ganun siya kagalit sa akin." pag aamin ko sa kapatid ko na parang nag susumbong at nag hahanap ng kakampi.
Hindi ko siya masisisi kung bakit ganiyan nalang siya ka-galit sa akin. Sinaktan ko siya kasi nag sinungaling ako ulit sa kaniya.
Siguro hangang ngayon ay dala dala niya parin ang galit na naidulot ko sa kaniya noon at sa pamilya niya.
"Baby, mag pa-pagaling ka doon sa manila ha? Mahal na mahal kita anak." Naluluhang bulong ko sa tenga ng anak ko kahit wala siyang malay. Ganun parin ang lagay niya may mga aparato paring naka kabit sa katawan niya ngayon. May kasama lang silang dalawang nurse at isang doctor na mag babantay sa kalagayan niya.
" tska ikaw din baby Gaby, mag papakabait ka doon sa manila ha, alagaan mo ang kuya arth mo." baling ko naman sa isa ko pang anak na ngayon ay umiiyak din.
Sorry anak, hindi ko kayo magawang bawiin sa tatay nyo. Mas ma-aalagaan at gagaling kasi ang kuya garth mo doon.
"Mama, hindi po kayo sasama?" Umiiyak na tanong ng anak ko saka muli akong niyakap. Bahagya akong umiling at kunware ngumiti.
"h-hindi baby, siguro ay susunod si mama doon sa manila pag okey na si kuya garth mo, tahan ka na. 'Wag ka ng umiyak." na nginginig kong pinunasan ang kaniyang magansang mukha.Ma mimiss ko ang batang 'to. Wala ng magiging maingay sa bahay araw araw. Wala ng sasayaw ng baby shark at wala ng mag papatawa sa amin tuwing nasa hapagkainan.
"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mama ha? Be a good girl sa papa mo." pangaral kong muli sa kaniya bago ko siya mahigpit na hinagkan at saka ibinigay kay mike.
Alam na ni gaby na si prince ang totoo niyang tatay. Nung una ay hindi siya agad na niwala pero nang kinausap na siya at nag explain sa kaniya si prince ay siguro unti unti na din naman niyang na intindihan.
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
RomancePaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...