Pagkarating ko sa bahay na abutan ko roon si Sab nag lilinis ng bahay..
malakas ang tunog ng kantang listen ni beyonce mula sa radio.
paborito nya yan eh...
bakla kasi.
akmang bibirit na sya ng tawagin ko ang pangalan nya.
"ooooohhh! Listeeeeeeeee--------"
"SAB!" sigaw ko, at gulat na napaharap sya sakin.
"ayy jusko.. nagulat ako doon ha!! hooy... ateeey! Where kaba galing? Ha! Kanina kapa-----este kagabi kapa pala hinahanap nila papang eh" sambit nya, habang naka pamewangan pa, dinuro duro nya pa ako ng hawakan ng walis tambo.
"s-sorry, nag trabaho kasi ako kagabi eh diba sabi ko sayo may raket ako kagabi---b-bagong raket ko iyun kapatid" pag papaliwanag ko. Alam niyang may raket ako kagabi pero hindi niya alam kong anong klase! At ayoko din ipaalam sakanila kung ano man iyon.
"yess.. Naman knows ko iyon ateng! Kaya nga nung senearch ka saakin nila kapatid ay sinabi ko na may raket ka at na intindihan naman nila iyon ateng!" tumango tango nalang ako sa sinabi nya..
"oh! Maydala akong almusal, pansit at pandesal kumain na kayo? Yung dalawa bago pumasok ay nakapag almusal lang naman ba? Tanong ko at direderetso lamesa para ilagay ang almusal sumunod naman saakin si Sab at dali daling umupo sa bakanting upuan kaharap ko.
"oo naman ateng! Hindi ko naman papabayaan ang dalawang iyon ano!" pag kwekwento nya habang kumukuha ng plato at kutsara.
"Ohsya! Hindi pa nga ako nag almusal eh.. Gutom jones na ako ngayon. kasi iyong tirang pagkain kagabi siyang inalmusal nila papang, hindi naman sapat saaming apat ang pagkain kaya ibinigay ko nalang sakanila tutal keri pa namang i-ahon ng tubig galing sa jar ang nag rereklamong mga baklang dragon sa tiyan ko haha" napabuntong hininga ako habang nakatitig kay sab na abalang nag almusal, nang dahil sa kwento niya. Na-aawa talaga ako sa mga kapatid ko, lalo na kay sab.
Napakabait niyang kapatid, lagi niyang inuuna ang mga naka babata nyang bunsong kapatid kaysa sa sarili niya.. Kagaya ng sa kwento nya, ibinigay niya nalang ang kakarampot na pagkain kay tatay,
sync, at tim kaysa maki-hati pa sya..kahit kapos kami sa buhay, napaka swerte ko dahil may mga kapid akong katulad niya.
"haaaay! buhay" hindi ko napigilang mapa buntong hininga pa ng isang besis habang patuloy paring naka tingin sa kumakaing si sab.
"oy!oy!oy! ateng wag mo nga akong tignan na parang na aawa ka saakin! ay nako talaga ititirik ko itong isang hibla ng pansit sa ilong mo! sige ka! kaloka ito oh! matutunaw ang beauty ko.. chenessss" natatawang saad nya, kaya natawa rin ako.
isa yan sa mga ugali nya, ayaw nyang kina-aawaan sya ng kahit na sino kahit ako or yung mga kapatid ko. ayaw na ayaw nya na-iinis lang yan saiyo kapag kinaawaan mo sya baka masapak kapa nyan.
hindi rin yan nag papakita na nalulungkot siya, yan ang isa pa sa mga ugaling kinabiliban ko sakaniya, kapag my problema yan idinadaan nya lang sa patawa-tawa, pa ngiti-ngiti at jokes.. kaya nga nung minsan may sakit na pala ang bruha hindi nag sasabi.. dinadaan nya lang sa biro ang sakit nya. tsk!
"siya nga pala ateng! na site mo ba iyong pouch ko? waley kasi sa kwarto natin! hinanap ko kanina eh" bigla akong namutla ng ma-alala kong nasaakin pala ang pouch niyang tinutukoy. ginamit ko kasi kagabi ng tumungo ako sa trabaho.
"ah--ehh baka nahulog lang sa ilalim ng mesa, hinanap mo naba doon?" pilit kong hindi mabulol sa pag salita dahil sa pag sisinugaling.
"oo eh! akala ko nga dala mo kaya hindi ko na ulit hinanap.. nako baka tinangay na iyon ng mga dakis na daga dyan... sayang yung mga makeup ko doon"
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
RomancePaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...