Kinabukasan wala paring imik si prince ni hindi na nga siya kumain ng breakfast dahil ang sabi niya ay malilate na raw siya! Nag dududa nga ako kasi alas syete palang as in saktong alas syete tapos ma lilate na siya? ni samantalang dati ay umaalis nalang siya dito 7:30 minsan quarter to 8 na nga kung umalis! Pero okey lang sa kaniya kasi maaga pa naman daw. Tapos ngayon kulang nalang umalis siya ng alas singko ng umaga.
Hay!
Alam ko naman kong bakit siya ng kaka ganyan eh, alam kong iwas siyang pag usapan namin ang nangyari ka gabi kaya hindi niya ako kinikibuan.
Pinabayaan ko nalang muna siya dahil baka kaylangan niya ng oras para makapag isip, ang sana nga lang ay hindi siya malilipasan kumain at wag niyang pabayaan ang sarili niya!
"haaaay! Gavin iyong tatay mo tinutopak nanaman" sabi ko kay gavin na parang na iintindihan niya ang sinasabi ko sa kaniya. "sana huwag kang mag mana sa ka topakan ng tatay mo ha? Hindi maganda yan hehe" kinunotan niya lang ako ng noo pero maya maya ay sumilay na ng ngiti sa kaniyang labi, iyong ngiti na madalas nakikita ko kay prince, iyon ang ngiting nakikita ko kay gavin ngayon!
Gumapang siya papalapit sa akin at umamba sa may dibdib ko, inilagay niya ang maliliit at malalambot niyang kamay sa pisngi ko saka dahan dahang idinampi ang mukha niya sa mukha ko, i guess parang gusto niyang halikan ako.
Bumusilak ang tuwa sa dibdib ko dahil sa ginawa ni baby pogi, bata palang siya pero gusto niya ng pagaanin ang mabigat na pakiramdam ko ngayon, alam mo yung feeling na kahit hindi mo siya tunay na anak at hindi siya mismo galing sa iyong sinapupunan, ang gaan gaan kasi ng loob ko sa bata! para ngang tunay ko narin siyang anak at dinala ng nine months.
"i love you baby pogi" dinampian ko muli ang kaniyang pisngi ng halik at kiniliti kaya sumilay nanman ang dimples sa kaniyang pisngi " love na love ka ni nanay"
"n-n-ay"
Lumaki ang mata ko dahil sa narinig kong binigkas ni gavin.
"ohmaygas! Gavin totoo bang tinawag mo na akong nanay?" naka
Ngiting tanong ko sa kaniya na alam kong hindi niya naman ako muling sasagutin. "omg gavin angelo slash baby pogi, nag sasalita ka na! Tinawag mo akong nanay!" niyakap ko siya sa tuwa, ilang araw ko na siyang gustong pagsalitain kasi para may ibang boses akong naririnig galing sa ibang tao, pero hindi niya ako sinusunod tapos ngayon na hindi ko inaasahan saka siya mag sasalita.Ganito pala ang feeling kapag first time mong ma rinig ang unang salita ng baby mo hehehe.
*ding dong*
Dali dali akong tumayo mula sa kama at kinarga si gavin ng tatlong besis tumunog ang doorbell.
Napakunot ang noo ko ng mapag tantong wala naman akong inaasang bisita na darating ngayon, o baka naman si Elizabeth nanaman 'to? Tapos pupunta siya dito para kunin si gavin? Ayy that's a big No! No! Hindi ko sa kaniya ibibigay ang bata. Iniwan niya to dito wala ng bawian tska anak to ni prince wala siyng karapatang bawiin ang bata.
*ding dong*
Muli itong tumunog kaya halos patakbo nakong lumapit sa pinto para buksan.
"sino po s------------omg! He-hello po good afternoon" halos takasan na ako ng kaluluwa ng tumambad sa harapan ko ang maputi, matangkad magandang ginang naka taas pa ang kilay niya habang naka tingin sa amin ni gavin.
"p-pasok po kayo ma'am" alok ko sa mommy ni prince. Oo mga bes yung mommy ni prince ang nasa harapan ko mismo. Jusko! Anong gagawin ko ngayon? Baka palayasin niya na ako dahil ayaw niya ako para sa anak niya. Grabe! Hindi ako handa sa ganitong sitwasyon!!
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
Lãng mạnPaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...