"kain ka lang po ng kain ma'am" ani ko sa ginang, Tska inilapit iyong mga niluto ko na hapunan.
Andito kasi kaming dalawa sa kusina sinamahan ko siyang kumain, noong nagising kasi siya ay bigla nalang siyang nag hanap ng tubig at pagkain kaya iginaya ko siya dito sa kusina.Mukhang okey narin naman siya, mukhang naka bawi na iyong katawan niya mula sa mga bugbog nung asawa niya kana, bagaman ay madami parin siyang mga sugat at gasgas kaya niya na ring gumalaw galaw.
"s-salamat iha, sa pagtulong saamin ng anak ko ha. " pasasalamat niya. May bahid pang panginginig sa kaniyang boses.
"walang ano man po iyon ma'am, kahit sino naman po ata ang maka kita sa kalagayan nyo kanina ay tutulungan talaga kayo" sabi ko naman. Ngumiti lang siya ng mapait.
"i--ha, a-asawa mo ba iyong si pogi? " tinuro niya kung nasan si prince na busy kaka batantay kay baby pogi. Nakaka pag selos na nga eh kasi nung simulang dumating siya ay halos ayaw niya ng bitawan ang bata. Gusto lang niya siya nalang ang mag karga. >_____< amp. Ehh gusto ko mamang kargahin iyong bata. Tssk!!
"ay, hindi pa po. Boyfriend ko pa lang ho siya. B-bakit po??" tumango tango siya. Tska yumuko at nag patukoy kumain.
"may nais sana akong-------ay w-wala wala naman iha" aligaga pa siyang uminom ng tubig.
Dinapuan ako ng kaba dahil sa inaasta ng ginang, ano bang tinatago niya sa aming dalawa ni prince?
Meron nga ba??
Pinag masdan ko lang siya habang kumakain, mukha ngang alinlangan pa siyang tumingin sa akin habang kumakain siya. Tuloy hindi maalis sakin ang kakaibang kutob. Gusto ko mang tanungin pero baka pribado ang dahilan niya.
Nang mapansing kong naiilang siya sakin dahil sa nakabantay ako sa kaniya nag pasaring ako kunware.
"ah, doon muna ho ako sa sala maam, tawagin niyo nalang ho ako kapag tapos na kayo" naka ngiti kong paalam sa kaniya tska dahan dahang nag lakad papunta sa sala kung nasan ang dalawa, si prince at si baby pogi.
Abala niyang nilalaro ang baby, pinapatawa niya ito ng pinapatawa madalas ang kinikiliti niya ito. Madadala ka rin sa halakhak ng bata kasi talagang ang cute cute niya may isang dimple siya kaliwang pisngi, parang si prince talaga iyong bata.
Siya pala iyong tinutukoy ko kanina nasabi ko parang may kamukha siya. Nung pinag dikit ko ang kanilang mga mukhang ay nahahawig talaga siya sa bata.
Ang sabi ni prince ganun lang daw talaga ang mga gwapo. Psh! Mayabang talaga.
Habang pinag masdan ko silang dalawa, ay hindi ko mapigilang mapa ngiti dahil kay prince, Puwedeng puwede na talaga siyang maging tatay, ang gwapo gwapo niya kasing tignan habang karga karga si baby pogi, yung tipong dagdag pogi points na iyon sa kaniya, hehe tska halatang mahilig siya sa bata. Mukha ngang enjoy na enjoy siya ka baby pogi eh! Kasi yung ngiti niya kakaiba. Parang may something na ewan.
"enjoy na enjoy ka talagang alagaan si baby pogi noh? " ani ko kay prince ng makalapit ako sa kanila, naka ngiti siyang humarap sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi.
"he's so damn cute mahal," sagot niya, tska muling nilaro ang baby. "wag na kaya natin 'tong ibigay kay ma'am, sa atin nalang?? "
"baliw, as if na ibigay yan saatin ng mama niya noh! Sa cute ng baby na yan ipamimigay sa saatin?? Diba bebe pogi hindi?? " pag kakausap ko sa bata, na mukhang tuwang tuwa saakin. baby talk lang ang tanging sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
RomancePaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...