SPECIAL CHAPTER: THE DREAM

2.5K 41 15
                                    

Again this story is base and inspired by a manhwa. 

Credits to: Koogi 

Kayo na magbigay ng mga interpretations sa special chapter na ito. This chapter has a hint in the upcoming ending of Season 1. Yun lang .. 
Saranghae~ 

SA WALANG MA GETS SA CHAPTER NA TO.. GOOD LUCK! :D

GEORGINA


Nasaan ako?

Anong lugar to? 


Isang abandunadong gusali? 


Napalingon ako at nakita ko ang isang eskinita. 

Naliligaw ba ako? 


Maraming tanong sa aking isip pero wala akong ibang magawa kundi ang maglakad upang makaalis sa lugar na ito. Nakakatakot! 

Saan ako dapat pumunta? 

Di ko rin maalala kung kelan ako nakapunta sa lugar na ito. Ang lugar na ito ay talagang nakakatakot. Naglalakad parin ako sa isang makipot na eskinita. 

"RINNGGG!!"

Uhhhh! Cellphone? May cellphone sa bulsa ko ? Paanong? 

Mabilis ko itong kinuha at sinagot ko kagad ang tumatawag. 

"He-Hello?"

Walang sumasagot? 

"Hello? sino to?"

Tanong ko. Habang nanginginig ang aking mga kamay.

"Sundan mo ang tunog ng piano." sagot ng isang boses mula sa kabilang linya. 

"A-ano? Wala akong marinig na ganun dito! Sino ka ba?"


"Maghihintay ako!" saad ulit ng boses. 


"tot tot tot tot"


Anong mga pinagsasabi niya? 

"Ano?"

Ganun nalang aking pagkagulat ng tatawagan ko na sana ulit ang tumawag kanina ayyy...

Yu-yung cellphone na hawak ko ay walang ibang keys kundi ang end call na key. 

Anong nangyayari sa akin ngayon? 

Ilalagay ko na ulit sa sana sa bulsa ko ang cellphone na ito ng biglang.


"RINGGg!!"

Mabilis ko itong sinagot.

"Hello!?"

"Bumalik ka!"

"Ano?"


"Bumalik ka sa lugar na pinanggalingan mo!"


"Uhhhh.." napalingon ako sa aking likuran na ngayon ay isa nang madilim na eskinita. 

"Di ko alam kong paano! Si-sino kaba?"

"I'm ....."

Biglang naging chappy ang cellphone nang banggitin na nya ang pangalan niya dahilan upang di ko ito marinig ng tama. 

"Please bumalik ka na! " utos niya ulit sa akin. 

"Di kita marinig!"

Binaba na naman niya ang tawag. Ano ba kasi ang nangyayari sa akin? Nasaan ako? 

"Ting...Tonggg.."

Napalingon ako dahil sa aking narinig na musika mula sa isang instrumento at kung di ako nagkakamali ay galing iyon sa isang piano. 


Ibig sabihin ba nito di ako nag iisa sa lugar na ito. 

Mabilis akong tumakbo habang hinahanap ang pinagmumulan ang tunog na iyon. Kailangan kung hanapin kung sino man ang taong iyon. Di ko gustong mapag isa, hindi. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon