ALEXANDER'S POV
"Di naman ako tumawag ng police ah... Anong hangin ang nagdala sayu dito police officer???"
Di ko akalaing babalik agad ang lalaking to. Tumingin ako sa aking relo at nalaman kong pasado 6:30 pm pa naman.
"I'm from the police."
"hmmm?"
"Oo pulis ako, nakacivilian lang ako ngayun pero police talaga ako."
Pinakita ko sa kanya ang aking lisensya."Okay, I get that, but why are you here?"
"There were reports of strange sounds coming from this house."
"hmmm..nag report ba kamo?"Lumingon siya sa kalsada, at sa buong paligid kasunod ng isang kaunting ngiti.
"Report huh? Sorry but I live by myself. "
"May narinig din kasi ako kaya inakala kung meron talagang kung ano sa loob ng bahay nato. May mga alaga ka bang pusa o ano man ?"
Kinamot niya ang batok at isang naiiritang ekspresyon ang ginanti niya sa akin.
"sighhh...wala.. Naiinis ako sa mga maiingay na bagay. Kita mo ngang dito ako sa lugar nato nakatira diba?"
"Ahhh..I see. Pero may narecieved kasi akong report, so I really have to check what's inside this house."
"Ganun ba?"
"Okay lang ba yun sayo?"
Di siya sumagot sa akin bagkus ay nagtungo siya sa harap ng pinto at binubuksan na niya ang security lock nito.
BRENT'S POV
Kainis na pulis to, bakit ba kasi dumating to sa bahay ko. At mukhang naghihinala pa.
Lumapit agad ako sa pintuan upang buksan ang security lock nito pero bago ko siya tuluyang papasukin ay kailangang malaman ni Georgina na kailangan niyang magtago.
"One....two...three....fourr."Nagsimula akong magbilang upang mabalaan ko si Georgina habang nasa loob.
"Five...six...seven..eight...nine..."
"Anong ginagawa mo? "
"Ten!"
"Hey, Mr.---"
"What? Bakit mali yung combination ko. Naku! naman. Wait lang po Police officer ha. Heehe malilimutin kasi ako. "Matapos kung masiguro na nakuha ni Georgina ang ibig kung sabihin ay agad ko ng pinindot ang tamang combination ng security lock.
"Okay! Ayun naalala ko na. Be my guest police officer."
Pinapauna ko siya sa pagpasok, napangiti ako dahil sumang ayon sa aking plano ang lahat.
Welcome sa bahay ko Police officer.
"BANGGGG!!!!"
"Oppssss... sorry... napalakas ko ata ang pagsara ng pinto."
XANDER'S POV
Nagulat ako sa malakas niyang pagkakasara ng pinto. Naiinis na talaga ako sa lalaking to.
Di ko alam kung ano klaseng laro ang gusto mo pero sisiguruhin kong ako ang mananalo sa larong to. At pagsisisihan mong pinapasok mo ako sa bahay mo.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...