CHAPTER 2: Bloody Body✔

6.4K 196 12
                                    

"AHHHHHHHH!!! " napasigaw ako dahil sa naapakan kong maitim na pusa, dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Agad namang umalis ang pusa. Dumaan ito sa bintana ng bahay. 

Nagpatuloy ako sa pamamasyal sa loob ng bahay ni Brent. 

Inamoy ko din ang buong paligid. Ang bango! Ganito pala ang amoy ng isang malinis na bahay. Nagsimula ng libutin ang bahay. Pero kailangan ko lang bilisan at baka bumalik na si Brent. At baka mahuli niya pa ako. 

Napatingin ako sa isang hagdanan aakyat na sana ako pero napansin ko ang isang pintuan. Kaya naman ay napagpasyahan ko na munang unahin ang kwartong iyon. Dahan dahan kung binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang kama. May mga maduduming damit sa gilid nito. Meron pang underwear na nakasabit sa basket na lagayan ng maduduming damit. 

Napangiti nalang ako sa isang ideyang biglang pumasok sa isip ko. 

Lumapit ako sa lagyanan ng damit ang kinuha iyon akin itong inamoy at parang mababaliw ako sa sensasyong dulot nito sa aking buong sistema. 

"Ughhhh! " singhot ko. 

 Di ako maaring magkamali kwarto ito ni Brent. 

.Sobrang saya ko!

"AHAHHAHA" 

 totoo ba ito? 

Mabilis akong humilata sa kamang iyon. Inamoy ko ang kumot habang hawak hawak parin ang underwear ni Brent. Kinuha ko ang unan. Ipinatong ko ito sa aking katawan at niyakap ng mahigpit. 

"Ughhhh Brent! Sige pa! Ugh!" 

Amoy na amoy ni Brent. Ang bango! Di pa ako nakontento at kumuha pa ako ng ilan sa mga maduming damit niya na nasa isang sisidlan at inamoy ko din ito. 
Nagpagulong gulong ako sa kutsong iyon. Minsan lang ako naging masaya ng ganito. Ang saya ko, sobrang saya. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya. 


Ohw Brent! Ikaw nalang talaga ang kasiyahan ng isang tulad ko. Ikaw nalang ang tanging nagpapangiti sa akin. Ikaw nalang!


Wala ng iba!


"Ang bango!" 

"Nasa langit na ba ako? "

Mababaliw na ata ako. 

Nandito ako ngayon sa bahay ng lalaking mahal ko. 

Ang saya, akala ko panaginip lang ang lahat. 


"OHW...NO!! wag dyan Brent, may kiliti ako dyan... ughhhh.. shii"nagpagulong gulong ako sa kutson ni Brent habang inaamoy ang kanyang damit. 

Napahinto ako sa aking ginagawa ng bigla kong mapansin ang isang malaking closet. Nadagdagan pa ito ng biglang may kakaiba akong narinig na tunog. Tunog na nagmumula sa kusina ng bahay ni Brent. Nagtaka ako kasi wala naman yun kanina. 

Naglakad agad ako palapit sa kinaroroonan ng tunog. 

"Uh" daing ko ng di ko mahagilap ang celphone ko sa aking bulsa. Medyo madilim kasi kaya kailangan ko ng flashlight nito. 

Asan na kaya yun! 

Hindi kaya! Nahulog yun nung nabagsak ako sa sahig kanina! 
Inikot ko ang paningin ko pero di ko mahagilap ang cellphone ko. 

"Ahhhh!" napasigaw ako dahil sa dagang biglang tumalon sa harap ko. Di paman ako nakakahinga ng maluwag ay mayroon na naman akong tunog na narinig. Nagmumula ito sa isang malaki at lumang kabinet na nasa ilalim ng kubeta.

"UGH... SHHRRKK"

Ano kaya yung nasa loob ng kabinet na yun ? Sobrang pagtatakang tanong ng aking isip. Kaya naman ay naglakad ako papalapit sa naturang kabinet.

Lakas loob ko ito binuksan at lubhang lumaki ang aking mata sa aking nakita.
Di ako makapaniwala sa aking nasasaksihan.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" napaatras ako ng bahagya habang pinipigilan ko ang aking pagkagulat.

" A- A-hhh...AHHHHHHHHH!!!"

"Ugh.mmmmffffff...." , isang agaw buhay na babaeng hubot hubad ang nasa aking harapan. Nakabusal ang mga bibig nito habang may tali ang mga paa at kamay. Sugatan ito at ang daming pasa sa buong katawan. Nahihirapan at pilit na kumakawala sa pagkakatali. Nakatingin siya sa akin habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Palingon lingon siya na di ko maintindihan.

Pamilyar ang kanyang mukha. Maaring nakita ko na siya kung saan. Pero di ko maalala.

Nanginig ang aking buong kalamnan sa aking nakita. Anong ibig sabihin... nito?

Si Brent ay?

"Sino ka?"

Napalingon ako dahil sa boses na nagmumula sa aking likuran. Ganun nalang ang paglaki ng aking mata sa aking natutunghayan.

"Bren..ttt?"

May hawak itong baseball bat kanang kamay  habang pinapaikot ang cellphone ko sa kaliwang kamay niya habang may nanlilisik na mga mata.


"Ito ba ang hinahanap mo kanina?!" 


Ramdam ko ang kanyang galit. Bigla niyang inangat ang dala niyang bat.
Kasabay nito ay ang paglabo ng aking mga mata. Ramdam ko ang pagbagsak ko sa sahig kasabay ng pag agos ng aking mga luha.

Si Brent? Siya ayy....

Hindi maari.

"MALIGAYANG PAGDATING SA BAHAY KO!" ang huling mga salitang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. 


She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon