Ikalimang Kabanata

13.5K 319 1
                                    

*Arshane's POV*

Simula ng maka rating ako sa condo ni sir prince, wala parin akong kibo.

Medyo talaga kasi kinakabahan ako sa posibleng mapag usapan namin.

Pero kaylangan ko ring gawin ito. Mas mapapa dali kasi akong maka kuha ng kaylangan ko kapag ginawa ko iyon..

sa ngayon pareho kaming dalawa kumakain ng hapunan, walang kibuan! Hindi ko magawang mag salita ng una, baka kasi hindi sya sanay nang nag dadaldal habang kumakain, kaya hindi sya nag tatanong saakin.

Peroooooo kasi!! yamot na yamot na akong magtanong at i-open up iyong importanteng bagay na pag u-usapan namin ngayon. matatapos na akong kumain wala pa kaming napag uusapan..

May pasok pako ng 8:30 kaya kaylangan kong maka alis dito before mag 8:00 pm.

Kaya tinignan ko muna sya at malalim na bumuntong hininga saka nag salita.

"i-yong...." Unang sambit ko, mukhang natinag naman sya kaya inangat nya ang kanyang paningin saakin. "tungkol po doon sa na pag-usapan natin noong isang gabi .. Sir! Okey lang ho ba talaga sainyo??" alinlangan na tanong ko napa hinto sya sa pag subo at matamang tumingin sakin..

Jusko lord! sabi ko na kasi sayo arshane ayaw nyang ma-ingay sa hapag kainan eh.. Bakit kasi hindi mo muna hinintay na matapos s'yang kumain bago ka nag tanong??

Mukhang ayaw nya pa ng ganon!

"o-okey lang po kung ayaw nyo munang sagutin... After niyo nalang ho kumain" naka ngiting pilit na saad ko.

Jusko!! engot ka talaga arshane daldal kasi.

"nah..it's okey.. Actaully! kanina ko pa ngang gustong mag tanong saiyo Kaso mukhang busy ka kumain.about that! Yeah! Payag narin ako, ikaw ba?" balik tanong nya.

Gosh! Ano papayag ako o hindi? Pero kasi talagang sayang kong tatangihan ko ito.  malaki ang offer niya.. Sapat at sobra sobra pa nga iyon kung tutuusin para saamin..

"o-opo! p-payag ako" tipid na sagot ko. tumango-tango naman sya..

KingAma! Ang daming tanong na bumabagabag saakin ngayon.. Kung tutuusin kagabi pa to eh.. Nawala nga kanina pero ngayon bumalik na naman..

Pero wala ako sa lugar mag tanong. Baka masamain nya pa kaya wag nalang.

"may i know your reason? why are you doing this? I mean... why did you agreed to that job that i offer??" kunot noong tanong nya. Kaya napa buntong hininga nalang ako.

Kanina habang nasa bahay pako sumagi na sa isip ko ang katanungan na ito "bakit ako papayag o pumayag sa usapan naming iyon?" kanina nung isipin ko ang kasagutan sa tanong na iyan, wala akong ibang naramdaman kundi ang kaunting kumpyansa sa sarili ng isipin ko ang mga sagot.

Pero ngayon ng tanungin nya ang tanong na iyon.. Kang ama lang!! Kinakabahan ako ng tudo tudo walang preno..

Ang masaklap pa baka iba ang isipin nya.. ehh hindi naman ako ganong tao..

Ayoko sanang sabihin sakanya kaso karapatan niyang malaman ang dahilan ko.

Tumingin uli ako sakanya at nag isip ng kaunti bago sumagot.

"k-kaylangan ko ho kasing maka kuha ng malaking pera...sir!"

"for what?" kunot noong tanong nya. May pag tataka ring na nanalaytay sa tono ng boses nya.

"Iyong tatay ko po kasi may cancer sya sa dugo , at kaylangan niyang maipagamot sa lalong madaling panahon, kaya kailangan namin ng malaking pera sir" shit! Nang gigilid ang tubig sa mga mata ko dahil sa emosyong sumalakas sa aking dibdib. Hindi ko tuloy na iwasang mapayuko  para pasimpleng ma-punasan ang mga luhang tumulo.

His Baby Maker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon