Its me KAEL!
Hi mga kakillerstalkers!
Let me know kung may sumusupporta pa sa akin dito by commenting and giving this chapter a "STAR".
Just a little motivation sa muling nagbabalik na si Kael! Killerstalkers, sorry kung slow updates muna tayo ha. Don't worry di ko kayo bibiguin sa updates.
Love you mga KS!
.....................................................................
......................................................................
Tanaw ko ngayon ang isang batang naglalaro ng bola ng soccer. Di ko masyadong maaninag ang mukha ng bata pero parang pamilyar ang kanyang mukha.
Patuloy ang paglalaro nito ng masipa nito ang bola papunta sa isang babae.
"Mama?"
Di ko rin masyadong maaninag ang mukha ng babae. Lumapit ako sa kanilang kinaroroonan upang maging makita ng malapitan ang kanilang itsura. Biglang napaupo sa lupa ang babae at humihikbi ito ng marahan.
"Anak!"
Nakayuko ang babae habang ang bata naman ay palapit ng palapit sa bata. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nakakaramdam ako ng awa at wari'y meron ding puot sa aking kalooban. Sino ba ang mga taong to?
"Anak!"
Di nakinig ang bata patuloy parin ito sa paglalaro ng kanyang bola. Kaya nilapitan ko ang babaeng iyon. Nakayuko parin ito. Bahagya din akong umupo upang mas makita ng malapitan ang mukha ng babae.
Sino nga ba ang babaeng ito?
"Pinatay mo siya!" isang boses ang biglang pumasok sa isipan ko kasunod ng paglitaw ng isang napakatalim na kutsilyo sa aking kamay. Puno ito ng dugo, pati narin ang aking kamay.
Napatingin ulit ako sa babaeng nasa akin harapan.
"Uhhh!"
Napaatras ako ng bahagya ng ang babaeng iyon ay puno na ng saksak ang katawan at maaring wala ng buhay.
"Pinatay mo siya Brent!! Pinatay mo siya!"
Napalingon ako at nakita ko ang nakangising si Georgina.
"Hindi! Hindi ko siya pinatay! Hindi!!!! Hindi!!!"
"Papatayin mo rin ba ako Brent tulad ng pagpatay mo sa kanya?" saad nito habang papalapit sa aking kinaroroonan.
"Sige Brent, gawin mo! Gawin mo!"
Puno ng takot at galit ang aking pagkatao sa pagkakataong ito. Naparang gusto kong pumatay.
Gusto kong pumatay!!!
"Patayin moko Brent!!"............
...........
Napapikit ako ng biglang...
.............."GEORGINA!!!!"
.
.
"Ha...hu...huu..."
I-isang panaginip? Nilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa loob ako ng kwarta ko ngayon.
"Uhhh.."
"Gising ka na pala? Ano bang--" di na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil mabilis ko siyang niyakap ng napakahigpit.
"Ano ba Brent di ako makahinga?! Ughh!! O-oka-y ka lang ba?!"
Buti nalang at ligtas siya. Buti nalang at walang nangyaring masama sa kanya. Habang yakap yakap ko siya ay bigla kong naalala ang nangyari kanina. Ginalugad ko pa naman ang buong bahay sa paghahanap sa kanya pero di ko siya makita.
"Saan ka ba pumunta ha?!" saad ko na may kaunting galit.
"Ka-kasi..."
"Anong kasi? Saan ka nanggaling?!"
"Di-di ko maalala..." saad niya habang nakayuko.
"Imposible? Paanong di mo maalala?"
"Kakasi nung mga oras na tinali mo ako sa silya nawalan ako ng malay. Tas nagising nalang ako na nasa harapan na ako ng bahay."
"At saan mo nakuha ang damit na yan?" saad ko habang nakatingin sa pulang damit na suot niya. Napakaprovocative na damit na halos makita na ang buong kaluluwa niya. Ang iksi at ang sexy niya tingnan.
"Di-ko rin alam? Basta pagpasok ko sa bahay hinanap kaagad kita!?"
"Puro ka di alam?! Gusto mo bang wasakin ko ulit yang mga buto mo sa paa para di kana makapag lakad ulit?!" sigaw ko.
"Ku-ng yan ang gu-sto mo!" saad ni Georgina na ngayon ay may mga luha na sa mga mata.
Hays! Minsan talaga di ko maintindihan ang babaeng to.
Isang minuto ng katahimikan ang nangibabaw sa loob ng kwarto. Iniisip ko talaga ngayon kung sino ang mga lalaking nagmamasid sa amin. Ang Alexander na naman kaya yun? Yung pulis na yun talaga wala ng kadala kadala.
Wawasakin ko talaga ang bungo niya gamit ang baseball bat ko. Nakakasura ng ang pakikialam niya sa buhay namin ni Georgina. May oras ka rin saking police ka kung ikaw man ang lalaking yun kagabi.
"Anong oras na ba ?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Tingin ko oras na para.. maghapunan.."
"Ganun ba?!" cold ko na sagot sa kanya.
Tumayo ako at nagsuot ng boxer. Iniwan ko siya sa loob ng kwarto at hinanap ko kaagad ang apron. Nagugutom ako nakapagdecide ako na magluto ng hapunan. Sinilip ko siya sa kwarto at nandon parin siya nakuyuko.
Di ko na siya pinansin at nagtungon na agad ako sa kusina. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakapagluto na ako ng friend chicken. Di parin siya lumalabas sa loob ng kwarto.
Ano ba ang problema ng babaeng to?
Sinadya kong gumawa ng ingay gamit ang kutsara at plato.
"Ang sarap naman ng ulam ko ngayon at ang dami pa. Sana may sumalo sa aking pagkain ngayon. I wonder sino kaya yun?" saad ko na sinadya kong lakasan para marinig niya.
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ito. Paika ikang lumapit sa mesa, namumutla at halatang gutom na. Nakakaawang nilalang.
"Maupo ka!" saad ko.
Sinunod naman nito. Inilapit ko plato sa kanya, at iniabot ko din ang kutsara at tinidor.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nagsimula na siyang kumain. Di ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil ganadong ganado siyang kumain.
Ano nga bang nangyayari sa yo Georgina?
Di na talaga kita minsan maintindihan pero maging ang aking sarili ay di ko rin maintindihan. Minsan gusto ko siyang saktan, minsan gusto ko siyang protektahan, ayaw ko siyang mawala sa akin.
Mahal ko na ba ang babaeng nasa harapan ko ngayon?
Hindi!
Hindi maari!
Pinaglalaruan ko lang siya, hindi.
"Bre-nt?" natigil ang aking pag-iisip ng unconsciously I was staring at her all this time.
"Bakit ka ganyan makatitig sa akin?" tanong nito sa akin.
Napangiti naman ako nang biglang pumasok sa aking isipan ang pamamasyal kasama ng babaeng to. Anyways, its been so long since nung huli naming pamamasyal.
Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin. Sinunod naman niya ito.
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumolong.
"Magbilis ka, may pupuntahan tayo."
"Saan?" takang tanong niya.
Di ko na siya sinagot bagkus ay umalis na ako at pumuta sa ikalawang palapag para magbihis.
.............................................
"WAHHHHH" puno ng sigawan ang buong paligid.
Di ko talaga maintindihan kong bakit dito ako dinala ni Brent. Hindi ako sanay sa mga ganitong lugar.
Ang lugar na tinatawag nilang Adventure Park. Nilibot ko ang aking paningin at naglalakihang mga rides ang aking nakikita. Nakakatakot. Nakakalula.
"Doon tayo sasakay!" turo ni Brent sa isang ride na isang malaking bangka na nagswasway. Kahit nasa baba palang ako ay parang nasusuka na ako. Baka maihi ako o masuka habang nasa ride na yan nakakahiya.
"Bre-nt seryoso ka ba?! Nakaka-ta-kot!" saad ko habang napapalunok ng laway.
"Of course, natatakot kaba?"
Napayango nalang ako.
"Ano kaba! Nandito ako para sayo!" saad ni Brent habang umaakbay sa akin, may ngiti sa kanyang mga labi. Di ko maintindihan pero ang takot ko ay biglang napalitan ng kapanatagan dahil sa ginawang yun ni Brent. Iba talaga ang nagagawa sa akin ng lalaking to."Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang pagtakbo ng ride na ito. "
Nakaupo na kami ngayon sa ride na tinatawag nilang PIRATE. May kaba parin akong nararamdaman pero di na katulad nung dati. Nasa tabi ko si Brent nakatingin sa harapan.
"And...1,....2.....3...."
"WAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"
sigawan ng mga nakasakay. Pero di ko man lang magawang sumigaw. Parang ayaw kong sumigaw.
"WOHHHHH!!!!"
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"
"WAHHHHH!"
Napuno ng sigawan ang buong paligid. Parang papasukin na ng hangin ang sikmura ko dahil sa ride na ito. Napatingin ako kay Brent. Napakasaya niya. Napangiti ako dahil sa aking natutunghayan. Buong ride nakatingin lang ako sa kanya.
"Thank you for joining us! The exit is to your right side. The bars will raise now. We hope to see you again very soon. Goodbye!"
Naglalakad kami ni Brent ngayon sa buong adventure park. Tahimik lang siya pero makikita mo talaga sa mukha niyang masaya siya. Napakababaw pala ng kaligayahan ni Brent. Di ko akalaing my ganito pala siyang side.
"Napakacute naman nito!" saad ko habang pinagmamasdan ang isang keychain na may desenyo ng paru paru. Kinuha ko ito. Napakaganda ng kulay itim nitong pakpak. Kaso wala akong pera, kailangan kong humingi kay Brent.
Napalingon ako at wala na si Brent sa kinaroroonan niya.
"Bre-nt? Nasaa-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may tumapik sa likuran ko.
Napalingon ako at...
"AHHHHHHHH!!!" napasigaw ako dahil napakapangit na mukha ang bumungad sa akin. Mukha ng isang taong walang mata at nakalabas ang dila. Nabitawan ko ang hawak hawak kong keychain.
"HAHA! Boring ba yung sinakyan natin kanina?" si Brent lang pala na may suot na maskara.
Phew!
"Ano to?" saad ni Brent habang pinupulot ang keychain.
"Gusto mo ba to?"
Napayango lang ako.
"Magkano to ate?" tanong niya sa tindera.
At tuluyan na niyang binili ang keychain na gustong gusto ko. Bahagya akong napangiti. Ang saya saya ko. Ito kasi ang unang bagay na binili ni Brent na gustong gusto ko.
"Bat di ka sumigaw nung nasa ride tayo? Di ka ba natutuwa? Di ka ba masaya?" sunod sunod niyang tanong habang naglalakad kami.
"Di naman sa ganun, pero sobrang nakakatakot kasi..."
"Ah alam ko na siguro kasi first time mo dito. Kung ganun ay napakalungkot pala talaga ng kabataan mo. Wag kang mag aalala masasanay ka rin. Tara dun tayo."
Patuloy kami sa pamamasyal ng mapunta kami sa isang photo booth. May mga magkasintahan na masayang nagpapakuha ng litrato. Napahinto si Brent.
"Do you want some pictures together?"
Di ako makasagot.
"Silence means yes!"
"One"
"Two"
"Three"
"Say Cheese!"
"Here's your picture."
Tiningnan ko ang first picture namin ni Brent. Di ko maiwasang mapangiti.
Sobrang laki ng ngiti ko habang naka akbay si Brent sa akin sa picture.
"Ayan nakangiti kana? Yan lang pala magpapasaya sayo!"saad niya.
"Salamat Brent!"
"Don't mind it! Woah! Dun sakay ka dun!" turo ni Brent sa ride na may mga kabayong umiikot. Bumili agad si Brent ng ticket at pinasakay ako.
"Akin na yang picture, at keychain baka mahulog yan." saad nito. Inabot ko sa kanya at sumakay. Umiikot na ngayon ang ride na ito at nakikita ko si Brent na nakangiting kumakaway sa kinaroonan ko.
"Brent!"
Ilang minuto ang lumipas at natapos na ang ride. Bumaba agad ako at hinanap si Brent pero di ko siya makita.
Napalingon lingon ako pero walang Brent.
Nasaan ka na Brent?
Ngayon ay nagsisimula ng lumakas ang pintig ng aking puso.
"Brent!" saad ko na may ilang luha na sa mata.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...