GEORGINA'S POV
Nandito na naman ako sa loob ng basement nakagapos gamit ang isang mahabang kadina na naka lock sa posteng matatagpuan sa loob ng basement. Kung meron man akong taong kilalang napakahirap maunawaan at mapredict ang pag uugali yun ay walang iba kundi si Brent.
Di ko siya maintindihan, di ko siya maunawaan.
Wala na akong nagawa kundi ang bumaloktot sa isang sulok ng basement dahil sa aking nararamdamang lamig.
Ipipikit ko na sana ang aking mata upang matulog ng marinig ko ang paghinto ng isang sasakyan sa harapan ng bahay. Marahil ay si Brent na yun. Lumipas ang ilang minuto ay narinig ko na ang mga yabag ng paa papunta sa basement.
Nagkunwari akong tulog sa kanyang pagdating.
"Hmmm??"
"Asan na yun?"
"Ah, andyan ka lang pala."
"Tulog ka? Pagud ka ba? Okay ka lang?"
Lumapit siya sa akin, naupo sa aking harapan at sinalat ang aking noo at leeg."Di ka naman nilalagnat ah. Siguro ay giniginaw ka lang."
Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng isang mainit na bagay sa aking katawan . Dumilat ako at nalaman kung jacket niya pala iyun. Sumilay kaagad sa akin ang napakagwapong mukha ni Brent. Nakangiti ito at makikita mo sa mukha niya ang kasiyahan."Buti naman at gising kana."
Mula sa pagkakahiga ay inalalayan niya akong maupo.
"I brought you a present. Di ako sigurado kung magugustuhan mo ba to o hindi. Pero sana magustuhan mo."
"A garbage bag..?"
"Ah...hehe..wag ka mag-aalala di yan basura o kung ano man. Basta di yan basura.."
Habang nakangiting kamot kamot pa ang noo.
"Ito ang una mong regalo, mula sa akin."
Dahan dahan niyang binaliktad ang dalang garbage bag at nalaglag sa harap ko ang mga pamilyar na gamit.
"Kinuha ko yan galing sa boarding house mo, pero dinala ko lang yung mga bagay na mapapakinabangan mo pa."
Tumambad sa aking harapang ang aking mga damit, underwears, at iba pa."Especially this two stuffs."
Nagulat nalang ako sa aking nakitang bagay na hawak niya.
"This!"
Hawak hawak niya ngayun ang malaking poster ng litrato niya habang naka topless lantad ang kanyang katawan na pinag ipunan ko pa para maprint at ang damit niyang ninakaw ko nung minsan silang naglaro ng baseball sinadya ko tlagang nakawin kasi alam kong amoy pawis niya yun.
Biglang uminit ang aking tenga at pesnge. Nahihiya ako dahil sa kanyang mga natuklasan. Nakakahiya!
"Itong dalawa ata talaga yung pinaka kailangan mo noon eh.. pero tingin ko di na ngayun..yung amoy ng damit nato...nawala na ata yung amoy ng pawis ko. Siguro ay pinapapantasyahan mo ako no.."
"Akin na nga yan! Bakit mo ba kinuha yan."
"HAHAH.. Di mo na naman kailangan to ah.. nandito na ko uh. Why settle for a poster if you can have the real one. The real one that can respond to all your fantasies."
"Ano ba..di..Bre-nt akin na nga ---yann... "Pilit kung inabot ang dala niyang damit pero itinaas niya lang ito. Ngayun ay nagkalapit ang aming mga mukha.
"Anong pakiramdam Georgina?"
Biglang sumeryuso ang kanyang mga ngiti."huh?"
"Na ang dating pangarap at pinagpapantasyahan mo noon..abot kamay mo na ngayun?"
"It's not what you..."
"Shhhhhhh..." - biglang nilagay ni Brent ang kanyang hintuturo sa aking labi dahilan upang di ko maituloy ang aking sasabihin.
"Tumahimik ka na di mo na kailangang mag explain..basta masaya akong andito ka sa aking tabi. Akala mo itong dalawa lang ang dala ko para sayu."
Bigla siyang tumayo at bahagyang ginulo ang aking buhok, lumabas at may kinuha sa sala.
"DUNN...DUN...DUNNN...TADAN.."
"Brent?"
"Hulaan mo nga kung ano to?"
"Tingin mo Georg, ano kaya to."Napalingon ako sa pintuan ng basement. Mayroong nakasilip na isang bagay.
"Hoy! sumagot ka naman diyan."
Di ko na magawang sumagot dahil sa bugso ng damdaming aking nararamdaman ngayun. DAhil ba ito sa bagay na dala ni Brent para sa akin o dahil sa mga nasabi nya sa akin kanina?
"Ito ah..pasisilipin ko pa siya ng mabuti. Yan alam mo na kung ano siya?"
Tama nga ako sa aking hula, ang bagay na yun.. yun nga.Ngayun ay may ilang butil na ng tubig na nagmumula sa aking mata ang nag uunahan.
"Umiiyak ka na ba dyan? Hey Georg?"
"Cru--crut-ches.. Crutches?"
"Bingo!"
At inuluwa ng pintuan si Brent nakangiting hawak ang dalawang bagong crushes na kulay itim ang handle. Di ako makapaniwala si Brent? si Brent ba talaga to?
"Lalabas tayo..at gagamitin mo to. "
Habang nakangiti parin, parang ang saya saya nya at ganun din ako.
Tinanggal niya ang kadena sa aking paa. Itinayo niya ako mula sa pagkakaupo sa sahig at binuhat. Lumabas kami ng basement tas pinatong niya ako sa lamesa ng kusina habang hawak hawak ko ang dala niyang bagong crutches. Nasa harapan ko siya ngayun nakaalalay sa aking pagbaba mula sa lamesa.
"Wag kang mag-alala aalalayan kita. Just relax okay."Dahan dahan na akong bumababa mula sa lamesa ng bigla kung mabitawan ang dalawang crutches dahilan para ma out of balance ako at mapakapit ako sa mga bisig ni Brent.
"AHHHHHH!!!"
"HAHAHAH"
Napapikit nalang ako at ng dumilat ako ay nasa harapan ko na ang nakatawang mukha ni Brent. Ang saya niya. Ang saya nyang tingnan.
"Natatakot ako."
Ako habang nakakapit parin sa kanyang mga bisig."Talking 'bout overreacting... ikaw ha.. tsinashansihangan mo na ako.. matagal tagal na yang bali mo sa paa ahh. dapat okay ka na ngayon."
Dahan dahan niya akong pinasan pabalik ulit sa lamesa at pinulot ang dalawang crutches na nasa sahig. Ibinigay niya sa akin ang dalawang crutches at tumalikod.
"ARGGHH! Nakakainis ka naman e. Dito nalang tayo sa bahay. Di na tayo aalis."
"Ahh.. Bren.."
"Nagpagod ako para dito, para sayo tas wala man lang akong natanggap bilang kapalit.Kahit man lang ang na magkunwari kang sinusubukan mo at nag effort kang matutong mag crutches."
"Bre.."
"Tangina...sige bahala ka na sa buhay mo, magslide at gumapang ka nalang sa buong bahay nato..wala na akong pakialam sayu.""BRENT...WAGGG...SUSUBUKAN KO NA."
Maiyak iyak kung sabi.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...