ALEXANDER'S POV
"Anong meron sa mga ngiting yan officer?"
Tanong ni Officer Kim sa akin. Di ko kasi maiwasang mapangiti dahil sa buong konklusyon sa aking isipan.
"Ayun sa investigation ni Officer Ricardo na ang suspect ay di na umuuwi sa bahay niya sa loob ng isang buwan.Alam mo kung bakit?"
Napataas ng kilay si Kim, dahil sa aking tanong.
"Bakit?"
"Dahil isa rin siyang biktima."
Seryoso kung saad sa nalilitong Kim.
"Ang lalaking sinasabing suspect ni Ricardo ay maari ring isang biktima. Which means iisa lamang ang taong gumagawa ng krimen."
Napatingin ako kay Kim at wari'y nag iisip din siya.
"At sa tingin ko ginamit ng totoong suspect ang cellphone ng Vallenteng yun, para tawagan ang biktimang si Brigette, at nung nasa tamang lugar na sila dun niya pinatay ang dalaga. Ang dahilan kung bakit ganun nalang niyang kadali na papunta ang dalaga sa tamang lugar na iyon ay dahil.... "
"Dahil?"
Taas kilay na tanong ni Kim sa akin.
"Kaibigan ng biktima ang kriminal. Hindi ito isang ordinaryong kaso ng pagkawala lamang. Ang parehong biktimang si Abel Vallente at Brigette Rivera ay pinatay ng iisang tao lamang na nagkataong pareho nilang kilala."
"HAHAHHAHA!!! Ang galing mo naman pala labs Alex!"
Si Kim na tuwang tuwa habang may palakpak pang nalalaman. Teka anong sabi niya labs?
"CLAP!!"
"CLAP!!"
"CLAP!!"
"Tama nga ang sinabi ni Officer Ricardo sayu labs Alex, magaling ka nga talaga gumawa ng kwento."
Pinagsalubong ko lang ang kilay ko bilang sagot sa sinabi niya.
"Oppss!! Sorry officer, if I called you labs, di ko lang maiwasan. HAHAHA!"
"Hmmm?!"
"Isa pa officer, ang suspect na iyan ay sinasabing baklang minsan ng nakaalitan ng biktima. Ibig sabihin malaki ang posibilidad na siya talaga ang dahilan ng pagkawala ng Brigette Rivera na yun."
"Bak-kla?"
"Oo, bakla. Bading..Gayy..Ngayon kung tapos ka na diyan officer pwedeng umalis ka na diyan sa desk ni Officer Ricardo at baka madamay pa ako sa ginagawa mung yan. "Hinila niya ako patayo at mabilis na chinutdown ang laptop.
"Sigurado akong mabebeast mode ang panot na police na yun kapag nakita ka nyang nakikialam sa mga gamit niya."Sa pagkarinig ko dito ay agad akong naglakad papunta sa desk ko.
"HOYYY!! WAG MUNG KALIMUTAN YUNG DATE NATIN HA. MAGHAHANDA AKO!"
sigaw ni Kim sa akin. Anak ng tinapa! Napasubo yata ako. Hayyyy!! Napaface palm nalang ako sa aking narinig. Tumango nalang ako bilang tugon at nagpatuloy na sa paglalakad sa desk.
Umupo ako at napabuntong hininga.
Matapos kung makita ang laman ng investigasyon ni Dalisay, ay mas naguluhan ako. Maaring wala talagang koneksyon sa pagitan ni Brent Lorenzo at Abel Vallente.
Bakla? Alitan?
Napakahirap itugma ang mga impormasyon. Wala ba talaga silang koneksyon?
Teka, hindi kaya?
Isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Agad akung tumayo at muling nagtungo sa desk ni Ricardo at saktong wala na ang makulit na si Kim at hindi pa rin dumarating si Ricardo. Naghanap ako sa mga files na nasa desk ng panot na pulis.
"Gotcha!"
Ang address ni Abel Vallente. Kung tama ang mga nasa isip ko. Maaring tama rin aking mga hinala. Mayroon koneksyon ang aking pinaghihinalaang suspect at ang mga biktima.
"Gagasulinahan ko lang yung patrol car!"
sigaw ko sa kumakaing si Ricardo.
"sige..."
Tugon nito. Kailangan kung patunayan ang mga namumuong ideya sa aking isipan. Di ko man hawak ang kasong to pero nararamdaman kung meron akong magagawa. GAmit ang patrol car ay mabilis akong nagtungo sa address ng sinasabi nilang suspect. Kumatok ako at isang babaeng nasa mid 30's ang nagbukas ng pinto may mga pasa pa siya sa mukha, bugbog at mga sugat.
"Ano yun?"
"Dito po ba nakatira si Abel Vallente?"
"Oo, dito bakit po sir?"
"Maari niyo po bang sabihin sa akin kung nasaan ang inyong anak?"
"Nakuh sir! Matagal ko na rin pong hinahanap ang aking anak. Mag iisang buwan na at di pa rin siya bumabalik. Pero di narin ako magtataka kung di na bumalik yun."
"Bakit po?"
"Bugbog sarado siya ng kanyang ama, at ...."
Kwenento niya lahat sa akin. Ang pagmamaltrato ng kanyang asawa sa kanya at sa anak nitong si Abel. At tama ang sinabi ni Kim kanina bakla nga daw talaga ito. Isa rin ito sa dahilan kung bakit malayo ang loob ng ama nito sa kanya.
"Yun lamang ang masasabi ko sayu police officer...maiwan na kita."
"Mrs. maari ko po kayung tulungan sa sitwasyon niyo..."
"salamat nalang po sir, pero.."
"Mrs...."
"Bingi ka ba sir?!! Sabi ko hindi ko na kailangan ng tulong mo o nino man makakaalis kana!"
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...