CHAPTER 35: Judgement

2.8K 78 2
                                    

AUTHOR'S NOTE: 

WEEW! THANKS LORD MAY KURYENTE NA ULIT SALAMAT TLAGA! HAHAH CAPS PARA INTENSE :) aNYWAYS TULOY NA NATIN ANG PAG STALK SA KILLER? 

gAME? nAMISS NIYO  BA AKO? 

-comment ka naman :) 

THIRD PERSON'S POV

Sa isang napakataong lugar, maingay, at nakakalingasaw na amoy na sigarilyo at alak. Magkasama sa iisang parte ng bar na iyon sina Georgina at barkada ni Brent. Katabi ni Georgina si Brent at si Sean habang nasa harapang parte sina Brigette at Bobby.

"So you're Georgina, right?"
Paunang tanong ni Brige habang nakakuyom ang dalawang kamay sa harapan nito. Tumango lang si Georgina bilang tugon sa tanong nito. 

"Paano pala kayu nagkakilala ni Brent?"

"Ahhh..ehhh..." 
Mabilis ang tibok ng puso ni Georgina ng mga oras na iyon ang daming tumatakbong bagay sa utak niya at halo halo ang mga emosyon niya.

"Nakilala ko siya sa...."

"Nagkakilala kami sa school tinulungan ko siya nung muntik na siyang magahasa. Simula nun naging malapit na kami sa isa't isa."
Pagputol ni Brent sa sasabihin sana ni Georgina.

"Talaga? Nakuh! Baka naman kasi malandi ka tingnan kaya maraming adik ang nagkakagustong gahasain ka."

Blangkong expression lang binigay na tugon ni Georgina habang napataas naman ng kilay ni Brent dahil sa kanyang narinig mula kay Brige. 

"Hey! Look at your expression Georgina, I'm just joking, okay. It's a joke!"

Napayukong muli si Georgina sa kanyang narinig mula kay Brige di niya inaasahang magiging ganito ang pagbati sa kanya ng mga kaibigan ni Brent. 

"Brigette, stop teasing Georgina. Tingnan mo nga kung gaano siya kapayat. Siguro kung di dumating si Brent baka ano nang nangyari sa kanya. Baka baliw na siya ngayon."
-Si Bobby habang may hawak na pizza sa kanang kamay.

"Oo nga.. baka may nakasabit na, na lata sa damit niya ngayon."

"AHAHAHHA"

"HAHAHA"

"Stop it guys! Halika ka nga dito Bobby. Sukatin natin ang braso mo at braso ni Georgina."
Pinaglapit ni Brent ang mga braso ng dalawa at halatang halata na tatlong beses na mas malaki ang braso ni Bobby sa braso ni Georg. 

"OH my God!!"


"Bobby, ang taba mo naman masyado! HAHA!"

"Naku Bobby kung ganyan ka pala ka laki siguro dapat isama na kita sa jogging sessions ko every 4am. Nakakatakot ka!"

"Baliw ka brod ha. Di mo pa ba narinig ang tungkol sa masarap magmahal ng mataba?"

"Di mo rin ba alam na kunti nalang baboy na ang magiging pangalan mo at di na Bobby!"

"AHHAHAHA"

Nagtawanan ulit ang magbarkada habang si Georgina naman ay nakayuko lang sa kinauupuan niya hawak ang isang baso ng ladies drink na dahan niyang iniinom. Sa isip niya di niya pa kayang makipagbiruan o makipag usap sa ganitong klase ng usapang magbabarkada di siya sanay at di niya pa lubusang kilala ang mga taong nasa harapan niya ngayon maliban kay Brent. 

"Kung baboy si Bobby, siguro  pusakal si Georgina?"

Pang aasar ni Brige habang nakatingin kay Georgina. 

"AHAHHAHAH"
-Tawa ni Bobby habang nasa harapan ni Georg, tumatalsik pa ang laway nito.

"Haha.."

Ngumiti na lamang si Georgina bilang tugon sa pagpapatawa ulit na ginawa ni Brige. Sa lahat ng ginawang pang aasar ni Brige kay Georg ay di ito alintana ni Georgina dahil sa kaloob looban niya ang isang pakiramdam na mahirap pigilan. 


Naiihi na siya. Pero bago niya magawa iyon ay kailangan niya munang lumampas kay Sean ang lalaking kanina pang kakaiba ang tingin sa kanya nasa kaliwa niya kasi ito habang si Brent ay nasa kanan pero sa kaliwa ang papuntang palikuran ng bar. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon