CHAPTER 40: Apples

3.2K 67 2
                                    


ALEXANDER'S POV


"Basi sa mga sinabi niyo sa akin, nung natapos ang grand festival ng school niyo nung mga pasado 11pm, pumunta kayo sa bar. Kayung magbabarkada at nung mga 2am na nagmamadaling umalis ang kasama niyong si Brigette?"


"Bakit niyo siya hinayaang makaalis kahit ganoong pasado 2am na? Akala ko ba magkakaibigan kayu di niyo ba alam kung gaano ka delikado ang mundo ngayon?"
-sabat ng kasamahan kung pulis na si PO1 Kim. 


"Di ko rin ba nasabi sa inyong lasing na kami nung mga oras na yun? At wala na kami sa katinuan para alamin pa kung saan siya pupunta!"
-bulyaw ng matabang lalaki. 


"Di ba pwedeng maniwala nalang kayu sa amin police officer? Honest po kaming tao at wala kaming kinalaman sa pagkawala ng kaibigan namin. Basta yun lang ang alam namin."

-Di ko alam kung bakit pero parang naniniwala ako sa mga sinasabi ng lalaking to. 

"Hoy guys, tulungan niyo naman ako dito! Bakit ako lang ang dumedepensa sa panig natin?"

"Ano kaba Bobby, kumalma ka nga..."

"Ahhmmm...naalala ko lang po police officer, nung gabing yun. Napansin kung nagmadali si Brigette pagkatapos niyang icheck ang cellphone niya."

"So Brigette rushed out after checking her phone?"

"O..opo..pero lasing din ako ng mga oras na yun, kaya di rin ako ganun ka sigurado."

"Teka ..teka nga.. Yang si Brigette ba, kilala sa paglalayas at paglalakwatsa?"
-sabat na naman ni Kim habang may hawak na kape sa kanang kamay. Tung babaeng talagang to. 

"Di ba pwedeng maghintay nalang po kayu. Baka bumalik lang ng kusa yung anak niyo."


"ANONG SINABI MO?!!"

-halos masira ang eardrums ko dahil sa sigaw ng ina ng nawawalang dalaga. 

"TATLONG ARAW NG NAWAWALA ANG ANAK KO!! AT SASABIHIN MO SA AKING MAGHINTAY? ANONG KLASE KAYONG MGA PULIS?"
-tumayo na ito mula sa pagkakaupo at nakadungaw na ito sa akin habang tumatalak. Tsk...

"HINDI GANUNG KLASENG ANAK SI BRIGETTE!! SIGURADO AKONG NAKIDNAP SIYA.


"KAGAGAWAN ITO NG ISANG KRIMINAL"




"KAYA BAGO PA MAHULI ANG LAHAT KUMILOS NA KAYO!!!!"



BRENT'S POV



Nakadungaw ako ngayun sa loob ng kwarto ko, tanaw ko si Georgina habang  nagbibihis. Nakakadiri talaga tung babaeng to. Nakahiga siyang nagbibihis habang pilit na pinagkakasya ang pantalon niya. Para siyang uod na pilit pumapasok sa cocoon niya. HAHAH!!

"Bakit ganyan ka kung magsuot ng damit? Para kang uod tingnan oh!"

"Sorry pero yung ano..kasi ...yung ano..masakit..."


"Masakit?"

"hmmm.."

"Ahh..okay..Hurry!"

"O...okay.."

"Bilisan mo dyan, may pupuntahan tayu."

Pumunta na ako sa labas ng bahay. Inihanda ko na ang kotse para sa lakad naming dalawa. Matapos kung masiguradong okay ang makina at ang mga gulong ay papasok na sana ako ulit sa bahay upang kunin siya pero nasa labas na pala siya nasa tapat ng pinto. 

"Brenntt?"

"hmmmm?"

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon