* Prince POV *
Kumain muna kami ng tanghalian bago ko inihatid si arshane sa sakayan ng jeep patungo sakanila. Balak ko sanang ihatid sa bahay nila kaso nga lang ayaw nyang mag pa hatid, ma-aabala nya pa raw ako at ayaw nya iyon, kaya hindi ko na ipinilit.
Hindi rin nag tagal ng marating ko ang bahay namin
Bumusina ako ng isa para pag buksan ako ng gate, agad naman itong ginawa ng guard na naka bantay."sir" bati saakin ng guard.
Tinanguan ko nalang sya bilang sagot.Itunuloy ko ang pag pasok patungo sa garahe ng bahay nang mai- park ko iyon dali dali na akong lumabas.
I just need to go home early!
Mag hihintay si arshane, baka mabagot sya kakahintay sakin!Pinaikot ikot ko sa mga diliri ang susi ng sasakyan ko habang nag lalakad papasok ng bahay.
Sinalubong ako ni manang lisa ang pinaka matagal na kasmabahay na itinuring ko ng pangalawang nanay.
"iho" niyakap nya ako.
"manang" balik bati ko at dinulugan ko ang yakap nya.
"kamusta kana? Akala ko hindi ka pupunta." parang batang pahayag nya kaya natawa ako. Lagi syang ganto saakin pag nag lalambing! Bata palang kami ni kuya ng maging kasambahay na sya dito sa bahay kaya kilalang kilala nya na ang daloy ng bituka naming magka patid! Sya nadin ang naging nanay namin kapag wala sila mommy.. Kapag busy sila sa kanilang trabaho .Minsan nga mas nararamdaman ko pa ang pagiging nanay nya kaysa kay mommy. "na miss kita iho! Nung nakaraan ay alala ko pupunta ka dito para sa family dinner nyo" bumitaw sya sa yakap ko.
"sorry manang, busy lang talaga ako sa trabaho at alam mo na yung sagutan namin ni lolo nung nakaraan" napakamot nalang ako ng ma alala ko iyon.
"hay! Oo nga nak, kahit ako man ay na babahala kung paano mo magagawa ang hiling nya.. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyong iyon kaya na iintindihan kita anak" hinaplos nya ang aking pisngi. "tara na doon sa sala, pag hahanda kita ng meryenda mo" sumunod ako kay manang patungo sa sala.
umupo ako sa sofa at inilinga ang mata sa kabuoan ng bahay..
Nakaka miss din palang tumira dito.. Simula kasi ng magka condo ako ay hindi na ako dito natutulog, halos hindi ko na nga nabibista ang kwarto ko kapag pumupunta ako dito. Kadalsan kasi ay ayokong tumatagal sa bahay na ito lalo na kung andito si lolo."anak! Meryenda ka muna"inilapag ni manang sa center table ang dalang meryenda. "salamat manang..sila mom and dad po?" tanong ko ng hindi ko ma pansin ang presensya ngmga magulang ko.
"alam mo naman ang parents mo, subsob sa trabaho! Ewan ko ba dyan kay cheska at justine kung bakit panay parin ang trabaho eh marami na kayong pera" natatawa tawang saad nya. Alam na alam nya kasi sila mom and dad.. Napaka workaholic. Kulang nalang ay tumira na sila sa opisina kasama ng mga paper works nila.
"dati pa naman po ay ganyan na talaga sila, manang, nagka apo na lahat lahat ganun parin"
"yun na nga eh! Dapat nag papahinga na sila.. Nag bobonding bonding diba mas masaya iyon? "
"oo nga po manang..Kaya lang sila mommy yun eh!" iling iling ko "Sya nga ho pala anong oras sila uuwi manang? Sila kuya ba makaka punta?"
"ang mama at papa mo,medyo mamaya pa iyon, may meeting pa silang tatapusin. kasabay na nila ang lolo mo, at Sila kuya mo Zustine ay mamaya darating na sila.. Nag babyahe na raw sila, nung nag tumawag sya saakin"
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
RomansaPaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...