CHAPTER 39: Stay By My Side

3.3K 67 1
                                    

WARNING! : SPG SCENES AHEAD! 

THIRD PERSON'S POV


Isang hindi magandang pangyayari ang naganap sa buhay ni Georgina. Nakapatay siya dahil sa kanyang nakaraang paghihirap at galit sa lalaking una niyang minahal pero pinaasa lamang siya. 

"Anong nagawa ko? Anung nagawa ko?"
Bulong niya habang nakaharap sa duguan at walang buhay na si Brigette habang nakahawak sa kanyang ulo tilay sinasabunutan ang sarili. 

"Paano kung ireport niya ako sa pulis? Paano kung makulong ako? Anong gagawin ko?"
Habang patuloy parin ang pagsasabunot sa sarili. Lumapit si Brent sa kanya at sinamahan siya sa pag upo sa sahig. 

"Pero tama!! Patay na siya diba? Wala na siyang buhay?"
Pinaharap ni Brent si Georgina at pinunasan ang mga luha nito. 

"shhhh.."

"Bre..nt? Anong nagawa ko? Paano kong ..."

"Hey!"
Biglang hinawakan ni Brent ang buhok ni Georgina at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ng dalaga.

"Control yourself."
Bulong nito sa dalaga.

"Kanina ka pa nanginginig diyan. Relax Georgina, relax."

"Hah? Haaa.. ah Anung sinabi mo? Lakasan mo boses mo?"
Si Georgina na nanginginig parin. 

"Wa...wala na...akong pakialam sa kahit ano..."
Nairita na si Brent sa kanyang naririnig kaya naman ay malakas niyang hinila ang buhok ni Georgina kasunod ng isang malakas na sigaw. 

"HEYYY!!!!!!"
Saglit na lumabas ang kaluluwa ng dalaga dahil sa sigaw ni Brent at pagkalipas ng ilang segundo ay nahimasmasan ito sa panginginig. 

"A---Anong sabi mo?"

"Wala, wala akong sinabi."

"Brent?"

"Anong pakiramdam, Georgina?"

"Na----ko---konsensiya ako."

"What?! HAHAHAH! Nakokonsensya ka? "
Tumango lang ang dalaga habang nakayuko na naman.

"Konsensiya lang ang naramdaman mo? That's it?!"
Di na naman siya sinagot ni Georgina.

"Hindi ito ang gusto kung mangyari Georgina! Dapat naging masaya ka sa nangyari! At HINDI YANG CONSENSIYA NA YAN!"

"Pero Brent!"


"Hindi ko kailangan ng mahihinang katulad mo."
Tumayo si Brent at hinawakan ang braso ni Georgina ng kehigpit higpit. 

"Brent,ahh..aray ko. Nasasaktan ako."

"Sawa na ako sa ganito. Tapusin na natin to."

Hinila ni Brent si Georgina palabas ng basement. 
"Teka lang Brent!"

"Hindi ka na nakakatuwa. Hindi na ako natutuwa sayu!"

"Tama nga ako Brent, wala nga talaga akong halaga sayu."

"Kung ganun ay tama rin ako."
Hinila ni Brent si Georgina papunta sa pinto at papalabasin na niya ang dalaga. 

"Wala kang halaga sa akin."

"Bre..-"

"Dahil hindi na kita kailangan, pwede bang maglaho ka nalang."
sabi ni Brent habang may blankong expression ang mukha.

"Hindi na kita kailangan, mamatay tao."

Pagkatapos iyon banggitin ni Brent ay agad niya hinila ulit si Georgina papunta sa pintuan. Pero nagmamatigas ang dalaga tila ayaw niyang lumabas sa ano pang kadahilanan. 

"Ayaw kong lumabas!"

"Natatakot ako, Brent wagg..."

"Bitawan mo ko, ayaw kong lumabas! Natatakot ako. Brent ano ba!!"

"Diba sabi mo nakokonsensya ka, sige pagbibigyan kita. Pumunta ka ngayon sa pulis at sabihin mong may pinatay kang malanding babae. Nakokonsensiya ka diba?"
Nasa labas na silang dalawa ng pintuan hawak ni Brent si Georgina sa braso habang nakahawak naman ang dalaga sa pintuan upang hindi siya lubusang mapalabas. Hihilain na sana niya ulit ang dalaga ng bigla itong nagpumiglas at nakawala sa pagkakahawak niya. Tumakbo ulit ito papasok ng bahay. 

"Tskkk"

"Tsskkk"

"Sniff"

Sinundan ni Brent ang dalaga hinanap nya ito at nakita niya itong nasa loob ng kanyang kwarto. Nanginginig ulit at nakataukbong ng kumot habang nakatuwad. 

"Nakakatakot! Wag niyong kung ikulong wagg.."

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon