Ika- Apat napu't Anim na kabanata

6.5K 120 8
                                    

*Arshane's POV*

"kamusta na po ang lagay ni lolo? " tanong ko kay manang ng madatnan ko sila na naka bantay sa labas ng Operating room.

Andito silang lahat, si kuya zustine, ate myiel, prince, si tita Kristine at si manang. Si tito justine lang ang wala. Hindi ko alam kong nasaan siya ngayon.

Pero parang wala man lang akong kausap dahil ni isa ay wala man lang sa akin sumagot sa tanong ko.
lahat sila naka tulala sa kawalan.

Ilang oras na ang lumipas simula ng mga nang yari sa mansyon, alas dos na ng umaga. panibagong umaga para sa iba pero sa akin parang panibagong delobyo ang nangyari.

Hindi parin ako maka paniwala, na napag bintangan ako sa kasalanang hindi ko ginawa!

"p--rince!" kinakabahan kong tawag sa pangalan niya. Bumaling siya sa akin ng tingin na mas lalong nakapag pahina saakin.

Punong puno ito ng galit at halatang dismayado.

"hindi mo man lang ba ako hahayaang mag exp-------"

"not now arshane! Not now" pigil niya sa akin.

"pero prince, hin------"

"wag kang maniniwala sa kaniya Dustine, niloloko ka lang ng babaeng yan! May relasyon sila ng daddy mo!" sabay sabay kaming napa baling ng tingin sa babaeng nag lalakad pa palapit sa amin, may bandage siya sa ulo at naka suot ng hospital gown.

Si jesebel.

"anong ibig mong sabihin jesebel? " gulat na tanong ni tita Kristine.

"tita, makinig kayo. Narinig ko si arshane at tito justine na nag uusap sa mansyon, plinano nilang dalawa ang lokohin si prince, lahat ng ipinakita ng babaeng iyan sayo dustine ay pawang kasinungalingan lamang! Lahat naka plano. At ang masama pa may relasyon silang dalawa ng daddy mo! Napaka landi at sama ng babaeng yan---gold digger bitch!"

"Paano ka nakaka sigurong may relasyon sila jesebel? May proweba ka ba? " tanong na may pang hahamon ni kuya zustine kay jesebel.

"of couse, meron akong proweba! " may kompyansang sagot niya tsaka humalakhak ng pang demonyeta. "hindi ako pupunta sa gyera ng walang dalang bala" inilabas niya ang cellphone niya sandaling may pinindot.

"watch this video, makikita nyo na tama ang pinag sasabi ko" iniharap niya sa aming lahat ang hawak niyang cellphone.

Doon nag play ang isang familiar na pangyayari. Ang pag uusap namin ni tito sa verandah kagabi. ang pag uusap namin tungkol sa nagawang plano at sa huli iyong mag yakap ni tito sa akin at pag halik sa tuktok ng ulo ko. Hangang doon lang. Wala iyong ibang parte ng pag uusap namin.

Ang daming kulang doon sa video, Sobra sobrang short cut.

"see? Lahat ng ipinakita ng babaeng yan ay purong kasinungalingan lang! " gatong muli ni jesebel sa kanila.

"walang hiya kang babae ka, napaka baboy mo! Ang sama sama mo" sinugod ako ni tita ng sampal at sabunot. "itinuring kitang parang tunay na anak wenelcome kita ng buong puso sa pamilya namin pero iyon pala naka plano lang ang lahat! You bitch, pati asawa ko nilandi mo! Dapat sayo tinatangalan ng buhok! Malandi ka! " patuloy parin sa pag sabunot sa akin si tita. Hindi na ako lumaban pa umiyak nalang ako ng umiyak habang tinatamasa ang bawat sakit dala ng sampal at sabunot ni tita.

pagod na pagod na akong lumaban sa mga taong hindi man lang ako nagawang pakingan sa una.

"mom, stop it! stop it!" sigaw ni prince sa kaniyang ina. Inilayo niya ako kay tita na ngayon ay galit na galit parin sa akin.

"hindi pa ako tapos sa babaeng iyan dustine! Hayaan mo akong saktan siya ng paulit ulit. Bitawan mo ako zustine kundi ma lilintikan ka din saakin! " baling niya ng galit kay kuya zustine na ngayon ay mahigpit siyang niyakap para hindi maka wala at maka lapit pa sa akin.

"p-prince hindi totoo ang lahat ng iyon, please hayaan mo muna akong mag paliwanag please?" pag susumamo ko sa kaniya. Wala akong ibang emosyong nakikita sa mukha niya kundi galit lang.

"wala nang saysay ang paliwanag mo arshane, that video explained to me everything. everything! So i don't have any goddamn reason to believe your bullshit lies!" sigaw niya habang mahigpit na hinawakan ang aking braso.

Nasasaktan ako sa higpit ng pagkaka hawak niya pero ininda ko lang. Mas masakit pa kasi ang katotohanang hindi man lang niya ako nagawang ipag laban.

"please prince nag mamakaawa ako sayo, please! " lumuhod pa ako sa kaniyang harapan.

"don't worry bitch anytime darating na ang mga pulis na huhuli sayo sa presinto ka na lang mag paliwanag" sabat ni jesebel.

Nagambala ako dahil sa sinabi niya! Hindi dapat ako puwedeng makulong wala akong kasalanan dito bakita ako makukulong?

Dapat siya ang makulong dahil siya ang may gawan ng lahat ng 'to.

"good morning ma'am, I'm SPO1 Rogel Salvador from SK District Police" may dumating na tatlong tao na naka suot na pang pulis at kinausap sila tita." nais lamang po naming-------" hindi ko na pinakingan ang iba pang sinabi ng pulis dahil dahan dahan na akong tumakbo palayo sa kanila.

Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan ko at pati narin ang mga taong nakaka bangga ko sa hallway. Ang tanging nasa isip ko ay ang maka alis sa lugar na ito bago pa ako makulong!

"habulin niyo siya bilis" rinig kong utos ng senior police officer sa kaniyang mga kasamahan.

Tumakbo ako ng tumakbo at tago ng tago kung saan saan para lang maka takas sa mga pulis!

Nararamdaman ko ang pag hilab ng sikmura ko at pag hina ng katawan ko, pero hindi ko na ininda pa.

Tumakbo ako sa gitna ng kalsada nakipag patintero sa mga mabibilis na sasakyan, pasalamat nalang ako dahil hindi pa gaanong madami ang mga sasakyang bumabyahe.

Pagka rating ko sa kabilang kalsada doon na ako dinapuan ng pagka hilo at matinding pang hihina. nagiging dalawa na ang nakikita ko sa paligid.

Dalawang parehong sasakyan, dalawang parehong puno, dalawang parehong building dalawang pares ng tao! Pati ang mga ilaw ay nang lalabo na sa aking paningin.

Kasabay ng pag buhos ng luha ko pati ng malakas na ulan ay ang pag tama saakin ng ilaw ng kotseng parating.

*beeeeeep* *beeeeeeep*

*Ckrrriiiiiicckkkkkk*

"pa alam prince" huling sambit ko ng ma ramdaman ko ang pag tama ng bakal sa aking katawan na siyang dahilan ng pagka handusay ko sa kalsada.

"i love you prince, mahal na mahal kita kahit hindi mo man lang ako nagawang ipag tangol sa pamilya mo. hindi hindi ako nag sisisi na nakilala at minahal kita. Sana maging masaya ka na ngayon. Aalis ako sa mundo na walang puot na babaunin sa pagka matay ko. Magiging masaya ako kapag nahanap mo na taong mag papasaya sayo. Mahala na mahal kita at ngayon Papalayain na kita. Paalam, hangang sa muli!

"shit! Z you killed her. OMG! "

"huhuhu mika, help what should i do?"

Muli ko pang narinig ang pag uusap ng dalawa bago ako dinalaw ng antok unti unti na ring pumikit ang mga mata ko.

Paalam.

**********


His Baby Maker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon