CHAPTER 6: That Song✓

5.8K 148 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Now playing: 


Killing me softly by Fugees. 


"strumming my pain with his fingers"


"singing my life with his words"


"Killing me softly with his song"


  "Killing me softly with his song"  


"Telling my whole life with his words" 


"Killing me softly with his song"


                                     GEORGINA


Ang kantang yun? 

Ang kantang yun? 

Ang kantang yun?

Lagi kong naririnig  na ang kantang yun.

Ang kantang paboritong kantahin ni Brent.

Kapag naririnig ko ang kantang yun, ibig sabihin nun ay nandito na si Brent. 

Bubukas ang pinto ng basement kasunod ng paglabas ng malaki niyang kamay upang ako ay hilain palabas mula dito. Pinapalinis niya sa akin ang buong bahay, naghuhugas, naglalaba, at nagluluto. Pero di niya ako hinahayaang makalabas. Habang tumatagal ay mas lalo kung nararamdaman ang takot para sa aking buhay. 


Araw araw ay sabay sabay kaming kumain.Kahit na kumakain ako sa sahig, gamit ang isang maliit na mesa habang siya ay nasa malaking mesa.Hindi nya rin ako hinahayaang tingnan siya o kausapin man lang siya. Nakakatakot ang ambiance ng bahay ni Brent. Wari ay nakatira ako kasama ang isang taong kahit anong oras man ay gigil.itan ako ng leeg. 


This ambiance is totally terrifying.

Wala naman siyang ginagawa sa akin. Pero hinihintay nya lang pala akong magkamali. 



"SLIP!!!" 

Nabitawan ko ang isang pinggan habang ako ay naghuhugas. Kasunod noon ay ang ingay ng pagkabasag ng pinggan. 

"ANO YUN?!!" boses ni Brent na mula sa kwarto niya sa taas. Rinig ko din ang mga yabag ng paa niya papunta sa kusina. 


"ALAM MO BANG MAHAL YANG MGA PINGGAN NA YAN?!"sigaw nito sa aking harapan at kasabay nun ang pagdapo ng malaki niyang palad sa aking mukha. 

Napahawak ako sa aking mukha habang ramdam ang isang matinding sakit sa aking pesnge. Nakatingin siya sa akin. Nanlilisik ang mga mata. Wari'y papatayin na niya ako ano mang minuto.

"So-sorry Brent, lilinisin ko din a-" saad ko habang pinupulot ang mga basag na pinggan.

Naghihintay lang siya ng rason para magalit sya sa akin. At sa bawat pagkakataon ay sinasaktan nya ako. Ang mga tingin nyang tagos sa aking kaluluwa, at nagsasabi sa lahat ng dapat kung gawin at paghandaan.

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon