" WALA KANG KUWENTA"
*BLAAAAAG*
"NAKITA KO KAYO NG BAGONG LALAKI MO!! "
*BLAAAAAG*
"HINDI KO LALAKI SI ARNOLD------UGGGHHH-BI-TAWAN----"
*BLAAAAAAAG*
hindi ako maka alis dito sa kinatatayuan ko, na nginginig ang tuhod at kalamanan ko dahil sa mga nakikita.
Iyon kasing nakatira sa harap ng unit namin ay nag aaway----siguro mag asawa sila. Sinasakal ng lalaki iyong babae at pinag sasampal pa, dahil sa malaki ang lalaki hindi magawang
ipag tangol ng babae ang sarili niya kaya para nalang siyang isang bagay kung tumilapon kung saan kapag tinutulak siya ng asawa niya.
walang puso ang lalaking 'to!Ilang araw ko nang naririnig ang mga sigawan nila, minsan kasi ay kapag nasa trabaho si prince ay gumagala gala ako dito sa condominium kung saan kami naka tira, para hindi ako mabagot, madami na rin akong ka kilala dito yung ibang mga kapit--condo namin ay kakilala ko narin.
Ganyan ako ka friendly mga bes!
So ayun nga. Sa araw araw kong pag gala dito ay lagi kong naririnig ang sigawan at kalabog mula sa kaharap namin ito, lagi kasing naka open ng pinto nila pag nag aaway kaya rinig na rinig mo talaga. Pero ngayong araw kasi ay mismong nakita ko na kung papaano saktan nung lalaki yung asawa niya.. kagagaling ko lang sa palengke at na malengke lang ng mga ulam namin, tapos ito pa ang maabutan ko pagka uwi ko!!
Nakaka awa yung babae mga bes sa totoo lang, ang dami niya ng dugo sa mukha tapos iyong mata niya may mga black eye na tapos dahil sa naka T-shirt at short lang siya ay kita mo ang mga pasa niya sa braso at binti.
Grabe nakaka awa ang babae na'to, satotoo lang. gusto kong pumasok sa loob ng condo nila at sipain iyong lalaki at bugbogin para matulungan ko ang babae kaya lang na alala ko hindi pala ako marunong kumarate kaya paano ko masasaktan yung mama? Baka pati ako madamay sa pananakit niya!
Nakatayo lang ako dito sa gilid ng pintuan ng condo namin habang naginginig na naka tingin sa dalawa-------ay mali sa babae lang palang walang malay na naka higa na sa sahig, duguan.
Halos malagutan ako nghininga ng makita kong lumabas ang lalaki, mabilis kong kinalikot ang password ng pintuan ng nakita ko siyang humarap sakin.
"takte!! Ang chismosa mo kasing babae ka, ma mamatay ka talaga dahil sa pagiging chismosa mo!" pagalit ko sa sarili ko habang kabadong kabado na nag pipindot.
"p*ta! Bumukas kang punyeta ka! Ayoko pang mamatay!"
Ilang minuto akong nag hintay, na may dumapo na kamay sa likod ko or bigla akong sipain o kaya saksakin pero lumipas ang sandali na hindi ko iyon ma ramdaman kaya dahan dahan akong tumingin sa likod ko, halos maibuga ko na ang buong hininga ko ng makita kong wala na ang lalaking---walang puso na iyon. Nakita ko siyang pumasok sa elevator, mukhang aalis na. Hayf na iyon pagkatapos saktan ang babae nilayasan lang! Punyeta siya!.
Napatingin ako muli sa harap naming condo, nakita kong pinipilit bumangon nung babae kaya patakbo akong lumapit sa kaniya para tulungan siya.
"jusko! Tulungan na po kita! "
"o--k l-ang a-ako! " pag tatangi niya. Ammp! Okey daw siya pero kulang nalang ay maligo na siya sa sarili niyang dugo.
Sakalin pablita diyan eh. Charot lang!
"hindi po kayo okey, ma'am! May mga sugat po kayo! Dadalhin ko na po kayo sa hospital" tarantang saad ko nang makomperma ko kung gaano siya kadaming sugat na natamo.
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
RomansaPaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...