GEORGINA'S POV
"Don't make me repeat myself. It's not huh? Wag mong sabihing di ka nakakaintindi ng English?"
"Narinig mo ko diba?"
"Kainin mo."
"Para naman pareho na tayung nakangiti sa isa't isa."
Isang napakatahimik na paligid ang aking kinaroroonan ngayun, kaharap ang isang taong aking minamahal at pinagtangkaan kong patayin. Rinig rinig ko ang tibok ng aking puso maliban sa ingay na nagmumula ng mga kuliglig sa labas..
Nakatingin siya sa akin, ang kanyang mga titig ay may ibig sabihin. Alam kaya nya?
Nakita nya kaya ako? Ito na ba ang aking katapusan?Anong dapat kung gawin?
Kung sasabihin ko sa kanya, papatawarin nya kaya ako?
Dahan dahan ko ng kinuha ang kutsara na nasa aking harapan at sinimulan ko ng paghaluin ang kanin sa sabaw ng aking nilutong sinigang.
Kung malalaman niyang hindi ko lang sinusubukang tumatakas pero sinubukan ko rin siyang lasunin...
Patayin niya kaya ako, putulin ang mga daliri ko, o di kayay...
Gil.itan nya ang leeg ko..
Pero mas okay na ring mamatay ako dahil sa lason, kaysa sa mamatay ako dahil sa sobrang sakit na aking mararanasan sa kamay ng lalaking aking minamahal ng palihim, tama?.
Hindi ko alam..
Hindi ko alam ...
Pero di ko namagawang itulak pa ang kutsara na nasa aking bibig, upang maiwan ang pagkain sa aking bibig.
Tama!
Kung hindi ko ito ngunguyain.Marahil ay..makaligtas ako.
Ang kailangan ko lang gawin ay ang hindi nguyain at lunukin ang pagkaing nasa bibig ko ngayon."Di ba sabi ko sayu ngumiti ka, kapag nasa harapan mo ako."
Hinawakang bigla ni Brent ang mukha ko. Nakangiti siyang nakaharap sa akin.
"Pero kuha ko na ngayun. Hindi na ikokoble ng mga ngiti ang tunay mong nararamdaman."
Bumaba ang kanyang mga kamay papunta sa aking leeg at bigla nya itong dahan dahang minamasahi dahilan upang malunok ko ang pagkaing kanina ay pinipigilan kong malunok."GULP!"
Namilog ang aking mata dahil sa ginawa ni Brent. Ramdam ko ang pagbaba ng pagkain mula sa aking bibig papunta sa aking lalamunan. Napahawak ako sa aking leeg kasabay ng pagsulyap ko ng tingin kay Brent. Nakangiti pa rin siya, ngiti ng tagumpay. Hindi maari, ito na ba ang aking katapusan?
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...