CHAPTER 22: The Cop

4.1K 97 18
                                    

Author's Note

Meet Alexander James Suarez, ang police na kasalukuyang may hawak sa kaso ng pagpatay sa mga magulang ni Brent. Matapang, may paninindigan, at taglay ang kakisigan ng isang police.
Ano kaya ang magiging role niya sa buhay ng ating mga bida?

Let's see nalang. :) 

This character is portrayed by the Korean actor Kim Soo Hyun. Kung di nyo naitatanong Kpop fanboy din kasi ang author ng story nato pero slight lang naman. Di na masyado ngayon. Kinain nadin ako noon ng Kdrama eh, iniluwa lang ako nung kailangan ko ng magfocus sa pag aaral. 

At isa pang trivia about kay author, bisaya po ako. NATIVE BISAYA, tubong Bohol. Kaya sorry kung minsan mali mali yung grammar ko sa tagalog ah. Nahihirapan din ako minsan ei.

HAHA XD yun lang. 

Kung dati pa extra extra lang ang povs ni Alexander ngayun eh. Bigay naman natin sa kanya ang spotlight. 

READY?!

ALEXANDER'S POV


(POLICE STATION)


"HEY!!!"


"ANO BA PAKAWALAN NIYO NGA AKO, MGA WALANG SILBING POLICE KAYU!"


Mula sa aking masusing pagbabasa ng dyaryo ay naagaw ang aking atensyon ng isang matandang lalaking kinakaladkad ng kasamahan kung mga police. Tantya ko ay nasa 50 pataas na ang gulang at tingin ko ay may impluwensiya ito ng alak.


"ANO BA! MASAKIT! MGA POLICE BA TALAGA KAYO?"


Not again..


Pang ilang lasing naba ang matandang to? 

Pang apat? 

Sa week lang nato. 

Di ko naman siguro kailangan pang tulungan ang mga kasamahan ko. Kaya naman ay pinapatuloy ko na lamang ang pagbabasa, at malamang sanay na sila sa mga ganung klaseng sitwasyon. 

"I'm a congressman!! Let go of me! I will sue you."

Lasing nga naman. Nakuhang uminom ng marami pero di kayang kontrolin ang sarili pag natamaan na. Pero di ko na dapat pang problemahin ang isang to. Ang pagbabantay sa mga katulad nung matandang yun, ay hindi ko gawain, hindi gawain ng isang police.

Napakamot ako sa aking ulo. 

Kailan nga ba nung huli akong na satisfy sa trabaho kung ito?

Di ko na matandaan kong kailan.

Pero tingin ko ay nasasanay na ako, at ang kasong hawak ko ngayon...

"Alex!"

Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses.

"Bakit nakatunganga kalang dyan?! Tulungan mo nga kami."


"Kaya niyo na yan, di pa ba kayo nasanay sa mga ganyan...? Pang apat na yan ngayung linggo ah."

"FUCKIN' BASTARDS ..TINGIN NIYO MAGALING NA KAYU KASI NAKAPASA KAYU SA BOARD EXAMS. TINGIN NIYO GANUN NA KAYU KAGALING? DATING AKONG POLICE, AND YOU CAN'T JUST TREAT ME LIKE THIS."

Uminit ang aking ulo sa aking narinig kaya naman ay tumayo ako mula sa aking silya. Lumapit ako sa matandang nagpupumiglas at binigyan ito ng isang malakas na suntok sa kanyang tagiliran. Napairi ito sa sakit at nanlaki ang mata. Kumalma na ito at tanging isang matalim na tingin ang ibinigay sa akin. 

Asan na ngayun ang yabang mong matanda ka. Kahit police ako, tao parin ako. I have my limitations same as you are. May limitations ang katarantaduhan mo sa akin.

"Maybe you should know your place right now!? You're drunk, wanna taste this?!"
Sabay angat ng aking kaliwang kamao. Napalingon ako sa aking mga kasamahan, nakatulala lamang sila.

"Hehe! sorry...uminit na naman kasi ang ulo ko ei. Pero yan okay na si Manong oh."
Napakamot ako sa aking ulo.

Hayysss... 
Bumalik na ako sa aking upuan matapos ko mapusasan ang matanda at maipasok sa isa sa mga sildang temporaryong kulungan ng mga minor offenses lang tulag ng matandang nakatikim sa akin. 

She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon