*Arshane's POV"tay, gising na po! Mag umagahan na kayo" saad ko, habang pa pasok ako sa kwarto kung saan naka higa ang itay!
Inilapag ko sa katabing table ang isang try ng umagahan para sakanya...
Lumapit ako kay itay at umupo malapit sa balikat nya "tay, gising na po.. Kain kana at uminom ng gamot" saad ko ulit habang marahang inuuga ang balikan ni tatay.. Umaga na kasi at kaylangan nya pang maka inom ng gamot sa tamang oras..
Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata at tila nahihirapan pa syang imulat ang mga ito..
"tay" tawag ko saknya pero hndi sya maka pag salita..
Itinaaas nya ng bahagya ang kanyang kaliwang kamay, inabot ko ito at hinawakan."tay! Ano po iyun? Anong kaylangan nyo??" naka ngiting tanong ko sakanya.
"sh-shane,"mahinang tawag sakin ni tatay..
Mabilis na kumalabog ang dibdib ko ng dahil sa kakaibang boses ni tatay, sumalakay ang kaba saakin.. God! Bakit? Hindi naman sya ganyan mag salita.. Maayos syang mag salita pero bakit ngayon parang may naka harang sa kanyang lalamunan at hirap na hirap syang bigkasin ang pangalan ko.
"tay! A-anong ng yayari sayo?" na nginginig na tanong ko. Mahigpit nyang hinawakan ang mga kamay ko.
"n-nak! L-lagi-lagi m-mong tandaan na m-mahal na m-mahal ko kayong mag kakapatid ha! Wag mo silang pababayaan"
"tay! Wag naman kayong ganyan..wag mo namang sabihin yan Na para bang mag papa alam na kayo" naka ngiti pero naluluhang saad ko.ayoko mang maka dama ng kalungkutan ngayon pero hndi ko maiwasan...
Pilit syang ngumiti saakin at nag langhap muna sya ng hangin bago ulit mag salita
" b-basta-- lagi mong ingatan ang mga ka-kapatid m-mo h-ha.." tumango ako sakanya "opo naman tay..hinding hindi ko sila pababayaan"ngumiti ako ulit sakanya "diba mag lilibot pa tayo sa Hongkong?!" pa alala ko sakanya...pero hindi sya umimik bagkos nag simula ng mag tubig ang gilid ng kanyang mata...May mali eh.... May mali
"t-taaaay naman! D-diba mag papagaling kapa at pupunta tayo ng hongkong?" garalgal na saad ko. Kunting kunti nalang at tutulo na talaga ang kanina pang nag babadyang luha ko.
"i-im s-sorry shane---h-hindi ko na kaya!" Hindi ko na talaga kinaya ang bigat ng dibdib ko at inilabas ko na ang mga luhang kanina pang gustong makawala.
Tuluyan akong napa hagulgol.
"tay naman.. Wag nyong sabihin yan *sob* hindi naman kayo mawawala diba?...taaaay" wala akong narinig na sagot mula sakanya..
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at unti unting inilapit sa mukha nya.."m-mahal na m-mahal ko kayong mag----magkakapatid" dinampian nya ng halik ang noo ko...sumunod ang ilong at ang dalawang pisngi ko.. Patuloy parin sa pag buhos ang mga luha ko. TT________TT
"kapag nawala na ako....hukayin mo ang lupang kinatatayuan ng k-kwarto nyo..at----- at m-mag simula kayo ul....---------" hindi nya na naituloy ang kanyang sinasabi dahil unti unti nang paisa isa ang pag hinga nya..
"taaaaaayyyy... W-wag ka namang ganyan" umiiyak na saad ko. At inalogalog ng kaunti ang katawan nya...
Hindi pwedeng mang yari to... Hindi pwede...
BINABASA MO ANG
His Baby Maker (Completed)
Roman d'amourPaano kong isang gabi ay may lalaking nag alok sa'yo nang isang pambihirang trabaho, na kahit kailan ay hindi mo ginusto at inakala na may roong ganung uri nang trabaho. Trabahong makakapag buhay sa pamilya mo. At trabahong magiging dahilan nang...