CHAPTER 7: Plan ✔

5.5K 167 17
                                    

                                           ALEXANDER'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                           ALEXANDER'S POV

Nandito ako ngayun sa isang police station naghahanap parin ako ng mga possible leads sa double murder case ng mag-asawang Lorenzo. Nandito ako para kausapin ang isa sa mga police na nandoon sa mga oras,pagkatapos patayin ng mag-asawa, si PO3 Carbonel. 


"Ikaw na ba ang may bagong hawak sa kasong yun? "

"Unfortunately  yes sir, actually nahihirapan nga po ako eh. Wala kasing mga leads and strong evidences para matukoy yung gumawa sa crime. However,..."

"Don't tell me pinaghihinalaan mo ang anak ng mag-asawa!?"

"Certainly Sir, What if... "

"You gotta be kidding, PO1 Suarez I'll tell you that boy is just 15 years old that time. Imagine him stabbing those adults 153 times. "

"but sir .."

"It's pointless PO1 Suarez, kung ako sayu ay maghanap ka nalang ng ibang leads, I know you're a diligent police officer. Maiwan muna kita at may gagawin pa ako."

"Sir!"
saad ko sabay salute at nagpaalam na nga siya sa akin. 

This case is 10 years ago and I wonder what happened to the son of the murdered couple. I know I have my point, and I won't stop until I can give justice to my clients. 



                                                  GEORGINA



<DEEP BREATHS> 


SIGHS!


<DEEP BREATHS>


<PANT>


"HAHHHHH" tumingala ako kasabay ng pagbitiw muli ng malalim na hinga. 


"Hey!" saad ng isang lalaki. Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.

Anong nangyayari sa akin? 

Bakit di ko magawa? 

"Nandito lang pala, Oh ito pwede mo tong gamitin kung sakaling gusto mo ng magluto."  saad ni Brent habang nakangiti sa aking harapan at inaabot ang isang bagay sa akin. 

Tumingin ako sa bagay na iyon at nagpakawala na naman ng malalim na paghinga. 

Bakit di ko siya magawang saktan? Bakit?

Kaya ba di ko siya magawang saktan dahil mahal ko siya? Dahil siya ang tinitibok ng aking puso?  Ang utak ko'y nagsasabing patayin siya pero ang puso ko...ang bilis ng tibok ng puso ko. Sinasabi ng pusong kong wag. Wag mong saktan ang tinitibok ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. 

Inimagine ko lang ang pagpatay sa kanya pero parang ang sakit na sa puso ko.


 Sobrang sakit.


Marahil ay hindi pa ito ang tamang oras para gumawa ako ng hakbang upang makatakas sa bahay na ito. Ang kailangan kong gawin ay ang maghintay ng tamang oras at tamang pagkakataon gamit ang tamang plano. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon