CHAPTER 43: Discovering

2.3K 61 8
                                    

ALEXANDER'S POV


Unti unti nang naging malinaw sa akin ang lahat. Maaring may kinalaman ang lalaking yun sa kaso ng nawawalang dalaga. Maaring siya ang mamatay tao. Pero wala pa akong sapat na katibayang magpapatunay na siya ang tao sa likod ng sunod sunod na pagkawala ng isang matandang babae at ngayon naman ay isang dalaga. 

"Ano na namang iniisip mo? "

Tanong ni PO1 Kim sa akin.

"Wala!" 
sagot ko habang bumabalik na sa desk ko. Hawak ko ngayun ang ilan sa mga impormasyon tungkol kay Brent Lorenzo. Dapat malaman ito ng detective na may hawak sa kaso ng nawawalang dalagang si Brigette Rivera at sa isang matandang babaeng nawawala kamakailan lang. Pero duda ako sa maaring tunguhan ng binabalak ko dahil ang detective police na may hawak ng kasong iyon ay walang iba kundi si Ricardo. 

"Hayyy!!"
Napasabunot ako sa ulo ko habang iniisip kong paano ko sasabihin sa police na yun ang natuklasan ko malamang ay pagtatawanan na naman ako nun at iniisiping gusto ko talagang maging magaling na detective police na katulad niya. 


"Hayyy!! Oras na para mag patrol."
Rinig kung sambit ni Ricardo habang papalapit ako sa kanyang desk. 

Inabot ko sa kanyang ang iilan sa mga impormasyong nakuha ko mula sa mga barkada ng nawawalang dalaga kasali na ang tungkol kya Brent Lorenzo. 

"Ano yan? Porn??"

"Ito ang mga impormasyon na kailangan mo tungkol sa kaso ng nawawalang si Brigette kabilang na ang isa pang lalaking hindi nasabi sayu ng mga barkada niya. Kasama niya din ang lalaking niyan ng mga oras na yun. "

Tinanggap niya ito at binasa. 

"Brent Santos Lorenzo??"

Walang ka abog abog niya itong binasa kasunod ng malakas na pagpunit nito sa harapan ko mismo. Naikuyom ko nalang ang kamay ko dahil sa ginawa niya. Takte naman oh! 

"Kailangan ko lang ang mga statements ng mga taong kasama ng biktima hanggang sa oras na umalis siya. Hindi na kailangan pang tanungin ang mga taong wala na dyan bago pa siya mawala. Bakit PO1 SUAREZ kailangan pa ba?"

Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya sa desk niya. 

"Pero paano natin malalamang inosente ang lalaking yan? Paano mo masisigurong hindi siya ang-"
Nakatalikod na siya ng bigla siyang humarap sa akin at diritsong nakatingin sa mga mata ko. 

"Teka nga ? Sino ba ang may hawak ng kasong to? Diba ako? "
Mas lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko. Na para bang sobrang yabang na talga niyang tingnan. Anak ng tinapa sarap sapakin ng gagong to ee. 

"Tingin mo magaling ka sa akin?? "
Umiling lang ako bilang tugon at bahagyang napayuko pero sa kaloob looban ko gusto ko na siyang sagutin ng oo mas magaling pa ako sayung damuho ka. 

"Bigyan mo lang ako ng oras PO1 Suarez sisiguraduhin ko sayung mareresolba ko ang kasong to. Isa pa meron na kaming lead sa kung sino man ang ang may gawa ng krimen. Ang pangalan niya ay Abel Vallente."
Bigla niyang nilapit ang bibig niya sa tenga ko na wari'y may ibubulong.

"Nag labas na din kami ng warrant of arrest sa lalaking yun. Kaya wag kanang mag alala pa. Tinawagan namin lahat ng mga taong nakasama ng biktima bago siya mawala at tanging ang Vallente lang na yun ang hindi makontak. Kaya isa na siya sa mga nasa listahan namin. Kaya ikaw mind you own business from now on! Just focus on the case your handling..."
Bahagyang pasigaw ang pagkakabigkas niya sa mga huling salita. Kaagad na din siyang lumayo sa akin at tumalikod. 

"Mali ka R-!"

"ANOOO!!!!??"

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa bigla niyang pagsigaw. At sa kanyang pagsigaw  ay tumalsik ang ilang laway niya sa damit ko. Nakakadiri!

"Wala..wala akong sinabi.."


Napatahimik nalang ako habang tanaw ang paglabas ni Ricardo sa station namin. 
Alam ko sa sariling kung maaring ang Brent na yun ay isang criminal. Sa kabila ng maamo niyang mukha, ang kanyang pagkatao ay puno ng misteryo, ang pagkamatay ng kanyang mga magulang, ang pagkawala nang kutsilyo nung minsan akong pumunta sa bahay niya, at ang paang nakita ko. 

"Sorry pero mag isa lang akong nakatira sa bahay nato."
Naalala kong sabi niya pero kaninu ang  mahabang itim na buhok ang nakita kong nakapulopot sa mga paa ko. Di kaya ang taong yunn...

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon