Ika-Tatlongpu't tatlo na kabanata

7.5K 151 5
                                    

Gabi na pero wala parin si prince, nakapag hapunan na nga kaming tatlo. ako, ang ginang at si baby pero hindi parin siya umuuwi, ang last na txt niya lang saakin ay baka ma late siyang umuwi dahil tatapusin niya pa iyong mga trabahong iniwan sa kaniya ng daddy niya.

Kaya sinabi ko sa ginang na mali-late umuwi si prince, baka bukas niya nalang kami kausapin pero tumangi siya, okey lang naman daw na hintayin namin siya para makausap niya na kaming dalawa, kaya hangang ngayon ay pareho parin kaming gising habang hinihintay si prince.

"mag kape muna ho kayo ma'am" alok ko sa kaniya ng kape na bagong timpla.

"salamat iha, wag mo narin sana akong tawaging ma'am, Elizabeth nalang" nakangiting sabi pa niya. Tumango nalang ako. Tska muling umupo sa harapan niya.

Elizabeth pala ang pangalan niya. Ang ganda maman. Pang mayaman hehehe.

"ilang taon na kayong nag sasama ng nobyo mo iha? " tanong niya bago sumipsip sa kaniyang kape.

"months palang po, bakit ho? " umiling naman siya. "wala lang naman, napansin ko kasing sobrang mahal na mahal nyo ang isat isa, kaya dito kana nakatira sa kaniya"
Tipid lang akong ngumiti. Hindi lang naman ho iyon ang dahilan kong bakit dito ako naka tira sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya, pero ayokong malaman niya kung ano ako dati ni Prince bago maging nobya.

Mga ilang sigundo kaming natahimik bago muli siya nag salita.

"paano kung isang araw, may malaman ka tungkol sa nobyo mo? Anong gagawin mo? " makahulugang tanong niya pa sa akin. kaya napaiwas ako ng tingin dahi hindi ko mapigilang kalabugan ng dibdib.

Paano nga ba kung meron? Anong gagawin ko? Tanong ko din sa sarili ko. Pero mabilis ko lang iniling ang ulo ko dahil sa inisip. Ano naman klaseng issue iyon kung sakali? Diba??

Bumaling ako muli sa kaniya ng tingin. "m-may nalalaman po ba kayo?" kinakabahang tanong ko. Tinignan niya lang ako ng seryoso. Ganun din ang ginawa ko sa kaniya, nag sukatan kaming dalawa ng tingin sa paraan niya palang ng pagtingin ay mukhang meron nga siyang alam.

Halos mawalan na ako ng pasensya sa kaka-antay ng sagot mula sa kaniya.

Dumaan ang ilang minuto na ganun parin ang tinginan naming dalawa.
Pahigpit na pahigpit pa ang hawak ko sa baso dahil sa tensyong na raramdaman ko.

Feeling ko nga ay mababasag nalang bigla ang baso sa kamay ko dahil sa higpit ng pagkaka hawak ko eh.

Ang tagal niyang sagotin ang tanong ko sa kaniya. Kating kati na talaga akong malaman kung meron nga ba o wala.

Nakakainis, ang tagal niyang mag salita. >_____<

"oh andiyan na pala ang nobyo mo" naka ngiting anunsyo niya, na tumingala pa para pasadahan ng tingin si prince, ang bilis lang mag bago ng kaniyang itsura, na para bang wala kaming seryosong pinag-usapan kanina.

Napapikit nalang ako dahil sa inis, ang akala ko ay mag sasalita na siya.. Hayy! Umasa lang pala ako sa wala. Letchugas!! paasa ang ginang! T.T

Malalim akong bumuntong hininga bago humarap kay prince, lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi.

"hi mahal, pagod? " kunway tanong ko pa sa kaniya at inalis ang kinakabahang pakiramdam kanina. Tinulungan ko siyang maihubad ang kaniyang coat na suot.

"it's getting late mahal, why are you still awake? " kunot noong tanong niya saakin, tska dinapuan ng tingin si Elizabeth at nag palitan sila ng pag bati.

Elizabeth nalang ang tawag ko sa kaniya kasi hindi niya naman sinabing tawagin ko siyang tita o ate o tiya. Baka ayaw niya naman na tawagin ko siya sa ganoon. Or Malay ko ba kung mas gusto niya palang tawagin ko siyang Uncle, tiyo, o kuya tapos hindi niya lang masabi saakin kaya mas mainam na Elizabeth nalang para sure.

His Baby Maker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon