*Arshane's POV*
Tulala at mag isa akong kumakain ng agahan dito sa condo. Hay! Hangang ngayon hindi ko parin lubos ma isip na nilayasan ako ng lalaking 'yon pag katapos niyang mag confess sa akin na mahal niya daw ako!
Hay nakaka gago! Oo alam kong may kasalan ako. Pero biro lang iyong tanong ko sa kaniya, hindi ba siya marunong tumangap ng pagka biro? Punyeta! Mag dadrama pa sana ako sa kaniya kanina tapos aamin nadin sana ako, kaso ayon nga pagka labas sa banyo hindi niya na ako pinansin, pagkatapos niyang mag bihis umalis nalang ng walang paalam.
"haay! Buhay parang life!" napapa buntong hininga nalang ako dahil sa ng yari.
Isang ugali nanaman na natuklasan ko kay prince ay ang madaling mapikon. (-______-)
Hindi ko alam kong saan siya pumunta ngayon, pero base naman sa suot niya naka pang office attire siya so baka pupunta siya sa companya nila.
Hay prince!
Pagka tapos kong kumain ay iniligpit ko nalang ang pinagkainan ko tapos nag hugas ng mga pingan at basong tila isang taon na atang naka tambak dito sa lababo, yung mga pagkain tumigas na dahil sa tagal na hindi natangal sa plato. tiba tiba yung mga bacteria na andito naka kapit sa mga plato at kutsara.
Kung nay ipis or daga na nakatira dito sa condo ni prince, ay malamang nag fifiesta na sila dahil sa daming pagkain na naka-kalat dito sa lababo.
After kong mag linis sa kusina ay sinunod ko naman ang sala. Inuna kong tangalin ang mga nagkalat na bote ng alak sa sahit pati mga saparilyas at sitcherya ay kalat kalat din, buti nga at wala ditong daga at ipis sa condo kasi kung meron ay paniguradong tiba tiba sila dahil sa mg tiratirang pagkain.
Pagkatapos kong linisin ang sala ay sinunod kong labhan ang mga maruruming damit niya, pati din yung damit kong naiwan dito ay kasama narin. Grabe! Parang isang taon na walang tumira sa condo nato dahil sa dami ng nilabhan ko. Kakaloka!
Halos inabot ako ng maghapon kakalinis ng buong condo niya, naka luto na nga ako ng hapunan namin pero wala parin si prince, hindi ko maiwasang kabahan, hindi ko kasi alam kong ano na ang nangyari sa kaniya. Ni text o tawag kasi ay wala man lang siyang abiso. T.T
Hangang sa dumating ang alas dyies ng gabi ay wala parin siya, maraming pumasok sa isip ko na mga bagay na ayaw kong mangyari. Pero kahit pilitin kong hindi isipin eh hindi ko pagilan. Kasi naman!! Urrrrggh... Nag aalala nako ng husto. Huhuhu
Tumungo ako sa kabilang kuwarto. Balak ko kasi dito nalang muna matulog, alam ko kasing pag umuwi yun si prince dito ay may inis pa iyon sa akin kaya ako muna ang a-ajust para sa kaniya. Siguro ay bukas ko nalang siya kakausapin.
Napaluha ako ng maisip kong galit siya saakin, nakaka lungkot lang kasi simula ng mamatay si tatay ay kay prince nako humugot ng lakas para bumangon muli tapos ngayon siya nanaman ang magiging kahinaan ko!
Nakaka baliw.Sunod sunod ng tumulo ang mg luha ko dahil sa halo halong emosyon. Hangang sa nakatulugan ko nalang ang pag-iyak.
Umaga na ng magising ako dahil sa bigat na nararamdaman ko. Ay mali----- para kasing may bagay na naka dagat sa katawan ko, Nahihirapan akong huminga.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni prince na naka tingin sa akin habang naka ngiti ng pagkatamis tamis, naka yakap siya akin ng mahigpit at ang kanang binti niya ay naka dantay sa akin. Kaya pala nakaramdam ako ng mabigat dahil katawan niya pala iyong naka patong saakin. Pambihira!
"good morning mahal ko!" bati niya saakin, hindi niya parin inaalis ang matamis na ngiti sa kaniyang labi parang hindi siya nagalit saakin kagabi ah.
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
Storie d'amorePaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...