Sakit o Sarap?
Kung papipiliin ka?
Alin ang gusto mong maranasan sa kamay ng taong mahal mo?
Paano kung iparanas ito ng taong minamahal mo?Ako nalilito parin ako. Dahil sa araw na araw na ginawa ng Diyos, lagi kung nararanasan iyon sa kamay ng taong mahal ko. Si Brent.
Araw araw ko siyang nakikita. Lage ko siyang nakakasabay sa pag-uwi. Siya ang nagbibigay kulay sa buhay kong wala ng sigla. Siya ang aking laging naiisip. Laman ng gallery ng aking phone ang mga litrato nya, mapa stolen man o saved mula sa kanyang facebook account. Alam ko lahat ng ginagawa niya. Nasa akin maging ang mga bagay na itinapon na niya. Ganun ako ka addict at ka obsessed sa kanya.
Lage siyang laman ng aking isip, ang kanyang mukha, kilos at galaw maging ang kanyang paghinga.
And I am proud to say that I'm a desperate stalker.
An obsessed woman.
I am a woman with the greatest affection towards a man who doesn't even recognize me or smile at me either.
Ganito ko na ba siya kamahal?
Ganito na ba ako ka desperada para maangkin siya.
Di ko alam!
Di ko alam!
Pero!
Siya ang lalaking aking lihim na minamahal, ang tanging lalaking nagpapatibok sa aking puso. Ang lalaking aking ninanais na makasama sa panghabang buhay. Ang lalaking gusto kung unang makita sa pagmulat ng aking mata sa umaga, at ang huling taong makikita ko sa pagtulog ko sa gabi.
Sa loob ng ilang taong pagiging dakilang stalker ko sa kanya. Di ko akalaing aabot ako sa puntong isasagad ko na ang aking kagagahan. Isang plano ang biglang pumasok sa aking isip.
Planong gustong gusto ko nang gawin at yun ay ang pagpasok sa bahay nila Brent.
Matagal ko na kasi talagang plano ito pero ngayon ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob.
Nababaliw na ba ako?
Oo!
Nababaliw na nga ako!
Sa kanya!
At dahil alam ko ang oras ng pag-uwi at pag alis ni Brent, madali lang saakin ang pasukin ang kanyang bahay. Nasa loob na ako ng bahay ni Brent.
"Ahhhh!" napasigaw ako dahil sa dagang biglang tumalon sa harap ko. Di paman ako nakakahinga ng maluwag ay mayroon na naman akong tunog na narinig. Nagmumula ito sa isang malaki at lumang kabinet na nasa ilalim ng kubeta."UGH... SHHRRKK"
Ano kaya yung nasa loob ng kabinet na yun ? Sobrang pagtatakang tanong ng aking isip. Kaya naman ay naglakad ako papalapit sa naturang kabinet.
Lakas loob ko ito binuksan at lubhang lumaki ang aking mata sa aking nakita.
Di ako makapaniwala sa aking nasasaksihan."AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" napaatras ako ng bahagya habang pinipigilan ko ang aking pagkagulat.
" A- A-hhh...AHHHHHHHHH!!!""Ugh.mmmmffffff...." , isang agaw buhay na babaeng hubot hubad ang nasa aking harapan. Nakabusal ang mga bibig nito habang may tali ang mga paa at kamay. Sugatan ito at ang daming pasa sa buong katawan. Nahihirapan at pilit na kumakawala sa pagkakatali. Nakatingin siya sa akin habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Palingon lingon siya na di ko maintindihan.
Pamilyar ang kanyang mukha. Maaring nakita ko na siya kung saan. Pero di ko maalala.
Nanginig ang aking buong kalamnan sa aking nakita. Anong ibig sabihin... nito?
Si Brent ay?
"Sino ka?"
Napalingon ako dahil sa boses na nagmumula sa aking likuran. Ganun nalang ang paglaki ng aking mata sa aking natutunghayan.
"Bren..ttt?"May hawak itong baseball bat habang may nanlilisik na mga mata. Ramdam ko ang kanyang galit. Bigla niyang inangat ang dala niyang bat.
Kasabay nito ay ang paglabo ng aking mga mata. Ramdam ko ang pagbagsak ko sa sahig kasabay ng pag agos ng aking mga luha.Si Brent? Siya ayy....
Hindi maari.
"MALIGAYANG PAGDATING SA BAHAY KO!" ang huling mga salitang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...