GEORGINA'S POV
"Ikaw si Georgina, tama?"
Tanong ng lalaking nakasuot ng salamin na nasa aking harapan. Pamilyar ang kanyang mukha at wari'y nakita ko na siya kung saan.
"Hindi mo ba ko naalala, magkaklase tayu nung elementary hanggang high school!"Tinitigan ko siya ng mabuti.
"Oh.. ikaw ba... si... John Flores? ""Yeah! Ako nga, buti naman at naaalala mo pa pala ako. Magkaibigan tayu dati kasi pareho tayo ng apilido, hindi ba?"
Hinawakan niya ako sa balikat at marahan akong tinapik. May ngiti sa kanyang mga labi. Pero ramdam ko pa rin ang may panghuhusgang tuno ng kanyang boses.
"I see, payat ka parin pala hanggang ngayun. At mahiyain ka parin na parang gumawa ka ng isang malaking krimen. Muntik na kitang hindi makilala."
Isang malaking krimen? Anong ibig niyang sabihin--? Hindi kaya?
"Ahh...ganito lang talaga ako. Wag mo nalang akong pansinin. Pwede bang akin nalang tong cake.. may gusto kasing~"
"Ohw Babe! Andito ka lang pala. Who's this girl?"
Isang magandang babae ang lumapit kay John at parang lintang biglang dumikit dito. Napayuko na lamang ako habang nakatingin sa huling cake na meron ang stall na ito."Hello babe, andito ka na pala. Ah..siya ba just someone I know."
Just someone he know..?
"Georgina, this is Andrea, my girlfriend.""Hello Georgina! Nice to meet you!"
Sabay lahad ng kamay nito. Tinanggap ko ang kamay niya sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.
"Babe? May nabili ka na bang cake?""Uhhh..kasi babe.."
"Ano yun babe?""Ahmm..Hey Georgina, malapit na ang anniversary namin. Pwede bang amin nalang yung cake?"
"Ohww..Isa nalang pala yung cake?"
Tanong nung Andrea. Di ko sila masagot. Nakayuko lang ako habang hawak hawak ng aking kaliwang kamay ang aking kanang balikat.
"Here Georgina, just have this. We'll just buy somewhere else. I can feel that your craving for this. So just have this~"
si Andrea namay nakangiting mukha, inaabot sa akin ang huling cake ng stall."Thank you~"
Tatanggapin ko na sana ang cake ng biglang may pumigil sa pag abot ni Andrea nito sa akin. Si John~
"Wait~ Hey Georgina! Mag isa ka lang naman, di mo mauubos yang ganyang kalaking cake diba? Can you just give this to us~?"Nagulat si Andrea sa ginawa ni John, maski ako ay gulat din. Yumoko nalang ulit ako.
"Kung nagcacrave ka sa cake, we can just gave you a slice instead."Habang nakayuko ako ay naalala ko kung paano ako kutyain ni John nung high school pa lang kami.
"Pero kailangan ko din ang cake na yan~! ""Georgina!?"
Napalingon ako dahil sa isang pamilyar na nagmumula sa aking likuran.
"Brent!"Lumapit si Brent sa kinaroroonan ko at tumabi ito sa kain.
"Hindi mo pa rin ba ako nahahanapan ng cake labs?"
Labs? Ito nanaman si Brent, nagiging pilyo na naman siya. Napatingin ako sa kinaroroonan nila John at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"Sino naman~"
"Ahh..ano kasi...ahmm"
"Sorry for the interruption by the way I'm Brent, Georgina's boyfriend. "
si Brent na nakaakbay sa akin at may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"Uhhh.. I see."
"Nice to meet you Brent!"
Bilang tugon ay nginitian lang ni Brent sina John at Andrea.
"Teka nga labs, san na yung cake ko?"
"Ah...ano ka-si isa nalang yung natitirang cake at~"
"Isa nalang yung natira!! Oh thank God! Buti naman at may isa pa~!"
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...