CHAPTER 56: Couple?

2.2K 50 23
                                    

 "There's no permanent, he will leave, she will leave. Everyone will leave."

XANDER'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XANDER'S POV


"Ang mga sugat ng babaeng ito ay gawa ng lalaking nasa harapan niyo ngayon." saad ko habang nakatingin sa sugatang paa ng babaeng nagngangalan palang Georgina. 


"Si Brent Lorenzo..." dadag ko pa.

"Hindi ba pamilyar sa inyo ang mga sugat na natamo ng babaeng to sa inyo. Ang mga sugat at pinsalang natamo ng babaeng ito ay parehong pareho sa natamo ng anak ng principal ng Hansen Elementary na si Anne Hansen."

Ngayon ay nagbubulong bulongan na ang mga detective police sa loob ng opisina. 


"Parehong pareho ang lahat ng mga sugat na natamo ng babaeng ito kay Anne Hansen. Coindence? Think again. Katulad ng babaeng ito ay bali at sira sira din ang buto ng biktimang si Anne. Sigurado akong ginagawa ito ng criminal upang masigurong hindi makatakas ang biktima niya. Paglalaruan niya ang biktima niya hanggang sa mapatay niya ito ay agaran niya itong itatapon sa isang tagong lugar tulad ng kabundukan."

Napuno na naman ng bulong bulongan ang buong paligid. Napatingin ako sa direksyon ng dalawa nakayuko lang si Brent habang parang wala naman sa sarili si Georgina. 

"That was his Modus Operandi. Please conduct a forensics examination in his house. Sigurado akong magkakaroon na tayo ng ebidensiya sa lalaking ito."


"....its not him.." rinig kung bulong ni Brent. Napalingon ako sa kanya ganun din ang matandang detective. 

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng senior detective. 

"Hindi ang detective na yan ang dumakip sa akin." saad ni Brent sabay tingin sa nakaupong si Mori. 

"Ang pulis na yan, PO1 Alexander Suarez kung di ako nagkakamali siya ang dumakip sa akin."


"Alexander Suarez?"

"Parang pamilyar ang pangalan na yan ah!"

Bulong bulongan ng mga detectives. 

"At isa pa sir.. this police was looking around my house without any warrant." saad ulit ni Brent. 

Anak ng tinapa! 

Matalinong mamamatay tao. 

"Detective Mori? Di ba talaga ikaw ang dumakip sa lalaking ito? " tanong ng senior detective kay Mori. 

"Uhhhh...Well.."

"I'M SORRY!" Napalingon ako dahil sa pagsigaw ni Brent.  Nakayuko na siya ngayon na parang humihingi ng kapatawaran.


"Ang totoo po kasi nyan akala ko si PO1 Suarez ay ang Ex-boyfriend ni Georgina. Kaya ko siya sinugod."

Anak ng tinapa! 

Ano daw? 

Ako ex boyfriend ng babaeng yun? 

Paano niya naisip ang ganung palusot? 

"I'm really really sorry sir!" habang nakayuko pa rin. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon