This chapter is dedicated to @RavannahTracy. Thanks for the motivation to update labs <3
Love you!
#Appreciated
................................................................................
Give this chapter a "STAR" labsko!!
Facebook: Zhan Nyl Flores Ylasco
Twitter: jnblackfire
Instagram: jnblackfire
000000000000000000000000000000000000000000
kitakits sa book signing ko! :D
................................................................................................
Iiyak na sana ng tuluyan si Georgina ng mapansin niyang may mga bisig ng nakayakap sa kanya mula sa likod.
"Iiyak ka na naman? Di pa nga ako namamatay iiyakan mo na ako?" saad nito. Napalingon ang dalaga at nakita niya ang nakangiting binata habang may dalang cotton candy.
"Wag kana umiyak, dahil may pupuntahan pa tayo...dun.." saad ni Brent kasabay ng pagturo sa isang attraction ng park.
..
.
"Uhhh! A-ano to?"
Nasa harapan ng isa sa pinaka attraction ng adventure park sina Brent at Georgina. Tanaw na tanaw ng mga ito ang nakakatakot na gusali. Habang pinagmamasdan ng dalawa ang naturang gusali ay panay naman ang bulungan ng isang bakla at babae na nasa gilid nila. May hawak na camera ang isa sa kanila.
"Base sa reviews na narinig ko girl, nakakatakot talaga ang haunted house nato, kaya magandang site ito for your vlogging" saad ng bakla habang hawak hawak ang camera at kinukuhan ang babae.
"Hello guys, welcome back to my channel its me Janella at today ay papasukin natin ang isa sa pinakakinakakatakutang lugar dito sa Enchanted Disney ang Haunted House..."
Di naman pinansin nina Brent ang dalawa at nagpatuloy lang sa pagpasok sa bahay. Nang nasa bungad na sila ay sumalubong sa kanila ang guide.
"Welcome to Echanted Disney's Haunted House,..." inexplain ng guide ang mga rules at mga dapat gawin kapag nasa loob sila ng bahay. Binigyan din sila ng mga flashlight. Pagkatapos mag explain ng babae ay binuksan na nito ang pinto.
Papasok na sina Brent ng biglang magsalita ang vlogger na si Janella.
"Uh,..excuse me..pwede bang sumama kami sa inyong dalawa. Para naman di kami masyadong matakot magvlog sa loob" saad nito habang nakatingin kay Brent. Sinadya namang mag yes ni Brent.
"Sure..wag kayong mag aalala kasama niyo ko." saad ni Brent na umuna na sa loob kasama ng dalawa habang si Georgina naman ay dahan dahang naglalakad sunod sa kina Brent. Hawak hawak nito ang keychain na bigay ni Brent sa kanya.Grabe kong makapulot ang dalawa sa balikat ni Brent at tila'y nakalimutan na nitong mag vlog sa loob dahil sa takot. Sa pasukan palang kasi ng gusali ay tanaw muna agad ang mga nakasabit na bangkay, nasilid ito sa sako habang mga mga pumapatak na dugo.
"Napakarealistic naman." saad ng bakla.
Napalingon si Brent kay Georgina at nagkatinginan ang dalawa. Mabilis naman inalis ni Brent ang tingin sa dalaga at nagpatuloy sa paglalakad.
"Uh, kuya sino yung kasama niyong napakapayat? Kapatid mo ba yun?" saad ng babae habang todo kapit sa katawan ni Brent."Uhh.."
"Kaibigan niya lang ako..." sasagot na sana si Brent nang unahan na ito ni Georgina.
"Ganun naman pala, ang swerte mo naman sa kaibigan mo gurl, ang gwapo at ang bango.." saad ng bakla.
"Wahhhh!" napasigaw sa takot ang babae dahil bigla na lamang humawak sa kanya ang kamay ng isang sunod na bangkay. Mabilis itong napapulupot sa braso ni Brent. Poker face padin ang mukha ni Brent kahit na todo gulat na ang mga kasama niya. Si Georgina naman ay nagsisimula ng matakot.
Habang nagpatuloy ang apat sa paglalakad ay biglang nagsalita si Brent.
"Hmmmm.. Paano kaya kung may totoong mamatay tao sa loob ng gusaling to? Paano kaya kung apat ang pumasok tas isa lang ang lalabas?"
"Ano kaba kuya? Nakakatakot na! Wag ka.."
"O di kaya'y dalawa nalang ang makalabas ng buhay..." saad ni Brent gamit ang kanyang bedroom voice.
"Enebe keye!"
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" napalingon naman ang tatlo dahil sa gulat. Sumigaw kasi si Georgina dahil sa batang manika na itinapon sa kanya. Napaupo tuloy siya sa sahig dahil sa sobrang takot.
"Tumayo ka nga jan!" saad ni Brent.
"BRRRROMMMM!!!!" di pa man lubusang nakakatayo si Georgina ay panibagong ingay na naman ang nagpalingon sa kanila.
Isang clown kasi ang may dalang chinsaw na nakatingin sa kinaroroonan nila.
"WAHHH!!" sigawan ng dalawa habang nakapulupot kay Brent.
"HAHAHHAHAHA!!!" "HA HA HAHAH"
"THIS WILL BE BLOODY!"
"BROMMM..BROOOM... BROOOMMM!"
"TAKBO!" hinila ng dalawa palabas ng gusali si Brent. Napalingon naman si Brent sa nakatulalang si Georgina. Gusto mang puntahan ni Brent si Georgina ay di niya magawa dahil hinihila na siya ng dalawa.
"Phew!" saad ng dalawa habang hinihingal padin sa pagtakbo. Tiningnan ni Brent ang paligid pero di pa pala nakakalabas si Georgina.
"Nasan na yung kasama nating patpatin?"
"Maghintay lang tayo lalabas na siguro yun mayamaya!"
..............................................................................................................
"Nasaan na ba kasi yun?" saad ni Georgina habang kinakapa ang sahig.
"Uh!" napahinto ang kanyang pagkapa ng makarinig siya ng mga tunog papunta sa kanya. Napayakap nalang siya sarili niya habang pinipigilan ang pag iyak.
Isang kamay ang biglang humawak sa kanyang.
"WAG! Ahhhhh! Ano ba bitawan moko! Wahhhh....Tulong!! Brent!!! "
"Tulungan niyo ko!" pagpupumiglas ni Georgina.
"Ano ba stay calm! Ako to si Brent." saad ni Brent pero di parin tumitigil si Georgina kaya niyakap niya ito ng napakahigpit kasunod ng isang napakainit na halik.
"Bre--nt?" pagkamalma nito. Namumula naman ang dalaga dahil sa ginawa ni Brent sa kanya.
"Bakit nandito ka pa ? Bat di ka tumakbo palabas?"
"Ka-kasi yung ano?"
"Yung ano?"
"Paru..paru.."
"Huh"
"Nahulog ko lang yun dito eh! Diko mahanap! Kailangan kong mahanap yun! Kaialangan!" nagsisimula na namang mataranta si Georgina.
"Kailang-" di na natuloy ang sasabihin ng dalaga dahil hinalikan na naman siya ni Brent.
Pero this time napakalaab. Mas mainit sa nauna.
"Look at me Georgina! Relax ka lang ... tara na.." saad ni Brent at tuluyan ng hinila ang dalaga.
Nagpatuloy ang dalawa sa pamamasyal pero this time hawak hawak na ni Brent ang kamay ng dalaga. Di maiwasang mapatingin ng iilan sa kanila dahil sa anking kakisigan at kagwapuhan ni Brent samantalang napakapayat at patpatin naman ni Georgina.
"Upo muna tayo!"
Napaupo sila sa isang bench ng park. Di lingid sa kanilang kaalaman ang mga matang kanina pa nakamasid sa kanilang bawat galaw.
"Pagod kana ba?"
"Di ba naman?"
"Bat malungkot ka nanaman?"
"Kasi di ko nahanap, nawala ko yung binigay mo sa akin.. ang unang bagay na binigay mo sa akin.."
"Nalulungkot ka ba kasi mahalaga yung bagay na yun para sayo?" Georgina nodded.
"wag kang mag alala. Bibili ulit tayo nga bago."
"Pero kasi.." saad ni Georgina na nakayuko.
"Gusto gusto ko kasi -"
"Ito ba ang hinahanap mo?" saad ni Brent habang hawak hawak ang nawawalang paru paru na keychain ni Georgina.
"Nahanap mo?" saad ni Georgina na may tuwa na ulit sa mukha. Kinuha niya agad ito sa kmaay ng binata.
"Napakasaya naman. Nahanap mo Brent!"
"Ano naman ngayon kung masaya ka! Tara na,dun tayo" saad ni Brent na biglang nagbago ang tono ng pananalita. Mula sa sobrang tuwa ay napalitan ng lungkot ang mukha ni Georgina.
....
..
..
"Ito ang huling ride na sasakyan natin ngayon!"
"ROLLER COASTER"
Nakasakay na ang dalawa. Halata sa mukha ni Georgina na gusto niyang sumakay sa Roller coaster. Nagtataka tuloy si Brent.
"Ibigay mo sa akin keychain na yun. Baka mahulog mo na naman.." saad ni Brent.
"Wag kang mag alala, iingatan ko na to ngayon."
Inilabas ni Brent ang litrato nila ni Georgina kanina.
"Tama yan Georgina! Wag muna ulit akong pagkatiwalaan. Dahil masasaktan kalang ng paulit ulit" saad ni Brent.
"Ano! Brent?! Di kita marining?!"
Itinaas ni Brent ang kanyang kanang kamay habang hawak hawak ang litrato nila Georgina kanina. Napag isip niya pakawalan ito sa ere at tuluyan ng bitiwan pero bago niya pa magawa ito ay.....
"Brent. HA HA HA HA H!" isang napakasayang mukha ang nakita niya. Napakasayang mukha ni Georgina habang naka taas ang dalwang kamay at abot langit ang ngiti.
"Ang saya saya ko Brent! Wohhhhh!!"
Lihim na napangiti ang binata dahil sa natunghayan niyang inasal ni Georgina. Nagkaroon ng kakaibang sensasyon iyun sa kanyang katawan.
"Ito ba ang tinatawag nilang saya?"
Kaya imbes na bitawan niya ang litrato ay hinigpitan niya ang pag hawak dito at muling ibinalik sa kanyang bulsa.
"Ang saya ko Brent! Wohhh!!"
"Oo, ito nga siguru yun!" saad ni Brent sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mystery / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...