CHAPTER 32: Brigette

3.3K 88 6
                                    

A flashback happened the day after Brent and Georgina went shopping.. 
:)

THIRD PERSON'S POV


Sa isang mataong lugar ay may isang nakakabighaning babae ang pinagtitinginan ng kalalakihan. Naka short ito ng napakaikli, lantad ang malaporcelana nitong kutis habang may dalang isang sling na bag.

"Grabe, pre ang ganda naman nun..."

"Wag ka ngang maingay pre..baka mabastos mo yan."

Bulong bulongan ng mga kalalakihang nakakasalubong niya habang sumusipol pa.
Pero di ito alintana ng dalaga bagkos ay nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad habang may malalim na iniisip.

Binilisan niya ang kanyang paglalakad at papunta na siya ngayun sa isang cr ng isang malaking mall upang ayusin ang kanyang make-up. Dahil sa mga oras nato ay magkikita ng isang lalaking matatagal tagal na din niyang hindi nakita dahil sa kanyang pagbabakasyon.

Nang matapos na niya ang kanyang pag-aayos ay agad siyang nagtungo sa isang sikat na coffee shop ng mall. Habang naglalakad ay tanaw na niya mukha at ngiti ng lalaking matagal na niyang di nasisilayan. Ang mukha ng lalaking kanyang iniibig may hawak itong dalawang cups nang kape habang nakasilay ang mga ngiti nito.

Pero parang mayroong isang bagay na nagbibigay sa kanya ng pangamba ng makita niya ang lalaking ito. Pakiramdam niyang mayroong di magandang mangyayari pero binaliwala niya ito.

"Sorry Brent,kanina ka pa ba naghihintay sa akin dito? "

"Hindi naman, di pa ganun ka tagal. Ito o para sayu."

-sabay abot ng isang dalang kape habang sinisimulan ng humigop mula sa isang baso ng kape.

"Di ka parin nagbabago gusto mo parin ang kapeng to. "

"Hehe ..bakit meron bang dapat magbago?"
-sabay halik nito sa pesnge ng babae.

"Kumusta kana? "

"Okay lang naman ako, ito gwapo parin."

PAgbibiro pa nito habang kumikindat pa sa dalaga dahilan upang uminit ang kanyang pakiramdam.

" May naisip ka na bang balak nating kantahin mamaya?"

"Ahhh..oo ..meron na ito oh."

Kinuha agad ang kanyang cellphone at pinarinig  ang kanyang gustong maging duet piece nila para sa isang activity at sabay nila itong pinakinggan habang inaalala niya ang mga panahon bago niya makilala ang lalaking ito.

BRIGETTE'S POV

Matagal ko na ring kilala si Brent. Isa siya sa mga lalaking hinahangaan ko ng palihim kahit na minsan ay nararamdaman kung hanggang dito nalang kami. 



Magkaibigan.



Naalala ko tuloy nung mga panahong una ko siyang nakita. Sa school namin habang may nagaganap na acquaintance party.


"Brige..Anong tingin mo dun sa lalaking kasama ni Sean? He's too hot, right?"


"Ah..eh..pwede na rin?"


"Sigurado akong maraming babae ang nagkakagusto dyan.."

"Siguro nga kasi di siya pangkaraniwan para sa isang lalaki..."

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon