Tatlong araw na ang nakaka lipas simula ng pang yayaring iyon. Tatlong araw ko na rin na halos hindi makausap si prince ng maayos. Lagi siyang iwas sa amin, maski ang kaniyang fiancèe na si Zara ay hindi din sya ma-intindihan.
Naikwento ko kasi kay zara kung ano ang nangyari sa parking lot ng mall nung araw na iyon dahil hindi niya rin ako tinantanan ng tanong nung napansin niya ang pag bago ng fiancèe niya.
Ngayong araw, andito muli ako sa mansyon ng mga agaquille para bisitahin ang mga bata. ganito na halos ang naging routine ko araw araw, at sa araw araw na dalaw ko dito ay ngayon ko na naman lang muling nakita si zara, napaka busy niya siguro talagang tao.
"What do you think is beautiful? this one or this one?" rinig kong tanong niya kaya bumalik ang pag iisip ko sa reyalidad.
Tinutukoy niya iyong dalawang gown na naka print sa magazine! Ngayon daw kasi iyong araw na susukatan siya ng gown para sa wedding. Gusto ko na ngang umalis kasi baka mas lalong maging bitter lang ako kung mag stay pa ako dito, but zara insisted to stay me her at tulungan siya para sa wedding.
Like seriously! Ako pa talaga ang hiningian niya ng tulong? Nakaka irita. Hindi niya inisip na puwede ko siyang isabotahe sa pag plano ng kanilang wedding. Amp!
"Mas maganda iyang isa!" Turo ko sa isang gown na medyo dirty white ang kulay, mas simple kasi siya pero eleganting tignan, kaysa doon sa isa pang nasa pilian masyadong ma arte at hindi gaano kaganda ang style. Iyon din kasi ang nagustuhan ko ng makita ko iyon kanina.
"Okey! Thanks. Iyan na lang ang pipiliin ko. " walang ka duda dudang sang ayon niya sa itinuro ko.
Zara is so kind and friendly. kaya hindi ko siya magawang awayin or sungitan kahit na alam kong fiancèe siya ni prince. Ewan ko ba! Kahit galit or inis wala akong mardaman sa kaniya.
Rose gold ang motif ng kanilang kasal, which is i like it, kasi i love colour rose gold. Ipinakita niya rin sa akin iyong mga gowns at suits na gagamitin ng mga Abay. Pati itong souvenirs para sa mga ninong at ninang at para sa mga bisita ay naka prepared na din. sa ngayon ay tanging gown nalang na susuotin ng bride ang pinag kakaabalahan nila.
To be honest i envy here so much! Kasi iyong dream wedding ko, sa wedding nila ko lang makikita. And it makes me insecure and envy here even more lalo na si prince ang magiging asawa niya.
Kaya hindi talaga ako aattend ng kasal nila! Baka sirain ko lang!
"Excuse me po" napatuon ang atensyon ko doon sa isang kasambahay nang mag salita siya.
"maam zara andito na ho sila." Nakita ko sa likuran niya ang isang babae at lalaki na blonde ang buhok at may kapayatan ang katawan pero in fairness mga bes ang gwapo niyang lalaki. Huhuhu
"Hayy akala ko hindi na kayo darating" lumapit si zara sa dalawa niyang bisita. Nag yakapan at nag beso beso muna sila bago lumapit sa gawi ko.
"Arshane, this is my friend mika, the designer of my gown and he is kuya zerus my brother he the organizer of our wed, guys this is arshane" tapos nag katinginan silang tatlo na may kahulugan. Inaantay kong may idugtong pa si zara na linya para sa pag papakilala sakin pero hindi ko na muli siyang narinig na nag salita.
"Omg zaraaaa! Hindi mo sinabi na ang ganda pala niya!!" Naka ngiting lumapit sa akin iyong mika. tinignan niya pa ako simula ulo hangang paa at mabilis akong niyakap.
"Yiiee~ sabi ko na nga ba eh mas maganda ka talaga sa personal! Alam ko hindi talaga----araaay naman bessy!" Naputol ang lintaya ni mika at padarag na siyang hinablot sa harapan ko ni zara.
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
RomancePaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...