CHAPTER 20: Culprit

3.4K 91 8
                                    

GEORGINA'S POV


Bakit ganun ? 

Bakit naalala ko ang nakaraan? 

Ang mga panahon na umibig ako ? 

Ang panahon may minahal ako? 

Siya ring panahon kung kailan una akong pinagtaksilan.

Pero hindi. 

Hindi ko gustong maalala ang lahat, ang nakaraan. 

"Bumunot kana!"

singhal sa akin ng matandang babae sa aking harapan habang hawak ang dalawang natitirang baraha sa mga kamay niya.

Brent? Ano na, anong susunod kung pipiliin?

Tumingin ako kay Brent at nakita ko ang dahan dahan niyang pagsinyas sa akin ng posisyon ng barahang dapat kong bunutin mula sa kamay ng matanda. 

Hindi!

Hindi, Georgina! Wag mong isipin ang nakaraan. Magtiwala ka kay Brent. 

Oo, tama.... okay na ako.. ako na ang bahala sa aking sarili. Di ko na hahayaang mangyari ang nakaraan.

Kung saan, una akong natiwala. 

Una rin akong pinagtaksilan. 

Brent told me to pick the left one..

Inangat ko ng dahan dahan ang aking kamay ... 

Oo, tama...ito na nga siguro...

"I'm sorry Brent!"

Bulong ko sa aking sarili kasabay ng pagbunot ng barahang nasa kanang kamay ng matanda. 
Patawarin mo ako Brent, pero sa pagkakataong ito hindi ko na hahayaang mapagtaksilan ulit ako. 

Hindi! 

Sumilay ako sa mukha ng matanda at nakita kong malungkot ang kanyang mukha. Titingnan ko na sana ang nabunot kong baraha ng biglang...

"Phew!"

Teka? Bakit siya nakangiti? 

Mula sa malungkot na mukha ay naging masayang mukha na ngayon ang nasa aking harapan. Isang mukhang may ngiting tagumpay.

Hindi kaya?

"Pfffttttt....hayssstt..." 

Tiningnan ko si Brent pero nakayuko lamang siya habang pinipigilan ang pagtawa at nakasabunot pa sa kanyang buhok. Tumingin ako sa aking barahang nabunot.
Nanlaki ang aking mata sa aking nakita. 

"Hindi maari!"

Nasa kamay ko ngayun ang joker. Ibig sabihin, ako ang magnanakaw. 


Hin-di maa-ari...paa-nongg!?

Ano na ngayon ang gagawin ko? 





She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon