CHAPTER 12: Decision ☻

4.7K 133 5
                                    

 1 MONTH PASSED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 1 MONTH PASSED ... 



                               THIRD PERSON'S POV

    Nakayuko si Georg sa malaking mesa sa kusina, pagod ito mula paglilinis ng buong bahay. Di man siya inutusan ni Brent ay ginawa niya parin ito. Kaya naman ay naiwan siyang hapong hapo sa loob ng kusina. Iniisip ni Georgina ang napakaraming tumatakbong ideya sa kanyang utak. Di niya maitangging kahit na nagbago na si Brent sa pakikitungo sa kanya ay ganun nalang parin ang pagnanais niyang makatakas sa poder nito. 

Mula sa mainit na temperatura sa labas ay naging makulimlim ang buong kalangitan na di naglaon ay naging ulan. Bumaba naman sa ikalawang palapag ng bahay si Brent. Hawak hawak nito ang kanyang cellphone habang may kausap sa kabilang linya. 

Masaya si Brent sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Georgina. Di niya alam kong bakit pero napapangiti siya sa tuwing naiisip niya ang relasyon na namamagitan sa kanila ni Georgina.

"Ahhh... I'll probably be late, because of the rain," saad nito sa kausap na nasa kabilang linya.  Nakadamit pang lakad si Brent. Pupuntahan niya ngayong araw na ito ang kaibigang kanina ay kausap sa telepono. 

"Oo, sa dating tagpuan parin. Katulad ng dati, " saad nito habang nakangiti. Habang siya ay papunta kusina upang kumuha ng isang baso ng tubig ay napansin yan ang nakayukong si Georgina, tila pagod na pagod ito. Malalim ang mga hinga na parang nilalagnat. Nag aalalang lumapit si Brent at agad na hinawakan ito sa noo. 


Nakaramdam siya ng kaunting init mula dito kaya napagpasiyahan niyang putulin ang tawag. 

"Okay okay, I get it. see you," habang binababa ang tawag. Umupo si Brent sa tabi ni Georgina. Nag aalal ang mukha nito habang pinagmamasdang ang pagod at hapong hapo na dalaga. 

"Georg?" -bulong nito. Inaalis niya ang buhok na nakatabon sa mukha ng dalaga. Nang tuluyan na niya itong mahawi ay tumambad sa kanya ang natutulog na si Georgina. Ramdam ni Brent ang mga malalalim na paghinga nito. Halatang pagod ito sa paglilinis. Nakaramdam siya ng inis dahil sinabihan na niya ito dati na huwag ng maglinis sapagkat kaya naman niya itong gawin. 

"Itong babaeng talagang to. Sabi ng huwag na maglinis eh," saad ni Brent na may kaunting pagtatampo sa tono ng boses nito. Iniisip niya tuloy na di nalang tumuloy sa pagtatagpo nila ng kaibigan niya. 

"Ughhh..." daing ni Georgina. Nagising ito dahil sa mga haplos ni Brent sa kanyang mukha. 
Nagulat si Brent dahil sa biglang pagbukas ng mata ni Georg sa harapan niya. Kumurap kurap naman ang mata ni Georgina nagulat ito dahil nasa harapan niya ang nag aalalang mukha ni Brent. Iniisip tuloy niya na baka galit na naman ito sa kanya. 

"Sorry, dapat pala di na kita hinawakan, nagising ka tuloy. Bumalik ka na ulit sa pagtulog I know you need rest," saad ni Brent habang hinahaplos ang buhok ni Georgina. Para tuloy itong aso na pinapaamo ng amo niya. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon