S2 Chapter 62: Killer

2.4K 45 2
                                    

THIRD PERSON 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON 


Ilang buwan na din ang lumipas simula nung muntik nang mahuli sina Brent at Georgina ng mga police. Inilipat ng ibang presento si PO1 Alexander dahil sa pakikialam sa kaso ng pagkawala ng ilang mga tao kabilang na din ang kaso ni Anne Hansen. Ang detective na si Mori at ang mga kasamahan nito ang nagpatuloy ng imbestigasyon. 

Habang patuloy ang imbestigasyon ay hindi parin nawawala sa isip ni Brent ang pag aalala na maaring siya ang ituro nang mga ebidensiya. Ang kaso ng baklang nasangkot kina Brent ay lumabas na suicide dahil ang mga fingerprints na nakita sa weapon na ginamit ay sarili nitong fingerprints. Ang kaso naman ni Anne Hansen ay patuloy pa ring iniimbestigahan. Sina Brent at Georgina naman ay magkasama paring naninirahan sa bahay ni Brent. 

Hindi alintana ang mga susunod na problema na susubok sa kanilang kakatagan. Ang mga bagong tauhang sisira sa kanilang relasyon. Ang mga bagong balakid na haharapin ng isang stalker at isang killer. 

Habang tahimik na kumakain ang dalawa ay maraming mga tumatakbong tanong sa utak ni Brent. Di niya inakalang ganun ang magiging performance ni Georgina sa ginawa nilang pakikinaig sa isa't isa. Si Georgina naman ay tahimik lang din na kumakain. Bukod sa di na niya maalala ang lahat ng nangyari noong gabing yun ay naging aware siya sa mga titig ni Brent na ramdam niyang tumutusok sa kanyang laman. 

"Ehem!" pagbasag ni Brent sa katahimikan. 

"Tungkol nga pala sa nangyari kagabi," panimula ni Brent na naging dahilan ng pagtingin ni Georgina sa kanya. 

"I enjoyed it a lot. Di ko akalaing magagawa mo yun, it was like it's not you," saad ni Brent na may pagtataka. Nagtataka din si Georgina sa mga sinabi ni Brent. Pero dahil ayaw na niya ng maraming tanong pa ay napatango nalang siya. 

"Sana ganun ka nalang palage," saad ni Brent habang may ngiti sa mga labi. Ngiting nang aakit. 

"Ayos ka lang ba? Lately pansin kong namumutla ka at sumasakit ang ulo mo palagi!" may pag aalalang tanong ni Brent. 

"Okay lang naman ang pakiramdam ko ngayon. Siguro ay pagod lang ako dahil sa ginawa kong paglilinis nung nakaraang araw."

"Ganun ba?"

Tumayo naman si Brent habang kumakain parin si Georgina. 

"Bilisan mo ang pagkain may pupuntahan tayo."

"Uhhh?"

"Wag ka nang magtanong, bilisan mo nalang sa pagkain! Sundan mo ko sa banyo kapag tapos ka ng kumain?"

"O-okay!"

Nagtungo agad si Brent sa banyo at inihando ang bathtub. Pinuno niya ito nang tubig. Tinantya niya kong tama lang ba ang lamig nito para sa kanilang dalawa. Nang matantya na tama lang ang tubig ay sinimulan na niyang maghubad. 

Tanging underwear nalang ang natira sa kanyang mga saplot. Lantad na lantad ang kakisigan nito sa mga mata ni Georgina na ngayon ay nasa likod na ni Brent. Napalingon naman ang binata at napangiti ng marahan. 

"Uhhh!" daing ni Georgina. Napayuko naman ang dalaga dahil sa kanyang nasasaksihan. Mula sa nakangiting mukha ni Brent ay nag iba ang expresyon nito dahil sa pinakitang gawi ng dalaga sa harapan niya. 

"Bat ganyan ka kung makatingin sa akin? Di ka pa ba sanay sa katawan ko? Oh come on Georgina! Ilang beses~" napahinto naman ang binata dahil bigla nalang naghubad sa harapan niya si Georgina. Lumapit naman si Brent sa dalaga at tinulungan ito sa paghubad ng mga saplot nito. Habang tinutulungan niyang maghubad ito nang damit ay napansin niya ang mag naghihilom na nitong sugat, at ilang mga peklat sa katawan. Kahit ganun ay di parin niya maalis sa isipan na naakit siya sa katawang ngayon ay hubo't hubad nang nasa harapan niya. 

"Bakit parang ibang iba ka ngayon kesa nung huling gabi? Ibang iba ang iyong mga titig sa akin ng gabing iyon. Bakit?" 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon