Okay!
Di nakasali sa shortlist ng wattys2017 ang SSAK. Pero okay lang! (Weah? Kahit hindi! )
Okay lang patuloy pa rin natin to. Kahit di wattys winner ang story nato. Pag iigihan ko paring tapusin ang aking nasimulan.
Sa mga nagpatuloy sa nagbasa hanggang sa latest chapter. Thank you so much!
Pag na complete ko na ang story nato. Sisimulan ko ng mag edit at mag revise paki reread nalang pag natapos na. Sana di ko kayu na disappoint dahil di ako nakapasok sa wattys.
Sorry.. Thank you sa mga sumuporta sa akin!
Pahinging 5 seconds hug! :(
Drama! Patuloy na natin ang pagstalk sa killer.
GEORGINA'S POV
"Ano ba bitawan mo nga ako!"
Saad ko sa isang pamilyar na lalaking kumakaladkad sa akin ngayon. Hawak hawak niya ngayon ang kaliwang kamay ko. Nakaramdam ako ng sakit dahil sa malakas niyang pagkakahila.
Patuloy ang paghila niya sa akin hanggang sa makarating kami sa isang parti ng bar na wala masyadong tao. Hawak hawak niya parin ang aking kamay habang nakatingin sa aking mukha.
Sino ba ang lalaking to?
Bakit niya to ginagawa?Kailangan kong makawala sa lalaking to. Baka hinahanap na ako ni Brent. Baka magalit na naman siya sa akin. Ayaw ko nang mangyari pa yun! Ayaw ko na!
"Ano ba!"
Malakas kong hinala ang aking kamay.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Tingin mo? Kinaladkad mo ko dito, tas sasabihin mo yan?"
Di niya ako sinagot. Nakatingin lang siya sa kamay kung may sugat. Napatingin din ako at nagulat ako sa aking nasaksihan."You're bleeding" saad ng lalaking humila sa akin. "Di naman siguro dahil sa paghila ko yan sayo diba" dadag niya.
Napahawak ako sa aking kamay. Di ko napansin ang pagbukas ng sugat sa aking kanang kamay. Pinagmasdan ko ang dugo na nagmumula dito at dun ko lang naramdaman ang sakit.
"We should clean it up."
Kinuha ng lalaking nasa harapan ko ang kanang kamay ko. May kinuha siyang kung anong bagay sa bulsa niya. Lumuhod siya sa harapan ko at pinulupot ang panyo niya sa pulso kung may sugat."It will stop the bleeding temporarily. Bat kaba nagkaganito?"
Napayuko lang ako habang pinagmamasdan siyang itinatali ang panyo niya sa sugaton kung kamay. Pansin kong magkasing tangkad lang sila ni Brent, at makaedad rin ata. Sino ba ang lalaking to? Kinakabahan na ako baka hinahanap na ako ni Brent. Nandito kasi kami sa bodega ng bar na pinagtatatrabahoan ni Brent.
"Yan!"
Tumayo na siya ngayon. Hinawakan niyang bigla ang balikat ko at pinapaupo ako sa isang upuan.
"Sorry po! Pero kailangan ko na talagang umalis. Hinahanap na ako ni Bre..."
Natataranta kung saad habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. Pero sadyang malakas siya."Let me see."
Bigla siyang umupo ulit sa harapan ko.
"Pull up your pants."Utos niya sa akin.
"Ba-bakit mo to ginagawa? Sino-no ka ba?! Okay lang naman talaga ako."
Di na naman niya ako sinagot. Naramdaman ko nalang ang pagtaas ng suot kung pantalon.
Gulat siyang nakatingin sa mga paa kung may bandages.
"Hoooo!!"
Para siyang nawalan ng lakas habang nakayuko sa harapan ko.
"Anong relasyon mo sa lalaking yun? Kay Brent Lorenzo?"
"Anong ibig- mo-mong sabihin.."
Bakit ganito di ko mapigilang mautal. Nanginginig na din ako. Anong gagawin ko para makawala ako sa lalaking to?
BINABASA MO ANG
She's Stalking A Killer (R-18 COMPLETED)
Mistero / ThrillerRank Attained #7 in MYSTERY/THRILLER; Georgina Flores isang ordinaryong babaeng may kakaiba at matinding paghanga sa isang lalaking nagligtas ng buhay niya. Sa loob ng 3 taon ay minahal niya ng palihim si Brent Lorenzo hanggang sa umabot sa puntong...