WARNING SPG SCENES AHEAD: KARAHASAN / VIOLENCE/ KILLING
GEORGINA'S POV
"Georgina, please nagmamakaawa ako sayo."
Nandito parin kami sa loob ng basement. Si Brent, ako at ang babaeng si Brigette. Nakaupo ako sa isang silya habang nakaharap sa sugatan at nakahubad na si Brigette.
"Georgina please, it was the first time I saw you, hindi yun dahil sa galit ako sayu o ano pa man...ganun talaga ako sa lahat ng bago kung kakilala. "Sigaw ni Brigette sa akin habang may maluha luhang mata. Di ako makapagsalita habang tinitingnan ko siya naawa ako na hindi maintindihan. Gusto ko na rin atang maluha.
"BAKIT DI KA NAGSASALITA?! GEORGINA PLEASE..!!"Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyong binigay ni Brent kanina.
"MAGSALITA KA NAMAN, ARE YOU MUTE? STOP MAKING ME CRAZY GEORGINA, PLEASE SAVE MY LIFE!!!"
"hayyyy!!!"
Humikab si Brent na nasa aking likuran.
"Simulan na natin?"
Sabay tapik niya sa braso ko. Kasunod nun ay ang biglaan niyang pagtulak sa upuan ko dahilan para mapamudmud ako sa harapan Brigette at kamuntikan ko na siyang masaksak.
Inangat ko ang aking ulo at nasilayan ko ang galit na mukha ni Brigette.
"Lumayo ka nga sa akin mabahong nilalang!!!"
Bigla na lang niya akung sinipa dahilan para mapaatras ako.
"Lumayo ka nga sa akin, nakakadiri ka talaga!"
Sa aking narinig at bigla kung naalala ang isang tao minsan ko na rin minahal.
"UMALIS KA SA HARAPAN KO NAKAKADIRI KANG BABAE!"
Singhal niya sa akin.
"Ang sabi ko mamatay kana!!!"
"Ahhhh!!!!"
Hindi, hindi!! Hindi ko gustong maalala ang nangyaring yun!! HINDI!!!
High school student palang ako noon. Lampa, mahina, madungis at nangangamoy.
Nakayuko lang ako sa aking upuan habang ginuguhit ang isang cartoon character.
"Okay, lahat na ba kayu may partner na?"
Napaangat ako sa aking upuan at nalaman kung ang guro ko ang nagsasalitang iyon. Kasagsagan kasi ng klase noon namin sa Science at ito ako walang gana."Kung meron pa kayung mga katanungan sabihin nyo na before I dismiss you."
"Si---Sirr!!"
NAghands up ako.
"Yes, Ms. Flores!"
"Wala pa po akong partner."
Napalingon silang lahat sa akin kabilang na ang lalaking lihim kung iniibig na nasa unahan ko nakaupo.
"Ahmmm..sigurado akong matatagalan ka kapag ikaw lang mag-isa....Ahh..sige just work with the person infront of you."
Lumingon lang siya sa akin at nang matapos na ang subject na yun ay lumapit siya sa upuan ko pero walang sinasabi. Sa mga sumunod na araw ay ganun parin lalapit lang na parang may gustong sabihin. Habang ako naman ay nakaupo lang nakayuko habang nagpapanggap na nagdadrawing pero ang totoo ay pinapakiramdaman ko lang siya.
"Bakit lage kang mag-isa?"
"Eh..ahhmm.."
"Wala ka bang kaibigan? Are you a loner?"
Hindi ko inaasang aabot sa ganitong kakausapin na niya ako.
"Oo, ikaw ba?"
"May mga kaibigan ako, mag-isa ako kasi gusto kung mapag-isa."Yun yung unang pagkakataong kinausap niya ako pero parang isang panaginip lamang iyon sa akin. Panaginip na dahan dahang naging katotohanan...dahil naging malapit kami sa isa't isa.
"Ilang kilos ka pala?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang payat mo kasing tingnan. Kumakain kaba o nagdidiet ka? Baka naman ma die ka nyan ha. HAHAH!"
"Ahmm kasi..."
"Patingin nga ng mga braso mo."
Inilahad ko ang kanang braso ko at hinawakan niya ito na parang sinusukat.
"Tingnan mo ang liit oh. Kumakain ka ba nyan? O baka naman malnourished ka ha. HAHAH"
"Hehe...parang ganun na nga diet ako."
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...