CHAPTER 47: Past of the Stalker

2.3K 63 13
                                    

AUTHOR'S NOTE: 


I'm backk....from the HOSPITAL. Ang gandang regalo ng sakit kung ulcer. Thanks Lord~!

Hai mga labs. Ako to~ oo ~ ako to. 

Ang gwapong author niyo~ haha nahospital lang ako pero ako parin to. 

HAHAH 

Na miss ko kayu sobra. 

Congratulations pala sa atin RANKED NUMBER 34: Highest Rank Attained so far~

HAPPY BIRTHDAY TO ME~~!! 


08/20/17
<3 


THIRD PERSON'S POV


Magkaharap sina Georgina at Brent habang nakaupo. Pagitan lamang nila ang isang lamesang may nakapatong na cake na kanilang pinapatunaw mula sa sobrang pagyeyelo nito. Nakayuko ang dalaga habang maghawak ang dalawang kamay sa ilalim ng mesa. Si Brent naman ay pinaglalaruan ang icing ng cake na kanilang pinapalambot. Pinahid ni Brent ang kanyang hintuturo sa natutunaw na cake at..

"Tell me Georgina. Makikinig ako."
Brent said while licking his pointing finger with icing. 

"Ano-nong gu-gusto mung sabihin-"
Si Georgina habang nanginig at nakayuko pa rin. 

"I want you to tell me why you're always embarrassed at ano yung sinabi nung John tungkol sa uncle mo?"

Hindi sinagot ni Georgina bagkos ay nakipagtitigan lang ito sa binatang si Brent. 

"Ano pang hinihintay mo?! May mabigat ka bang rason kung bakit di mo sinasabi sa akin?"
Bahagyang tumaas ang tono ng boses ni Brent  dahilan upang mapaangat ng ulo si Georgina. 

"Maaga akong iniwan ng aking mga magulang kaya lumaki ako kasama ang lola ko, at ang aking tiyo ...."
May halong kaba ang nasa boses ng dalaga habang nagsasalaysay. 

"at nung bata pa ako madalas akong parusahan ni tiyo dahil sa pagiging lampa ko. Kaya minsan pumapasok ako ng school na umiiyak. Yun lang. Wa-wala ng iba."



"Hmmmm.."
Bahagyang napayuko si Brent at tiningnan ang nagsisimula ng matunaw na cake bago ito muling umangat. 


"Georgina."


"Bre-"


"Do I look stupid to you?"
Habang diretsong nakatingin sa mata ni Georgina. 

"Hi-hindi! Hindi ko-"

"But people lie to those persons they think stupid and idiots. Do you think I'm idiot?"

Seryosong tugon ni Brent. 

"Hindi naman ako stupid o idiot, so there must  be a reason kung bakit ka nagsisinungaling sa akin ngayun, Georgina. At gusto kung marining mula sa mga bibig mo ngayun ang rason na yun."
Diretsong nakatingin si Brent kay Georgina na halatang may malalim na iniisip. 

"Alam mo bang ayaw kung pinagmumukha akong stupido at mas lalong ayaw ko ng mga taong sinungaling."

"...ahhh.."
Nauutal na pasimula ni Georgina. 

"Hmmm?"

"Ahh--akala ko- wa-wala na akong magagawa. Kaya wala akong gi-nawa."
Napasalubong ang kilay ni Brent sa kanyang narinig mula sa dalaga. 

"Ako'y isang babaeng mahina, payat at wala akong kalaban laban. Wala akong ginawa kasi wa-wala akong magawa."
Salaysay ng dalaga habang nakayuko at nanginginig. 

"Huh? Di kita maintindihan. Ano ba yang mga salaysay mo hindi specific! Dapat sabihin mo sa akin kung sino, ano, saan, at kailan. Di kita maintindihan."

Naiiritang sabi ni Brent habang tinuturo kay Georgina ang napakatalim na kutsilyo. 

"Ano nga bang meron kayu ng uncle mo? Bat parang itinatago mo ito sa akin?"

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon