Ika-Limangpu't Pito na Kabanata

6.2K 143 6
                                    

*Arshane's POV*

Sabi nila, saka mo lang daw ma raramdaman ang pagiging babae kapag naging ina ka na.

Para sa akin, ay totoo iyon. Dahil simula ng mag silang ako ng sangol ay doon ko lang na  ramdaman ang lahat ng pa-kiramdam na hindi ko pa na-ranasan noong hindi pa ako naging nanay.

Saka lang ako na tutong mag tipid ng husto, mag tiyaga, mag timpi ng pasenya at higit sa lahat hindi ko pa naranasan ang maging masaya katulad ng isang pagiging ina.

But this is not easy as we thought, lalo na kung single mom ka lang katulad ko, kasi ikaw ang tatayong tatay at nanay para sa anak mo! Lahat isasakripisyo mo para lang sa kaligayahan ng anak mo but trust me guys, ang sarap sa feeling makita silang lumalaking maayos.

Kaya nang tumawag sa akin si sab at sabihing bumaba daw ang rate ng heart beat ni arth ay bigla akong sinalakas ng kaba.

Arth, is not my boyfriend. He is my son, at Kakambal siya ni gaby. Nagawa ko lang mag sinungaling kay prince dahil natatakot akong malaman niya ang totoo. Na anak niya si gaby at Garth. Kasi alam kong kukunin niya sa akin ang mga anak ko at ilalayo sa akin. Kaya mas pinili kong mag sinungaling sa kaniya para manatili parin sa akin ang mga anak ko.

At ngayon ay naka confined si garth sa ospital dahil meron siyang  congenital heart disease. Nakitaan kasi ng maliit na butas sa may itaas na  parte ng septum ng  puso niya na tinatawag na Atrial septal defect, kaya madalas ay nahihirapan siyang huminga dahil hindi maayos ang nagiging daloy ng kaniyang oxygen-rich blood patungo sa kaniyang katawan.

Ang sabi ng docotor ay madalas inborn daw ang ASD or kaya na-dedevelop na lang habang lumalaki. Sa ngayon ay hindi pa naman sa akin sinasabi ng doctor kung inborn ba talaga ang sakit ni garth o hindi.

"Ateng! Jusko buti naman at andito ka na, kanina pa ako kabadong kabado habang tinitignan ko ang mga doctor at nurse na mabilis ang galaw habang naka palibot kay arturo ateng! Huhuhu" na luluhang panimula ni sab ng ma abutan ko siyang andito sa labas ng kuwarto kung saan naka confined si arth.

Mabilis ko siyang niyakap dahil maski ako ay kinakabahan dahil sa nangyayari.

jusko po sana ay ayos lang ang anak ko. Taimtim na panalangin ko habang naka yakap kay sab.

"Kaninang umaga, nang magising siya ay hinahanap ka niya, syempre sinabi ko na wala ka pa at mamaya ka pa pupunta bigla na lang siyang umiyak hangang sa mahirapan na siyang huminga, huhuhu sorry ateng!" Hinagod ko ang kaniyang likod ng mag simula na siyang maluha.

"Shh! Ano ka ba wala kang kasalanan sab, ako ang may kasalanan dito kasi napabayaan ko si garth, wag mong sisihin ang sarili mo kasi wala kang kasalanan" pang aalo ko sa kapatid ko. "Kamusta na si baby? Okey na ba siya?" Bumitaw ako sa pag ka-kayakap at malungkot siyang tinignan.

"O-oo ateng medyo okey na siya. May itinurok lang sa kaniya na pang pakalma, tapos bigala nalang siyang nawlan ng malay. Ang sabi naman ng doctor ay kailangan niya lang mag pahinga at iwasan na ang pag iyak. Andon siya sa loob ng kuwarto ateng mahimbing na natutulog." Paliwanag niya. Medyo kumalma narin ang katawan ko nang marinig na okey na ang kalagayan ni garth.

Hindi ko talaga kayang may mangyaring masama sa kaniya.

Pumasok ako sa kuwarto at don ko nakita ang anak kong may naka kabit na kung ano anong aparato sa kaniyang katawan. Hindi ko mapigilang hindi humikbi dahil na aawa akong makita siyang ganito. Hindi niya man nasasabi pero alam kong  nahihirap siya ng husto dahil sa mga aparatong naka kabit sa katawan niya.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang maliliit na kamay niya. "Baby garth, si mama 'to. Hindi na kita iiwan baby mag stay na si mama kasama mo basta  mag pa-pagaling ka ha? Mag iipon lang si mama ng kaunti pang pera para ma-ipa opera ka" Umiiyak na kausap ko sa anak kong ma-himbing na natutulog.

His Baby Maker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon