WARNING: READ AT YOUR OWN RISKS! ANG SUSUNOD YUNG MABABASA AY RATED SPG! :)
(SEXUAL SCENE)
GEORGINA'S POV
Agad akong pumunta sa cr matapos kung marinig lahat ng masasamang sinabi ng mga tao sa paligid tungkol dun sa pagkakakandong ko kay Sean. Binuksan ko ang gripo at napaharap ako sa isang malaking salamin ng comfort room ng bar na ito.
Georgina, anong nagawa mo?
Itinapat ko ang aking dalawang kamay sa umaagos na tubig at nagsimulang maghilamos ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Masaya ba?"
Isang pamilyar na boses ang aking narinig, kung di ako nagkakamali ay boses iyon ni..
"Masaya bang maging asong olol na parang uhaw sa pagnanasa?"
Brent?"Pakikipaglandian sa isang playboy na katulad ni Sean sa harapan ko at ng ibang tao?"
"Brent? Anong pinagsasabi mo? Aksidente ang lahatt..Kalimutan mo nayun!"Di nya ako pinakinggan bagkus ay humarap siya sa salamin at inayus ang pagkakahawi ng kanyang buhok.
"Lumabas kana Ms.Famous!"
"Cr to ng babae, ano kaba lumabas ka na din kaya.."
"Everyone is acting so weird towards you, especially Brigette. I wonder why. Kahit na ganun sila sayu kanina. Wag mo nalang silang patulan, okay. "
Inabot ni Brent ang aking ulo upang ipalean ito sa kanyang dibdib.
"Dahil mamaya, babaguhin ko silang lahat.""Brent?"
Matapos niyang sabihin ni Brent ay wala na siyang iba pang sinabi sa akin. Kasunod ng paghalik niya sa noo ko ay ang paglabas naming dalawa at pinauna na niya akong pabalikin sa table.
Nang makarating na ako sa table ay bumungad agad sa akin ang naiiritang mukha ni Brigette.
"Asan si Brent?""Lalabas daw muna siya para magpahangin at magsigarilyo sandali."
"tskk"
Umupo na ako sa upuan ko kanina at yumukong muli.
"Hey Georgina, right?"
Tanong ng isang bagong saltang babae. Kasamahan ata to ni Brigette, pero wala naman to kanina nung bago ako umalis ng table.
"Ahh..ehh..oo.."
"Hindi ka ba malnourished o ano?"
"Hindi naman bakit?"
"HAHAHA Para ka kasing pulubi dun sa kanto kanina eh. Look your so thin.. May sakit ka ba?"
"Wala naman..."
Ang sumunod na pangyayari ay nagbulungan silang dalawa kasunod ng isang malakas na tawanan.
"Tingin ko di kapa nagkakanobyo?""Hah..ako? Ah.. e.."
"Kung meron man ay ginayuma mo siguro?"
"AHHAHAHA!!!"
Nagtawanan silang dalawa ganun na din sina Bobby at Sean.
Yumuko nalang ako dahil sa sobrang hiya. Bakit ako ganito? Di ko man lang kayang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila. Pero kahit gawin ko man ay talo parin ako sa kanila. Marami sila, nag iisa lang ako. Anong magagawa ng pagtatanggol ko sa sarili ko?"You know what, Ms. Flores... I don't think that you were Brent's type to be friends with...Napaka inosente mo at napakahina.. Lampa."
Dagdag pa ni Sean, habang may hawak na bote ng beer. Di ko maintindihan pero nasasaktan ako sa mga pinagsasabi nila. Pero kung alam lang nila. Mas kilala ko pa si Brent kaysa sa kanila, higit pa sa alam nila."Talaga Sean? Tingin mo inosente ang babaeng to?"
Nagtawanan ulit sila habang ako ay nakayuko lang sa aking kinauupuan. Nagtaka lamang ako ng bigla silang natahimik.
"Why is everyone so quiet? "
Napalingon ako at nakita ko si Brent na papalapit sa kinaroroonan namin.
"tapos na kayu kay Georgina? Ano may idadagdag pa kayu?"
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Gizem / GerilimRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...