CHAPTER 3: STALKER meets a KILLER✔

6.2K 231 37
                                    

    Dahan dahan kong minulat ang mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Ramdam ko parin ang sakit sa akin balikat. 

"Uggghhh"

Nakadapa parin ako, dahan dahan kong naalala ang naganap kanina.  Sobrang sakit din ng likuran ko at napagapang nalang ako sa sahig habang pinipilit marating ang pintuan. 

Hindi ko mahagilap si Brent. Wala na din yung katawan ng babae kanina. 

Hindi ito maari, hindi siya ang Brent na kilala ko. 

 

Hindi ako maaring mamatay dito!! 

Hindi!!!

Gumapang ako ng papalabas ng silid habang may mga luha ng lumalabas sa aking mata. 

Bakit ganito si Brent? Si Brent ba talaga tong lalaking kasama ko sa silid na ito. 

"Oh! Gising kana pala Sleeping Beauty! Meet your Prince Charming!" napatingin ako sa kanya at ngayon ay nakahubad na siya ng pang itaas. Natatanaw ko ang napakamasculado niyang katawan dahil sa liwanag na mula sa sala ng bahay. 


"Hindi pa nga kita nahahalikan e. Nagising kana agad. Unfair naman!" saad niya. 

Di ko siya pinakinggan bagkus ay inipon ko lahat ng lakas ko upang makatayo at patakbong tinungo ang pintuan pero bago ko paman yun magawa ay natamaan na ako ng isang malakas na palo mula sa baseball na hawak ni Brent.

"Ahhhh!!! "  daing ko habang napahilata ulit ako sa sahig. Dahil sa sobrang sakit. 

Ang sakit! 


Ang sakit na ito? 


Sobrang sakit!


Pero mas masakit pala talaga kapag mahal mo ang taong gumagawa sayo ng mga ganitong bagay.  Nasaan na ang Brent, na minahal ko? 

Akala ko alam ko na lahat tungkol sa kanya. Yun pala ay may malaki pa siyang itinatagong lihim. 

Mamamatay naba ako?

Nilapitan nya ako at tumayo sa aking harapan, ngumiti siya ng bahagya habang dahan dahang inaangat muli ang bat upang ako ay paluin. Nanginig ang aking buong kalamnan. 

Hindi ko aakalaing sa ganitong paraan ko masisilayan ang ngiti niya. Ang ngiti ng lalaking aking lihim na iniibig. 

Napangiti nalang ako. Habang nakatingin sa kanya na siya namang nagpakunot ng kanyang mga kilay. 

"HAHAHHAHAH" malakas kong tawa. Binitawan niya at kinuha ang baseball bat. 

"Baliw ka naman pala! Siguro dapat sayo ay..."

Ito na yata ang katapusan ko. 

Pero bago nya ako mapatay dapat malaman nya munang malaman ang sekretong tatlong taon ko ding itinago. Ang katotohanang dapat niyang malaman bago niya ako patayin.


"I LOVE YOU BRENT SANTOS LORENZO!!!!"sigaw ko na nagpatigil sa kanyang balak gawin. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin at dahang dahan binaba ang bat na dala niya. 

"XAVIER UNIVERSITY, Class of 2013. Magkapareho tayo ng school! Lagi kitang nakikita. Unang kita ko palang sayo nagustuhan na kita! Iniligtas mo ang buhay kooo! "

Nasambit ko, habang si Brent ay nambilog ang mata habang napahinto sa balak nyang pagpalo sa akin ng dala nyang bat.

"Naalala mo ba nung isang gabing may niligtas kang babae mula sa kamay ng mga lasing sa kanto? Ako yun Brent, ako yun. Kahit madilim ang gabing iyon alam kung ikaw ang lalaking nagligtas sa akin. Simula ng gabing yun mas lalo kitang minahal, mas lalo kitang nagustuhan. Ikaw ang dahilan kung bat patuloy parin ako lumalaban at nabubuhay. Kung papatayin mo man ako sa mga oras na ito siguro dapat mong malamang..."

Bahagya akong napahinto. Di ako makapaniwalang masasabi ko ang mga katagang iyon sa harap ni Brent. Ni isang beses di ko inisip at binalak na umamin sa kanya. Dahil alam kung masasaktan lang ako. Aasa lang ako. At luluha lang ako pero ngayon nasabi ko na. Nasabi ko na ang aking feelings para sa kanya na itinago ko sa loob ng tatlong taon. 


"I LOVE YOU BRENT LORENZO AND I WILL ALWAYS LOVE YOU."
Lumaki pa lalo ang mata, niya sa aking mga sinabi.

"SIGE PATAYIN MO NA AKO! AHAHHAHAHAHAHHAHA!" malakas kong tawa habang nakatingin kay Brent. Gulat na gulat din siya sa mga sinabi ko. 

Kailangan ko ng tanggaping ito na ang katapusan ko.


.

Napapikit nalang ako, and the next thing I know is hawak na niya ang mukha ko. Habang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. 

"Ang cute mo naman pala." siya habang ginugulo ang aking buhok.

"Br-ent??" Gulat na gulat ako habang nakatingin sa nakangiting si Brent. Napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko na ang kanyang pabango.

"Masyadong maliit ang maliit ang bahay nato para sa ating tatlo."

Anong ibig nyang sabihin? Gagawin niya din ba akong bihag? O papatayin na din niya ako?

"Anong ibig mong sabihin? Papatawarin mo na ba ako Brent?" 

Di niya ako sinagot bagkus ay tumayo lang siya at tumalikod.  

"Oo, pero.." Nilingon niya ako habang nakangiti. Hinawakan niya ulit ng mahigpit ang hawak niyang baseball bat.


"Ha..?" -


"HINDI ANG MGA PAA MO."

Matinding sakit ang naramdaman ko ng bigla niyang hinataw ang dalawa kung paa gamit ang baseball bat na iyon. 

"AHHHH!!!"


Ramdam ko ang pagkabali ng mga buto ko sa paa. Ito na ata ang pinakamasakit na parusang natanggap ko. 

Dapat mas kinilala ko pa si Brent ng mabuti. 

Ang dating lalaking di ko lubos akalaing malalapitan ko ng ganito. 

Abot kamay ko na siya. Abot kamay ko na siya. 

















She's Stalking A Killer   (R-18  COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon