After 300 years I'm BACK mga labs. Hugs and kisses naman jan~
☻Graduation DONE
☻Hanap Trabaho na naman ako~ huhuPero anyways its good to be back.
NOTE: Kung ang BOOK 1 ng story na to ay base and inspired sa isang manga. Ang book 2 or season 2 po ay gawa ko na. Bali akin na po ang sequel ng story. Marami akong nilagay na twists na hopefully magpapabigla sa inyo.
UGHHH!Kailangan ko pang patugtugin ang Killing me Softly na version ni KZ Tandingan para magmotivate ako gumawa ng new updates. -_-
Naninibago ako!
Help!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
THIRD PERSON
Kasalukuyang nililinis ni Georgina ang pangalawang palabag ng bahay habang si Brent naman ay nasa baba nagluluto ng dinuguan. Amoy na amoy ng dalaga ang niluluto ni Brent habang pinapagpag ang mga kurtina. Pinapalitan niya kasi ang mga ito dahil sobrang luma na at napakarami na nitong alikabok. Winawalisan niya din ang sahig, at nililigpit ang mga kalat sa loob ng kwarto.
Ilang minuto ang lumipas ay napansin ni Georgina ang isang maliit na kahon sa ilalim ng cabinet katabi ng kama ni Brent. Nacurios ang dalaga kaya kinuha niya ito.
"Ano kaya to?" pagtatakang tanong ng dalaga habang hawak hawak ang kahon na puno na ng alikabok.Dala ng curiosidad ng dalaga ay dahan dahan niya itong binuksan.
"Uhhhh" daing nito habang tinitignan ang laman ng kahon. Mga litrato ito ng pamilya ni Brent. Nariyang kasama ni Brent ang mga magulang nito sa isang litrato. Di alam ni Georgina kung bakit pero parang pamilyar sa kanya ang mga mukha ng magulang ni Brent."Ang cute naman ni Brent dito," saad ng dalaga habang umupo sa kama ni Brent. Pansin niyang masaya pa sila sa mga panahong kinunan ang litratong iyon. Sampung litrato ang laman ng kahon. Nasa pang siyam na litrato na siya ng mabigla siya sa sumunod na litrato.
"Sino ang lalaking to?" tanong nito. Litrato kasi iyon ng isang binata na kailan man ay di pa niya nakitang kasama ni Brent sa loob ng ilang taon niyang pagstalk dito. Di rin naman kasi si Brent iyon dahil alam na alam ni Georgina ang mukha ng lalaking mahal niya.Nagtataka parin ang dalaga pilit na inaalala kong sakaling nakita na ba niya ang lalaking nasa larawan.
"AHHHHHH!!!" bigla siyang napasigaw dahil sa may kung anong biglang humila sa kanya mula sa likod. Napahiga siya sa kama habang napapikit dahil sa sobrang pagkagulat."Hahaha!" tawa ng isang pamilyar na boses.
Bigla rin niyang naramdaman na may kung anong pumatong sa kanya. Nang maamoy niya ang pabango ng taong iyon ay alam na alam na niya kung sino ito.
Dahan dahang minulat ng dalaga ang mata nito at tumambad sa kanya ang nakangising mukha ni Brent. Nakasuot ito ng apron habang walang suot na pang itaas. Pawisan ang katawan nito habang dumidikit sa katawan ni Georgina. Ang makisig nitong katawan.
"Anong hinahalukay mo diyan ha?!" tanong nito habang pilit na inilalapit ang mukha nito sa dalaga."Wa-wala, bakit ka nandito? Naluto na ba-" di na natuloy ang sana ay sasabihin ng dalaga ng biglang dumampi ang mainit na labi ni Brent sa mga labi nito. Naghalikan silang dalawa. Mainit na halik na mas lalo pang nagpainit sa temperatura ng tanghaling iyon.
Habang naghahalikan ay lasang lasa ni Georgina ang nilulutong dinuguan ng binata. Dahil dito ay nasagot na ang tanong niya kanina. Masarap ang lasa nun tulad ng mga labi ni Brent. Masarap na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa pakiramdam ng dalaga.Naglalakbay na ang kamay ng binata habang sinisiid parin ng halik si Georgina. Ganun na din ang ginagawa ni Georgina bilang ganti dito pero biglang huminto ang kanilang paniniid ng biglang tumunog ang cellphone ni Brent. Napahinto ang binata at tarantang bumaba sa kama, gulat naman si Georgina dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...