CHAPTER 15: Rain

3.8K 113 12
                                    


GEORGINA'S POV


  "strumming my pain with his fingers" 


Nanlaki ang aking mata sa aking natatanaw ngayon. Si Brent nasa labas lang pala siya habang naninigarilyo at nakikinig ng musika gamit ang kanyang cellphone.
Mula sa untin unting pagkawala ng aking kaba at pagpapawis ay nagbabalik na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. 

Teka bakit andito pa siya? 


Hinintay niya ba akong lumabas? 

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Di ko aakalaing di pa pala siya umaalis. Paano nangyari ito? 

At ang kantang yun. Ang kantang lagi niyang pinapakinggan. Ang kantang nangangahulugan ng kanyang presensya. Dahan dahan akong napaatras habang dahan dahang sinasara muli ang pintuan umaasang di niya narinig ang pagbukas nito. 



 "Killing me softly with his song"


"Killing me softly with his song"

"Telling my whole life with his words"


"Killing me softly with his song"  


Pero huli na ang lahat dahil napalingon na siya sa akin habang nakataas ang isang kilay. May halong pagtataka sa kanyang expresiyon. Pagtataka kung paano akong napunta sa labas ng pintuan. Nakaupo parin ako sa sahig. 


"Brennttt!!?"

Naibulong ko habang nasa likuran ako ng lalaking nais kung takasan. 
Napalingon si Brent sa akin, blangko ang expression ng kanyang mukha. 

"Brentt..I'll expl..."



Ngunit di ko na natapos ang nais kung sabihin ng bigla siyang tumayo.


"Ang galing mo palang umarte, Georgina Flores noh!? Kita mo yun muntik mo na akong mapaniwala."

"B-brent?"


"Palapakan mo naman ang sarili mo, napakagaling mong artista."

Ngumiti siya ng marahan.





"I LIKE YOU, BRENT!!!"


"MAHAL KITA, BRENT!!!"


"LAHAT GAGAWIN KO PARA SAYO!!"


"PUT*NGA!!!!! MALAPIT NA AKONG MANIWALA SA MGA SALITANG YUN, GEORGINA!!!!"

Sunod sunod na mga pasaring ni Brent sa akin. Galit na siya sa akin. 

"HINDI YAN TOTOO BREN-T MAHAL TALA--"
Di ko na ulit natapos ang aking sasabihin, dahil nakita ko nanaman sa mukha niya ang blankong expression.  Kaya naman ay gumapang ako sa paanan. Hinawakan ko ang sapatos niya. 

"Pakiusap Brent! Hayaan mo akong  mabuhay! Kahit sa huling pagkakataon, patawarin mo ako Brent!"

Naramdaman ko ang isang bugso ng damdamin sa aking kalooblooban, ang bigat sa pakiramdam feeling ko ay sasabog na ako, ang mga butil ng tubig mula sa aking mga mata ay nag uunahan na namang lumabas mula dito, di ko na alam ang aking gagawin.


"Brent Pleasee.. PATAWARIN MO AKO BRENT!!!! PLEASSEEEE!!!"

"Stop it, How many times are you going to say "Please?""


"Breentt..."

"Lagi mo nalang sinasabi ang salitang yan at nagiging habit mo na yan.

Di ko alam kong ano ang paniniwalaan ko Georgina, di ko matukoy ang totoo sa kasinungalingan."

Si Brent na nakayuko na.


"ANG LAKAS NG ULAN!!! NAKAKAINIS!!!"


Nakalabas na din ako sa wakas perooo bakit di ko matukoy kong ano ang tamang pakiramdam na dapat kong maramdaman sa mga oras nato. 


Gusto ko ng umalis, I want to go home. 


"GUSTO KO NG UMUWI!!!!"


"hmm..." 


"AALIS NA AKO SA BAHAY NATO."

Kaya naman ay pinilit ko ang aking sariling gumapang, at nakalampas nga ako kay subalit bago ko pa mapansin ay nasa hagdaanan na pala ako. NAdulas ang aking kanang kamay kasabay dahilan upang dumiritso ang aking katawan papunta sa gate. 


"Ughhh!!! Nakakairitang babaeng to."
Lumapit si Brent sa aking kinaroroonan. 

"Anong ginagawa mo?"


Sobrang lakas parin ng buhos ng ulan. Ngunit di ko ito ininda maging ang presensya ni brent, at nagpatuloy pa rin ako sa aking pagapang papunta sa gate. 

"Hmmm?"
Si Brent na may halong pagtataka sa mukha. Ang mas lalong nagpagulat pa sa akin ay ang buong puso niyang pagbukas sa gate ng kanyang bahay. 
Anong ginagawa niya? Gusto niya na ba akong paalisin sa bahay niya? 

"tsskkkk!!"


Nagpatuloy lang ako sa aking pagapang hanggang sa makarating ako sa gitna ng daan. 


"ILIGTAS NIYO KO!!!"


"PLEASE!!!"


"MAY NAKAKARINIG BA SAKIN DITO!! TULONGAN NIYO KO!!!"


"TULONGGGGGGGG...!!!"


"Ah okay... I get your point Georgina!"
Napalingon ako kay Brent, at patakbo syang lumapit sa akin. 

"ILIGTAS NIYO ANG BABAENG TO!!!"



"TULUNGAN NIYO SIYA!!!"


"NAGMAMAKAAWA AKO SA INYO TULUNGAN NIYO SIYAAAAA..."


"PLEASE!!"

Anong ginagawa niya? 

"Kailangan mo pang lakasan Georgina, walang makakarinig sayu nyan."

"ILIGTAS NIYO. KOOOOOOO...PARANG AWA NIYO NA!!"

"Ganyan niya sige paaaa Georgina!!"

Yumuko si Brent upang maglapit ang aming mga mukha at ngumiti na naman siya ng marahan. 

"Tingin mo may makakarinig sayo? Ang tanging maririnig lang nila ay ang ulan."

Hinawakan niya ang aking buhok, at pinatingala ako.

"LAKASAN MO PA!!!"


"TULONGAN NIYO KOOO!!!"
Naghahalo na ang aking luha sa ulan. Ang sakit sobrang sakit! 
Wala ba talagang tutulong sa akin?


"SAVE ME!"

"HA..."


"ILIGTAS NIYO KO!!"


"TULONGGG..!!"

Sunod sunod kung sigaw habang nasa gitna ng daan. Dama ko ang lamig ng panahon, ang bawat patak ng ulan sa aking balat, ang sakit sa aking puso, at ang aking pagnanais na makaalis sa poder ni Brent. Ramdam ko ring namamaga na ang aking mata sa kakaiyak maging ang aking boses ay unti unti ng nawawala dahil sa aking pagsigaw.

"Tapos kana ba Georgina?"

Lumapit si Brent sa akin at bigla akong binuhat.

"Let's go home, ipagtitimpla kita ng tea, okay?"







She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon